16

140 7 6
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"s-sorry talaga sa abala

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"s-sorry talaga sa abala." saad ni jennie at pinunasan yung mukha niya gamit yung tissue na ibinigay ni irene sakanya. nagpasundo siya dito at walang pagdadalawang isip na sinundo sila.

mayroon ng idea si irene kung bakit ito nagpasundo, at tama nga siya, mukhang nag-away silang mag-asawa.

pagkadating agad ng mag-iina, pinaakyat agad ni irene yung kambal at binilinan na magtiwala lang sa kanilang ina, at matulog na sila. nag-aalala man yung kambal, mas pinili nalang nila na sumunod para hindi na makadagdag sa iisipin ng ina.

umiyak ng umiyak si nari dahil andun parin yung alaala ng pag-sisigawan ng kanyang mga magulang. gustuhin niya mang matulog agad, wala siyang balak patulugin ng kanyang mga luha. laking pasasalamat niya na kahit awkward bean ang kanyang kapatid, andun ito para pakalmahin siya.

tumayo si irene at kumuha ng isang basong tubig. parang dinudurog yung puso niya sa hitsura ng kaibigan, halatang umiyak ito ng umiyak, dahil mugtong mugto yung mata nito, at haggard na haggard.

umupo si irene sa tabi ni jennie at inabot yung basong tubig sa kaibigan, agad naman itong tinanggap ni jennie dahil kanina pa nanunuyot yung lalamunan niya. hinagod hagod niya yung likod ng kaibigan, trying to comfort her, pero mas lalo lang itong umiyak.

agad niyang kinuha yung baso st inilapag sa center table na malapit sakanila at hinila si jennie, at niyakap.

walang ibang ginawa si jennie kundi basain ang pantulog ng kaibigan gamit ang mga luha niya. umiyak lang siya ng umiyak sa mga balikat nito.

awang awa si irene sa sinapit ng kaibigan, kahit hindi niya ito tanungin, alam niya na kung anong nangyari. at kung may magagawa lang siya para kunin yung sakit na nararamdaman nito, ay ginawa niya na.

hinayaan niya lang si jennie na umiyak ng umiyak. hindi siya nagtanong, hindi siya nagsasalita, tanging hagod lang ang maitutulong niya sa pagcomfort sa kaibigan.

alam niyang medyo may pagka-cry baby si jennie pero ngayon niya palang ito nakita na ganito kahina, ultimo yung mga braso na nakayakap sakanya, parang walang lakas. dinaig pa nito yung lantang gulay na hindi naibenta sa palengke.

ganun kahelpless si jennie ngayon.

humiwalay si jennie sa yakap at pinunasan yung mukha niya, saglit siyang tumingin sa taas para iprevent yung mga luha na namumuo na naman sa mga mata niya.

"hey. ilabas mo lang yan." napansin niya kasi na pinipigilan ni jennie na huwag umiyak, pero alam niyang mas mahirap ito. kailangan dapat ilabas yun, para kahit papano gumaan yung loob.

"tama ka." ngumiti ng tipid si jennie at umiyak ulit. ngayon hindi na siya niyakap ni irene, kasi nanginginig din siya sa sakit. naiiyak na siya sa kalagayan nito pero mas pinili niya na magpakatatag dahil sakanya kumukuha ng lakas yung kaibigan.

"i'm sorry. wala akong magawa." malungkot na saad ni irene at hinagod yung buhok nito.

tumingin sakanya si jennie at ngumiti. "salamat talaga." sincere na sincere yung pagkasabi nito na muntik ng mapaiyak si irene.

hinayaan lang ni irene na umiyak yung kaibigan, para kahit papano malabas nito yung sakit, at hinintay na matapos ito. kumuha ulit siya ng tubig at bumalik sa tabi nito.

ininom ni jennie yun at medyo nahimasmasan na. sumasakit na yung ulo niya, pati narin yung mga mata niya.

"you know."
"never ka talagang nagkamali." mahinang panimula ni jennie, handa rin ang mga tenga ni irene sa sabihin ng kaibigan. ngayong gabi na ito, ang role niya lang ay ang makinig, at icomfort ang kanyang kaibigan.

"yung kasama ni lisa kanina yung kabit niya." gustong magulat ni irene pero hindi talaga siya nagulat. gaya nga ng hula niya na kabit yun ni lisa, hindi siya nagkamali. halatang halata naman e, sadyang nagtangatangahan lang si jennie.

"and alam mo." tapos suminga muna ng saglit si jennie dahil hindi siya makapagsalita ng maayos. ngongo na siya pakinggan.

"almost a year niya na akong niloloko." dito. dito si irene nagulat. nanlaki yung mga mata niya at nag-formed ng 'o' shape yung bibig niya.

"b-bakit? anong nagawa ko? why?" saad nito at nag-simula na naman mag-crack yung boses. "mahal na mahal ko siya."

umaakyat lahat ng dugo ni irene sa kanyang ulo.

gago talaga si lisa.

"fuck." saad ni irene at hinawakan yung sintido dahil sa panggagago ni lisa sa kanyang asawa. "fuck!" saad niya ng medyo malakas.

"tangina naman oh!" galit na saad niya at tumayo. hindi siya makapagpigil. gusto niyang puntahan si lisa at pagsasampalin ito. gusto niyang tadyakan ito, lahat. lahat!

"tangina!" mariin niyang bulong at sinipa yung unan ng sofa na nalaglag sa sahig. umiiyak parin si jennie na nakayuko. alam niya na galit na galit na si irene ngayon, at handang makipagpatayan para sakanya.

"like what the fuck! may anak kayo. matagal na kayong kasal. tapos, manggagago lang? jusko." frustrated nitong saad.

"i don't know. h-hindi ko alam. bakit nga ba? bakit?"
"dahil ba hindi na ako kasingganda at kasingsexy dati?"
"dahil ba madami na akong peklat?"
"dahil ba hindi ako masarap magluto?"
"hindi ko rin alam..."

agad na umupo si irene and collects herself. hindi siya pwedeng magpadala ng galit sa ngayon, lalo na't kailangan siya ni jennie. niyakap niya ito, at nagsimulang sabihin lahat ng mga magagandang ugali ni jennie.

like she's pretty. sexy, great cooker, humorous, at madami pa. boosting the lady's confidence and telling her na hindi siya deserve ni lisa. pinaulanan niya ng mga positibong salita si jennie. mahal na mahal niya ang kaibigan, and she will try her best para mapagaan yung loob nito.

"wag na wag lang talagang magpapakita sakin si lisa." mariin niyang saad.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
all about you | jenlisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon