Sebastian POV
I'm busy preparing for the party of my sister, hay naku mom ako yong nahihirapan kay Hestia ang bata pa niya kasi para magpakasal, dapat ako nalang e joke lang mi, i trust you mom alam ko namang maalagaan ni Macky si Hestia ng maayos.
Sana hindi niya saktan si Hestia kundi makakatikim siya ng suntok ng isang Collins.Kaira POV
Bakit ang bilis ng oras at Friday na, kingina bigla akong kinabahan sa mangyayari mamaya tsaka napakabilis kasi e, engagement agad diko pa nga kilala ng lubusan yong hanimal na yun e.
Parang ayoko ng mawala ka charot ayoko nang umalis sa kwarto.
"Hestia gising kana?",Kuya Basti.
"Yeah",tipid kong sabi.
Birthday ko ngayon dapat masaya ako hindi yong para akong namatayan."Get up already, magbreakfast kana sa baba okay?",Kuya Basti.
"Opo kuya."
Hayyy nakuuu diko pwedeng suwayin si mom, napaisip ako bigla baka nga mainlove ako sa hanimal na yun ano ba pinagiisip ko di ako pwedeng mainlove sa hanimal na yun no way!
Bumangon na ako para kanino ka babangon? joke lang, bumangon na ako at nagligpit na ng hinigaan at pumasok na ng banyo.
After 2000 years charot natapos din ako.Fastforwad
Habang kumakain ako biglang nagsalita si batis este kuya Basti.
"Mamaya may pupunta dito aayusan ka."
"Sige po kuya."
"Yong gown mo nasa kwarto mo na pala, and are you okay baby sis?",Kuya Basti.
"Oo naman kuya okay ako dzuh."
"Good to hear that.",Kuya Basti.
Tinapos ko na kumain at umakyat ng kwarto, tinignan ko yong nasa kama na malaking box na puti, wow my fav color blue.
Isa itong gown na kulay blue.Itinabi ko na yong gown matutulog muna ako ulit, mamayang 7 pa gaganapin yong birthday at engagement namin ng hanimal.
Nagising nalang ako sa katok ng pintuan.
Tok! Tok!
"Hest? they're already here.",Kuya Basti.
"Opo susunod po ako sa baba."
"Okay",Kuya Basti.
Nagayos na ako at bumaba na, nakita ko yong magaayos sakin e ang aga pa kaya anong oras na ba? Tinignan ko yong suot kong relo ano 5:50 na? Baka sira tong relo ko.
"Hi maam Hestia kami po yong magaayos sa inyo po.",pagpapakilala ni kuya ate gurl mukha kasi siyang babae, pero yong boses niya pang lalaki infairness mas maganda pa siya sakin. Matanong nga mamaya kung anong skin care niya.
"Anong oras na po ba?",tanong ko.
"5:55 na po maam.",sagot ng kasama ni ate gurl.
"We seryoso?",di makapaniwala kong sabi.
"Opo, halika na po aayusan kana po namin.",pangatlong kasama ni ate gurl.
YOU ARE READING
The CEO is my Fiance (Complete)
RomanceMafafall ba agad si Hestia Kaira Collins sa CEO na to? Sa di inaasahang pangyayari matagal na pala siyang gusto ni Alejandro Macky Valdez.