"baby, gising na ba kayo?" kumatok si jennie sa kwarto ng kambal.today's friday. at ngayon ang kanilang family day, gumising talaga siya ng sobrang aga para makapaghanda siya ng makakain ng mga ito, although sure naman siya na may pakain naman dun, pero nagpasobra siya.
maaga rin dumating si aera at si nari kesa sa iba. si irene naman ay hindi na niya inistorbo sa kadahilanang dahil nag-work at home ito, tambak ang trabaho at laging nakatututok sa laptop.
nag-suggest siya na pumasok na ulit ito sa opisina, dahil mas madali niya itong magagawa kapag andun siya, pero tumanggi ito, kesyo mas importante siya kesa sa lahat.
of course. nakakatouch, pero she's worried too para sa kaibigan.
"yes. mama." mahinang saad ni byul, pero narinig naman agad ni jennie.
"baba na lang kayo ah." saad niya at pumasok sa nakabukas niyang kwarto, at tumingin sa mga wig at glasses na nakapatong sa vanity niya.
huminga siya ng malalim, at pinulot yung mga nagkalat na papel sa sahig, at ipinatong yun sa kama niya.
agad narin siyang bumaba, at nakita niyang kumakain na ang kambal niya, inasikaso na yun ng dalawang dalaga, kaya napangiti siya.
"sumabay na kayo." saad ni jennie at lumapit sa bakanteng upuan at umupo. "sige na, sabay sabay na tayo." kahit napaaga ang dalawa, hindi niya parin hinayaan na sila ang gumawa ng mga gawaing dapat siya ang gumagawa.
nung una, ayaw ng dalawa na hayaan na siya yung magluto, pero dahil sa kakulitan niya, sumuko narin ang mga ito.
nahihiya man, pero mas pinili nalang na sundin si jennie. aaminin nila, sa unang tingin sobrang nakakatakot talaga ito, lalo na nung sa picture palang nila ito nakikita.
BINABASA MO ANG
all about you | jenlisa
Fanfiction➵ all about you | jenlisa ↳ started: 090120 ends: 000000 lowercase intended "you promised, you told me that you'll love me until the end!" jenlisa jennie kim x lisa manoban © | vminsooneul, 2020.