"are you out of your mind?!" galit na galit na saad ni chungha saka binalibag yung pintuan ng kanyang kwarto.nakayuko lang si jennie at pinupunasan ang kanyang mga luha. apektadong apektado parin siya ng mga pangyayari kanina.
"bakit mo siya pinatawad jennie? niloko ka nung tao. naiintindihan mo ba?!" sigaw ni chungha. may mga luha din ang mukha nito, syempre bilang nakakatandang kapatid ni jennie, nasaktan siya sa sobrang katangahan ng kapatid.
"i-i know ate." tila lalong naliit si jennie, parang mas lalo siyang naging tanga, at parang hindi maikakailang tanga siya sa mga desisyon na ginawa niya.
"ate." huminga siya ng malalim. "may mga anak kami."
napasapo si chungha sa noo niya. for a mean while, parang hindi sumagi ulit sa utak niya yung kambal. nakakaawang mga bata.
"ayokong lumaki sila ng wasak ang pamilya." umiiyak na ulit si jennie, parang naging isang malaking palaisipan ang lahat, at nangangarap siyang sana, sana panaginip nalang ito.
"a-alam mo din kung gaano kahirap diba?" bilang wala din silang kinalakihan na ama, masasabi mong mahirap talaga. sobra.
"tsaka anong gagawin ko?" umiiyak padin na saad nito. "mahal ko padin ate e."
baka totoo ngang once na nagmahal ka nagiging tanga ka, ito yung ebidensya o. si jennie, matalinong bata, pero tanga sa pag-ibig.
kahit na naiinis si chungha, niyakap niya ang kapatid ng mahigpit. masakit na masakit ang loob niya, pero naniniwala siyang magiging maayos na ang lahat.
"ate ano pong nangyayari?" nagtatakang tanong ni nari sakanyang ate nari na nagliligpit ng mga damit nila.
ngumiti ito. "pasensya ka na a, hindi ko kasi talaga alam e. inutusan lang ako ni ma'am."
nung marinig yun ni nari, agad siyang bumaba at pumunta sakanyang tita irene na mukhang hindi maganda ang mood. nag-aalangan man pero nilakasan niya ang loob niya at kinausap ito.
"tita." mahinang saad niya. agad na tumingala si irene at pinagmasdan si nari.
"bakit po nag-iimpake?" tanong ni nari. naguguluhan siya dahil lahat ng mga gamit nila ay inilalagay sa maleta.
"pwede bang si mama jennie nalang magpaliwanag sainyo mamaya? ha? baby." nakangiting saad ni irene. wala siya sa posisyon para manguna, kaya ipapaubaya niya na sa ina ng mga ito.
tumango tango si nari, kahit naguguluhan, tumalikod ito at umakyat na ulit sa kwarto nila.
"anak tandaan mo, kung ano man ang mangyayari, walang ibang may kagagawan kundi ikaw." saad ng ina ni jennie at niyakap ito ng mahigpit.
totoong malaki na nga ang kanyang bunsong anak, at nagpapasalamat siya na lumaki ito na mabuting tao. noong una, nagaalala siya dito, pero ngayon, alam niyang malakas ito at matalino.
sana maging ayos na ito.
"natatakot ako ma. baka pagsisihan ko ito." malungkot na ngumiti si jennie at sinulyapan ng sandali si lisa na nakaupo parin sa sofa at hindi kumikibo.
"pag-isipan mong mabuti anak." wala siyang ibang maipapayo sa anak sa kadahilanang hindi naman din ito susunod. kilala niya si jennie, matigas ang ulo nito.
"ma. salamat." umiiyak na niyakap ni jennie ang kanyang ina. totoo ngang walang mas hihigit sa pagmamahal ng isang ina.
kung ano ano ang lumilipad sa utak ni lisa. hindi niya alam kung totoo ba talaga itong nangyayari.
lumapit si jennie sa asawa at inalok yung kamay nito, saka binigyan ito ng matamis na ngiti.
tanga na kung tanga, mahal pa niya e.
tumayo si lisa at binigyan ng mahigpit na yakap si jennie. kung panaginip man ito, ayaw niya ng magising.
"the what?!" sigaw ni irene sa kabilang linya. "no fuck! im going there!"
"please no.." mahinang saad ni jennie. "im fine. dont worry."
huminga ng malalim si irene. ano pa nga ba? syempre, nirerespeto niya yung desisyon ng kaibigan niya.
"basta tandaan mo, andito lang ako para sayo okay?"
tumango tango si jennie kahit na hindi naman siya nakikita ni irene. lumingon siya sa katabi niya at nakita niyang tulog na nakasandal si lisa sa bintana ng kotse. hinawakan niya yung kamay nito at binigyan ng mahigpit na pisil.
"mahal na mahal kita."
BINABASA MO ANG
all about you | jenlisa
Fanfiction➵ all about you | jenlisa ↳ started: 090120 ends: 000000 lowercase intended "you promised, you told me that you'll love me until the end!" jenlisa jennie kim x lisa manoban © | vminsooneul, 2020.