"pumunta ako kanina sa bahay niyo." saad ni irene at inayos yung kanyang salamin, at patuloy na nagtype.lumingon si jennie kay irene, at saka ibinaba yung whisk na hawak niya. sa kusina kasi pumwesto si irene, para makausap si jennie na busy sa pagbabake. may nakita kasi itong recipe sa youtube at gusto niya itry, thankfully naman, hinayaan lang siya ng kaibigan na magsayang ng mga ingredients.
"tapos?" saad niya, at kumunot yung noo. knowing na warfreak si irene, baka sinugod nito si lisa.
"guess what?" at tumingin kay jennie, wearing her evil grin.
"don't tell me." nanlaki yung mata niya. baka nga tama yung iniisip niya, baka inaway talaga ito ni irene.
"sike bitch." saad nito at finocus ulit yung tingin sa laptop niya. "wala ngang tao dun e."
agad na sumakit yung puso ni jennie sa narinig. umalis si lisa sa bahay nila, at ayaw niya mang isipin pero baka dun ito tumuloy sa babae niya.
kahit anong sabihin niyo, asawa niya parin si lisa. legally. at mahal niya parin ito.
alangan namang nakamove on na siya sa loob lang ng anim na araw diba? hello! 8 taon po silang mag-asawa, at magkasama. that's clearly impossible.
"natahimik ka dyan." bumaling siya kay jennie na tumalikod sakanya, at nagsimulang haluin yung kung ano mang hinahalo nito.
"i-im okay." saad niya at tinry na wag masyadong magfocus sa sakit na nararamdaman niya.
"you don't even deserve that fucker." saad ni irene at nag-roll eyes. kumukulo na naman yung dugo niya sa kadahilanang lagi nalang si lisa yung may dahilan kung bakit nasasaktan ang kaibigan niya.
"p-please don't be loud." at lumingon siya ng mabilis kay irene. "baka gising na yung kambal."
"fine fine i'm sorry." at itinaas niya yung kamay niya in defeat. "i'm not going to talk about that cheater."
"cheater?" kumunot yung noo ni nari sa narinig. "si dada?"
"c'mon try it." nakangiting saad ni yeeun kay lisa at ibinigay yung whisk na hawak niya.
"i don't know how." at itinaas niya yung kaliwang kilay niya.
"just try it." iginuide niya yung kamay ni lisa at sabay nilang hinalo yung mixture.
"samantalahin natin itong day-off mo." dugtong ni yeeun at ngumiti kay lisa.
"today's not my day off though." saad niya at nag-roll eyes. bukas pa talaga ang day off niya, which is sunday, pero dahil isa naman si yeeun sa mga managers niya, nagawan ng paraan para mabakante yung schedule niya ngayon.
"ihalo mo nalang yan" yeeun whines. masyadong maraming dada ang kanyang girlfriend, imbes na maghalo nalang.
"watch me." saad ni lisa at nag-smirk. hinalo niya ng mabilis ito, sobrang bilis, dahilan para magtalsikan at magkatapon-tapon yung iba.
"yah! yah!" saway ni yeeun at mahinang sinampal yung braso nito. "ako na nga."
tumawa naman si lisa at hinapit ang kanyang girlfriend sa bewang. inagaw ni yeeun yung whisk at siya na ang nagsimulang maghalo.
"masarap?" nakangiting tanong ni jennie sa dalawang anak niya, pati narin si irene na naglalaptop padin habang tinitikman yung ginawa niyang banana cake.
nagthumbs up si byul sa kaniyang ina. sign na nagustuhan nito.
samantalang nakayuko lang si nari at wala sa sariling tinutusok tusok yung pagkain niya.
"how about you baby girl?" hinila ni jennie yung upuan na nasa tapat ni nari, at tumingin sa anak.
kanina niya pa napansin na parang wala ito sa sarili, ni hindi nga ito nag-good morning sakanila, at diretso lang na umupo. maybe hindi naging maayos yung tulog nito.
nag-panic agad si nari, kaya isinubo niya yung pagkain, saka pilit na ngumiti, kahit na punong puno yung bunganga nito. itinaas niya yung dalawa niyang kamay at nagthumbs up din.
"yehey." jennie said at saka ipinalakpak yung dalawa niyang kamay. masaya siya sa feedback na kaniyang natanggap.
siniko niya si irene, at naghintay din ng papuri sa kaibigan, pero umirap lang ito. "masarap." walang emosyon nitong saad.
"nasarapan ka lang e." natatawa tawang sabi ni jennie. kunwari pa ito, pero alam niya namang nagustuhan nito yung ginawa niya.
"oh." inabot ni byul yung isang tubig ng baso kay nari dahil alam niyang anytime, mabubulunan ito.
umirap si nari at kinuha yung tubig at saka ngumuya ng ngumuya, bago niya nilunok.
tama nga ang batang lalaki, kung hindi mabubulunan, masasamid naman sa tubig.
kinalabog niya yung likod nito ng medyo malakas. napansin din ni jennie yung nangyari kay tumayo siya at hinagod yung likod ng anak.
"magdahan dahan anak." saad niya, saka inabutan ito ng tissue.
BINABASA MO ANG
all about you | jenlisa
Fanfiction➵ all about you | jenlisa ↳ started: 090120 ends: 000000 lowercase intended "you promised, you told me that you'll love me until the end!" jenlisa jennie kim x lisa manoban © | vminsooneul, 2020.