"pardon?" napalingon agad siya kay yeeun, nakakunot ang noo.huminga ito ng malalim, at tiningnan siya. her knees are trembling, namamawis din yung mga kamay niya.
"i said. let's break up." mahina pero rinig na rinig ni lisa na saad nito.
"what are you talking about?!" may kalakasan na saad ni lisa, causing yeeun to shiver. hindi niya pa naranasan na sigawan nito, ngayon lang at sapat na yun para bumaligtad yung kalamnan niya.
"i-i'm leaving." nagmamadali niyang saad, at tumayo na. tinry ni lisa na hablutin yung kamay ng dalaga pero mabilis na itong nakapaglakad papalayo.
isinubsob niya yung mukha niya sa lamesa, binaliwala yung kaunting tapon ng kape, at huminga ng malalim.
"fuck. fuck."
nung makalabas si yeeun sa cafe, agad niyang pinuntahan yung kotse niya at pinaandar. hindi na niya hahayaan pang mahabol siya ni lisa, kailangan niya ng makalayo. hindi na nga niya nagawang ikabit yung seatbelt niya o buksan man lang yung aircon.
nag-uunahang bumagsak yung mga luha niya. at wala siyang plano na punasan iyon, hindi madali yung ginawa niya. alam ng puso niya kung gaano niya kamahal si lisa. mahal na mahal niya iyon. pero wala siyang ibang choice. anong magagawa niya? nagmahal siya sa maling tao at sa maling panahon.
at kinakain na siya ng guilt, at hindi malabong karmahin siya sa mga kalokohang pinaggagawa niya. nakita niya kung gaano kabait si jennie, ni hindi man lang sinampal o sinumbatan, e naturingan siya lang naman ang sumira sa pamilya nila.
yun ba talaga yung taong sinaktan nila? she's an angel. at naiinggit siya.
una, dahil sa sobrang bait nito. walang wala sakanya. maninira, sulutero at mang-aagaw.
pangalawa, asawa niya si lisa. kabit lang siya. kahit bata tanungin mo, alam na alam kung ano ang pinagkakaiba at sino ang mas lamang.
ngayon. she's fucked up.
mahal na mahal niya si lisa. at sana, minahal din talaga siya nito. kasi kahit anong sabihin niyo, kadadating lang niya, maaring pampalipas oras, pero alam niya sa puso niya na never niyang mapapantayan si jennie.
kahit sabihin pa ni lisa na wala na talaga siyang nararamdaman sa asawa, hindi talaga siya kumbinsido. alam niya yun, hindi mapapalitan si jennie.
siguro tapos na yung role niya sa buhay ni lisa. tapos na.
itinigil niya muna yung sasakyan sa gilid ng kalsada at isinubsob yung mukha niya sa manibela. iniyak niya, sumigaw siya, hoping na malessen yung pain.
"sorry. sorry."
"don't cry." mahinang saad ni irene at hinagod yung likod ni jennie. ang kaibigan niya nga talaga ang pinakasinungaling sa lahat ng nilalang, parang kanina lang sinabi nito na hinding hindi na niya iiyakan si lisa, pero yeah, look at her now, halos hindi na makahinga sa kaiiyak.
she still loves her wife. gusto niyang katukin yung ulo niya, imulat yung mga mata niya, para lang matauhan siya na hindi na talaga sakanya si lisa.
oo, asawa niya sa papel. ang tanong, pati sa puso ba? hindi.
siya lang naman itong kumakapit parin sa talampakan ni lisa e. siya lang.
ni hindi niya nga kayang tingnan yung mga mata nito. kasi masasaktan lang siya dahil hindi na yung matang kumikinang yung nakatingin sakanya, wala na.
wala na yung kinang. dahil hindi na nga siya. hindi na siya yung laman ng puso. hindi na talaga siya.
alam na niya naman yun pero mas lalo lang ipinamukha sakanya. sana ganun lang din siya kay lisa, sana madaling palitan si lisa.
cause damn. she's her first.
and probably her last too.
BINABASA MO ANG
all about you | jenlisa
Fanfiction➵ all about you | jenlisa ↳ started: 090120 ends: 000000 lowercase intended "you promised, you told me that you'll love me until the end!" jenlisa jennie kim x lisa manoban © | vminsooneul, 2020.