22

133 7 3
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

napangiti siya saka itinaas niya yung dalawang kamay niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


napangiti siya saka itinaas niya yung dalawang kamay niya. "yes!"

maingay. katulad niya, nagsisigawan din yung mga katabi niya, cheering and rooting for their votes. minsan may mga lumilingon sakanya at tinitingnan siya mula ulo hanggang paa, pero wala naman siyang pakialam.

mukha nga siyang weird pero hindi naman sila yung pinunta niya dito.

"yehey!" saad ni nari at nakipag-apir sa dalawang dalaga pati narin sa kakambal niya.

panalo sila sa sack race. yun yung una nilang panalo. kahit nung una, nag-aalala siya dahil hindi kasi talaga sporty si byul, pero competitive ito.

"ibabalita natin ito kay ate jennie." nakangiting saad ni aera at pinunasan yung mukha ni nari ng pamunas. pawis na pawis ito at namumula.

"kailangan pa nating mapanalo yung iba." saad ni byul at uminom ng tubig na inabot sakanya ni nari.

"tama yun." saad ng kanyang ate nari at hinawi yung buhok nito patalikod, sa kadahilanang dumidikit na sa noo nito yung pawisang buhok.

nakangiti lang na nakamasid si jennie sa malayo. first time niyang pumunta sa paaralan ng mga ito, at of course, hindi naging madali yung pagpasok niya dito, pero kung paano man siya nakarating dito ay pawang himala nalang.

umupo siya sa bench at pinagmasdan ang kanyang mga anak na halatang halata na masaya sa napanalunan nila. si nari sumusuntok suntok sa hangin, at hindi naman mapakali yung paa ni byul.

"my babies are so cute." bulong niya. hindi niya mapigilang hindi iimagine na paano kung sila ni lisa ang kasama ng kambal ngayon.

siguro mas magiging masaya ang mga ito.

bumuntong hininga siya at inalis muna yung malaking glasses sa mata niya st pinunasan yung lens gamit yung jacket niya.

wala siyang dalang iba e, tanging wallet lang at cellphone.

nag-salita na ulit yung isa sa mga guro, instructing the next game. dahil excited si jennie, agad siyang tumayo at humanap ng lugar maaring pagtayuan.

nagtayuan na din yung mga ibang tao nanunuod, at nagsimula ng sumikip. kahit medyo mainit, lalo na sa ulo niya sa kadahilanang nakawig siya, hindi na niya na yun inalintana, ang mahalaga, makita niyang masaya yung kambal.

sumiksik si lisa sa nagtitipon na mga tao, at inayos yung shades sa suot niya. naglinga linga siya sa paligid para hagilapin yung kambal niyang anak, kadarating niya palang kasi. medyo naging traffic at nahirapan siya dahil may mga ibang nakarecognize sakanya, kaya pumunta muna siya ng mall para mamili ng pwedeng ipangdisguise.

sa wakas natanaw niya na din yung kanyang kambal, nakipagsiksikan siya at minake sure na mapupunta siya sa unahan para mas makita ito ng maigi.

tama nga yung hinala niya, di aattend si jennie.

nakaramdam siya ng guilt na bumalot yung buong katawan niya causing her goosebumps. kahit isang linggo na silang hiwalay, never parin siya nitong pinahamak.

natanawan niya na may dalawang dalaga na tumabi sa anak niya, she squinted her eyes, hoping na mas luminaw yung mukha ng mga ito, pero bukod sa hindi niya makita ng maigi, sure din siyang hindi niya kilala.

gustong gusto niya lapitan yung kambal, at yakapin ang mga ito, afterall, anak niya ang mga ito. may karapatan siyang mamiss ang mga ito.

jennie.

she loved jennie.

totoo nga siguro na kapag nagtatagal yung relasyon, nagbabago yung damdamin. hindi siya nagsisisi na minahal niya si jennie, hindi na lang talaga tumitibok yung puso niya gaya ng dati.

alam niyang mali yung ginawa niya, she's a cheater. at dapat lang siyang kamuhian, kahit ng mga anak niya, dapat lang na itakwil siya.

at malaki ang kasalanan niya dahil siya ang pinakadahilan kung bakit hindi buo ang pamilya nila.

walang mali kay jennie. siya ang may mali. siya ang hindi makuntento, at wala siyang ibang magagawa kundi ang magloko.

she's pathetic, and she knows it.

yeeun, her manager. bago lang ito, nung nakaraang taon lang ito dumating, doon na nagsimula magbago yung tingin niya dito.

kinakalimutan niya na si jennie, mas mahalaga na si yeeun sakanya, bukod sa mas lagi silang magkasama, siya na din ang nagiging sandalan niya tuwing may problema siya.

alam niyang mali, pero nahulog lang naman siya e. lahat ng tao nagkakamali, at isa na siya doon.

yeeun knows. she knows everything -- pati yung sa kambal, alam nito.

at wala naman na siyang magagawa, ang mahal niya na ngayon ay si yeeun, at nakatira nalang si jennie sa past niya.

jennie is her past.

jennie is her past

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
all about you | jenlisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon