"mama." mahinang saad ni nari. she can't take this anymore. gusto na talaga niyang malaman kung ano ang totoo, hindi na kaya pang maghintay kung kelan yung tamang panahon. gusto niya na ngayon."hm?" nakangiting lumingon si jennie sa anak, at ibinaba yung librong hawak niya. si byul naman na nakaharap sa computer ay hininaan yung volume nung pinapanood niya para marinig kung ano mang pag-uusapan ng kanyang kambal at ina.
pinaikot ni nari yung bola na nasa kamay niya. bagong bili ito ng kanyang tita irene kaya ito na naman yung bago niyang nilalaro, at nakaitchapwera na lang yung isa niya.
"i miss dada." diretsong saad niya, hindi tumitingin sa ina. that caught jennie off guard, pero nag-fake lang siya ng smile.
"i miss her too." she honestly replied. totoo yun, walang halong biro.
"of course." saad ni nari at itinabi sa gilid yung bola niya saka bumalik sa pwesto niya kanina.
"mama." saad niya ulit. ayaw na niyang magpanggap na walang nalalaman. e clearly naman na narinig niya yung mama niya at yung tita niya about sa topic na yun.
at isa pa, karapatan niya talagang malaman.
"we're not complete anymore, right?" nanginginig niyang saad. she's really sensitive pag dating sa kanyang mga magulang, at iniisip niya palang na lalaki silang hindi kasama ang kanilang dada ay sapat na para mapuno ng sakit yung puso niya.
nanlaki yung mata ni jennie sa sinabi ng anak, ganun din si byul na otomatikong napalingon sa dalawa. hindi niya ineexpect na hindi na makakatiis si nari.
"w-what are-"
"please." nari clasped her hands together, at lumuhod. "don't lie ma." nag-uunahan na yung luha niya sa mata, agad na tumayo si jennie at nilapitan si nari, saka ito niyakap ng mahigpit.
pagdating sa anak niya, she can't help it but to cry.
"narinig ko kayo ni tita." pag-amin ni nari habang nakasubsob sa dibdib ni jennie. "i want to know ma." humagulgol niyang saad.
agad na tumayo si byul at yumakap din sa dalawang pinakaimportanteng babae sa buhay niya.
puno ng pag-aalinlangan yung puso ni jennie.
ano ba talaga ang dapat gawin? hindi niya alam. natatakot siya.
she's scared.
🖇 promise hahabaan ko na next HAHAHAHQHQ. thank youuuuu sa nagbabasaaa 🥺
BINABASA MO ANG
all about you | jenlisa
Fanfiction➵ all about you | jenlisa ↳ started: 090120 ends: 000000 lowercase intended "you promised, you told me that you'll love me until the end!" jenlisa jennie kim x lisa manoban © | vminsooneul, 2020.