"hindi na ako maari pang maghintay ma." umiiyak na saad parin ni nari habang nakasubsob sa dibdib ng kanyang ina. hindi niya alam kung ano ba dapat ang gawin.isa lang naman siyang fail na asawa at fail na ina. hindi niya deserve yung mga luha ng anak niya, at dahil sa nangyayari, mas lalo pa siyang nasasaktan.
wala ng mas sasakit pa sa isang ina ang makitang umiiyak ang kanyang mga anak.
"please enlighten us." mahinang saad ni nari, agad namang napatingin si jennie nung marinig niyang may bumababa ng hagdan, at walang iba kundi si irene.
she looks at her helplessly. yung mga mata niya, nagmamakaawa, nanghihingi ng tulong. wala siyang ibang makakapitan kundi ang kaibigan, sa totoo lang, hiyang hiya na talaga siya sa lahat ng mga nagawa sakanya nito.
irene muttered a "what happened" pero tumingin lang si jennie kay nari, at niyakap ito ng mahigpit. bilang nag aalala siya, lumapit siya kay byul at hinawakan ang balikat nito.
"baby boy. what happened?" tila ba walang narinig ang batang lalaki na tumitig sa mga mata niya.
"we're not broken family right? we're complete. right? tita?" he said with a sad voice. kumikinang kinang na din yung mata nito, tila ba malapit ng umiyak.
niyakap agad ni irene ang batang lalaki at pumikit. hindi niya alam kung anong gagawin niya. wala siya sa posisyon para sabihin sa mga ito kung anong nangyayari.
"pag-usapan natin okay?" mahinang saad ni jennie. bakit niya nga ipinagkakait sa mga anak ang katotohanan? karapatan naman nila ito diba? sana tama ang desisyon niya.
binuhat ni jennie si nari papuntang sofa at umupo sila pareho. pinunasan ni nari yung mga luha niya, kinakabahan siya pero ito naman yung gusto niya diba?
umupo si irene sa tabi ni jennie at hinila din si byul, para mas magiging madali sakanila na makinig. kung ano man ang binabalak ni jennie, ay wala na siyang balak tutulan, siya ang ina ng mga bata at alam niya ang mas makabubuti sa mga ito.
"paano ko ba sisimulan ito." ng hindi siya nagiging emosyonal.
hangga't maari ayaw niya sanang umiyak sa harap ng kanyang mga anak. ayaw niya munang sabayan ang mga nararamdaman ng mga ito.
huminga siya ng malalim at pinagsalitsalitan ng tingin ang kanyang dalawang anak. "i'm sorry." halos pa bulong niya na lang na saad.
"i'm sorry. i'm sorry kung hindi na tayo makukumpleto." that's the word. nung narinig ng kambal yun, they knew it. hindi na sila buo at yes, hiwalay na ang kanilang dada at mama.
"i'm sorry kung hindi na natin makakasama si dada niyo." pumikit siya at huminga ng malalim. alam niya sa sarili niya kung gaano kahirap ang lumaki ng walang ama, at iniimagine niya palang na mangyayari sa mga anak niya, parang hindi niya kakayanin.
"i'm sorry kung lalaki kayo ng wala si dada niyo." tumigil muna siya, at humawak sa kamay ni irene. she needs an emotional support. "i'm sorry."
nanatiling walang imik ang kanyang dalawang anak, kapwa nakayuko at hindi alam ang gagawin. wala na silang dada, hindi na sila kumpleto. wala na.
"alam kong masakit." dugtong ni jennie. "pero baka hindi talaga kami ang para sa isa't isa."
"i need to see my wife." nahihilong saad ni lisa. she's drunk, at hindi na niya alam kung anong ginagawa niya. nakakalat yung mga bote sa sahig, amoy alak yung buong sala, pero wala siyang pakialam.
kinuha niya yung phone niya sa center table, at hinanap yung contact ni jennie. hindi niya sure kung kay jennie nga pero pinindot niya, bago pa man niya matawagan, namatay bigla yung phone niya dahil sa sobrang lowbat.
lisa shouted. nainis siya. she needs to see her family. kailangan niyang makipag-usap kay jennie, sa mga anak niya. she wants them back.
inihilamos niya yung palad niya sa mukha niya at umiyak ng umiyak, hindi niya alam kung hanggang kailan siya iiyak ng iiyak, sumasakit yung ulo niya, nahihilo siya.
naririnig niya yung boses ng mga anak niya, tinatawag siya, at nagtatawanan. kahit nakapikit siya, nakikita niya si jennie, yung jennie na minahal niya.
nakikita niya ito, nakangiti sakanya nung highschool, ngiti nung nagsama sila, ngiti nung kinasal sila, tapos biglang napalitan ng imahe ni jennie na umiiyak.
bakit nasa huli ang pagsisisi? bakit laging nasa huli.
"i want them back."
BINABASA MO ANG
all about you | jenlisa
Fanfiction➵ all about you | jenlisa ↳ started: 090120 ends: 000000 lowercase intended "you promised, you told me that you'll love me until the end!" jenlisa jennie kim x lisa manoban © | vminsooneul, 2020.