"should i meet her?" saad ni jennie at umupo sa dulo ng kama ni irene. si irene na kasalukuyang nasa harap ng kanyang laptop ay bumaling sa kaibigan."kung ako ang tatanungin? no." inangat ni irene yung salamin niya sa bridge ng ilong niya. "kung ako, hindi ko kakayaning mameet yung kabit ng asawa ko."
that's the point.
nag-chat sakanya yung kabit ni lisa, at gustong makipagkita. mag-dadalawang linggo na simula nung nangyari ang lahat ng iyon, kaya nagulat siya sa chat nito.
hindi niya alam gagawin niya sa totoo lang, pero meron talagang nagpupush sakanya na makipagkita dito, hindi niya alam kung ano.
"tama ka." saad niya at hinawi yung buhok niya patalikod. "pero ewan. gusto ko siyang makita." nagkibit balikat lang si irene at tinitigan siya ng maigi.
"bilang kaibigan mo, ayoko sana."
"pero kung meron kang gusto iconfirm, okay lang."
"kaya mo yan."pagkasabi na pagkasabi nun ni irene ay agad na siyang nag-asikaso, naligo, nag-ayos at umalis na.
"hindi ko alam sasabihin ko." mahinang saad ni yeeun at tumingin kay jennie na nasa tapat niya ngayon.
halos hindi makilala ni jennie yung babaeng nasa harapan niya, kung dati ay payat na ito, mas pumayat pa ito ngayon. sobrang dry at haggard ng mukha, parang hindi kapanipaniwala na sa dalawang linggong nakalipas ganyan na agad ang magiging hitsura niya.
"una sa lahat, sorry." tumayo siya at nag-bow kay jennie. si jennie naman ay tumingin tingin sa paligid ng cafe, at tiningnan kung may tumingin sakanila, pero luckily wala naman.
"umupo ka na." malumanay niyang saad, na hindi dapat. bakit? kabit lang naman ito ng asawa niya, dapat magalit siya dito, dapat pagsasampalsampalin niya ito, ito lang naman ang sumira sa pamilya nila.
BINABASA MO ANG
all about you | jenlisa
Fanfiction➵ all about you | jenlisa ↳ started: 090120 ends: 000000 lowercase intended "you promised, you told me that you'll love me until the end!" jenlisa jennie kim x lisa manoban © | vminsooneul, 2020.