J
"Love!"
"Deanna!"
"Deannaaaaaa!"
"Huy! Jema!"
And I snapped back to reality.
Naalala ko na naman.
Kanina pa pala ako kinakausap ni Kyla. Hinampas niya yung mesa sa harap ko para magising ako.
"Tulala ka na naman, Jema." sabi niya at umupo sa upuan sa tapat ko.
Nandito kami sa recovery center. As usual, busy day na naman dahil weekend. Madaming naka schedule na client.
Pag weekend nandito ako sa recovery center. Pero pag weekdays nasa university ako. Isa ako sa mga PT ng athletic department, kasama ko din si Kyla dun.
"Hay, inaantok pa ko, Ky..." sagot ko at nag unat unat.
"Kape tayo sa labas gusto mo? Mamayang 10am pa daw yung unang schedule ng client natin."
"Hnmm, parang tinatamad ako pero sige nang magising ako."
Hay, paano ba naman. Hindi na ako nakatulog simula ng magising ako ng 2am. Siya na naman ang nasa panaginip ko.
May malapit na coffee shop sa labas kaya saglit lang kaming naglakad ni Kyla.
Siya na ang nagpresinta na mag order ng kape namin kaya umupo na ako sa couch malapit sa glass door.
Sightseeing lang sa labas habang inaantay si Kyla. Dumating din naman agad si Kyla, wala namang gaanong tao pa. Ang aga aga pa.
Umupo siya sa tapat ko at tumingin lang sakin ng parang ewan.
"Ano yan? Makatitig ka naman, Ky."
"Lalim ng eyebags mo, Jema. Natutulog ka ba?"
"Oo naman. Kaso naalimpungatan ako kaninang madaling araw, ayun di na ko nakatulog."
"Alam mo, Jem. Sa halos dalawang taon na kitang kasama sa trabaho at kaibigan din syempre, may matagal na talaga akong gusto itanong sayo ehhh."
Ohhh, parang seryoso to ah. Hindi naman matanong si Kyla eh.
Napaayos tuloy ako ng upo at uminom muna ng mainit kong kape.
"Ano yun, Ky? Sige itanong mo lang. Matagal naman na tayong magkaibigan."
Dumiretso sa kamay ko yung tingin niya, sa kamay ko na may singsing.
"Wala naman akong nakikitang boyfriend mo o ano. Wala ka namang nakukwento. Kung meron man, imposibleng hindi ko makita sa loob ng dalawang taon. Ano yun di ka man lang sinundo sa work hehe.
Pero kidding aside, Jem. Ano yang singsing na yan? Napapansin ko kasi lagi mo siyang hawak pag malungkot ka. Tapos minsan nakatulala ka, hawak mo yan. Care to share? I'm a good listener naman."
That's a serious question.
Napapansin pala ni Kyla yun.
Di ko naman kasi tinago o hinubad tong singsing sa daliri ko kahit after nung nangyari. Ayoko. Hanggang ngayon hindi pa din ako handang pakawalan siya sa puso ko.
Naiiyak tuloy ako. Sinarili ko lang naman kasi lahat ng lungkot pagkatapos non. Sinasabi ko lang sa pamilya ko okay lang ako.
Hanggang sa lumipas na ang dalawang taon, nakamove on na silang lahat, ako eto pa din.
Kahit nga kung paanong iniwan namin yung apartment non, pag balik ko wala akong binago. Ayokong mawala siya sa alaala ko.
"Uy, Jema... Did I upset you? Sorry, Jem. Wag mo na sagutin yung tanong ko."
"No, no, Ky.. Hehe, may naalala lang ako. Pero since trusted friend naman kita, bff na nga tayo eh. I'll answer it. But, don't judge me ah haha."
Pinapagaan ko yung mood, para kasing nagworry bigla si Kyla.
Nung alam kong okay na yung mood at pwede na akong magkwento sinimulan ko na.
"Hmmm, etong ring." tinaas ko pa yung kamay ko na may singsing.
"Engagement ring ko to..."
Nanlaki ang mga mata ni Kyla.
"What?! Engaged ka na? Paano? Kailan? Kanino? Bakit di ko alam."
Hahaha, natawa ako! Biglang naloka si Kyla sa revelation ko.
"Isa isa lang, Ky haha.."
"Go, Jema.. Makikinig ko."
"Okay okay..."
Paano ko ba sisimulan to..
"Yung paano, syempre may nagtanong sakin loka. Haha." gusto ko talaga magaan lang yung mood. Ayoko maging malungkot.
"Naku, girl.. Ituloy mo yan. Sige kanino at kailan?"
I took a deep breath first.
"2 years ago someone asked me, I said yes. Syempre mahal ko siya. 2 years na din kami non."
"Owwww, and??? Nasaan na yung nagbigay nyan? Bakit di ko man lang nakitang pinuntahan ka dito o sinundo ka man lang." ngayon lang naging ganito katanong si Kyla. Sabagay, never naman ako nagkwento sa kanya.
I took my phone..
"Eto siya..." pinakita ko yung picture kay Kyla.
At parang siyang napipi...
"Now what, Ky?"
"Ahmmm... I don't know how or what to react. Di naman ako judgmental. Pero di ko lang inexpect. Nasaan na siya, Jem?"
Well, expected ko naman na hindi niya ako ijujudge. Ang bait kasi talaga nito at very understanding.
Eto na yung tanong na ayoko sana sagutin kasi alam kong malulungkot ako.
"Wala na siya...." a long pause for both of us.
Hindi nagfollow up question si Kyla. Di niya pinaclarify sakin yung sagot ko. Para bang nahulaan na niya ang ibig kong sabihin. Lumungkot kasi talaga ako.
Ilang minuto din kaming tahimik ni Kyla.
"If you don't mind, Jem. Anong nangyari?"
"Wala eh. Di ko hawak ang buhay niya. Nalunod siya---" naiiyak akoooo...
"Uy, Jem... Sorry, sorryyyy.." lumipat sa tabi ko si Kyla at hinagod hagod ang likod ko para pakalmahin ako.
Kumawala na kasi yung mga luha sa mga mata ko. Ang sakit pa din. Parang kahapon lang nangyari.
"Nung mismong araw na nagpropose siya, yun din yung araw na nawala siya." dugtong ko, at tuluyan na akong umiyak.
Napayuko na lang ako sa balikat ni Kyla at umiyak.
Ang sakit.
Di ko lubos maisip na pagdadaanan ko to. Hindi madaling makalimot sa taong mahal mo, na walang ibang ginawa kundi mahalin ka tapos ganon ganon lang mawawala sayo.
Siguro mas madali siyang kalimutan kung niloko niya ko at pinagpalit sa iba, kaso hindi.
Ang bait bait niya, mahal na mahal niya ko. Handa siyang makasama ako habang buhay para araw araw patunayan sakin kung gaano niya ko kamahal.
Tapos sa isang iglap, kinuha siya sakin.
Hanggang ngayon sinisisi ko pa din ang sarili ko kung bakit siya nawala.
Sana hindi na lang ako nagyaya na mag sail pa kami non, napansin na niyang mataas ang alon pero binalewala ko lang.
Nandito pa sana siya. Masaya sana kami ngayon.
----------
🙋
Continuation of one-shot story 'Wish'.
Just a few chapters.