Kaira POV
Maaga akong nagising at pumasok na sa banyo para maligo, nanghiram muna ako ng damit ni Kendall magkasize lang naman kami kaya walang problema.
Paalis na ako ng kwarto ng marinig kong nagsalita si Kendall.
"Give him a chance Kaira wala namang mawawala.",sabi niya sa antok na boses, nakakagulat naman to bigla biglang nagsasalita.
"Okay."
Pagkarating ko sa bahay, pumasok agad ako at dumiretso sa kusina, naabutan ko si kuya na nagkakape.
"Ang aga mo nagising kuya.",sabi ko habang nagsasandok ng fried rice sa plato.
"Why? is there something wrong waking up early?",nakataas kilay niyang sabi.
"Wala naman."
Ang taray naman ni brother."Kaira about last night.",Kuya.
Hays alam ko kakausapin ko na siya papakinggan ko na.
"Nasan ba siya kuya?",tanong ko.
"Oh i forgot to tell you he's now on business trip.",Kuya.
"Where?"
"China.",tipid niyang sabi.
"When will he comeback?"
"I don't know.",bored niyang sabi.
"I'll call him."
"Ikaw bahala, i have to go.",sabi niya habang nakatingin sa relo.
"Okay take care kuya."
"Thanks sis, makakausap mo din siya.",Kuya.
Hindi ko na matuloy tuloy pagkain ko, wag ko nalang siyang tawagan saka nalang kami magusap kapag dumating na siya tutal siya naman ang may kasalanan e.
Tinapos ko na kinakain ko at nagpalit ng damit pang school.Pagkarating ko sa school nakita ko si Kendall na ang lawak ng ngiti habang kaharap ang phone.
"Hoy tama na yan dadating na si maam.",pag agaw pansin ko sa kanya.
"Wag kang magulo Kaira.",saway niya sakin.
"Pag dumating si maam bahala ka."
"Kaira ang aga aga pa kaya dzuh mamaya pa si maam dadating.",pagtataray niya.
Piste naman tama nga siya maaga pa matutulog muna ako.
"Hoy gising na anong balak mo?, nandyan na si maam.",Kendall.
"Oo na gising na."
Nakakamiss naman si Macky, namiss niya kaya ako? Hayss bakit wala manlang siyang text or tawag?
Nakinig nalang ako kay maam hanggang matapos ang lesson.Maagang natapos ang klase kaya napagpasyahan kong pumunta sa opisina ni Macky pupuntahan ko ang secretary niyang maharot!
Pagdating ko sa office niya, nakita ko ang isang demonyo na nakaupo sa upuan ni Macky, just wow kala mo siya ang may ari tsk.
YOU ARE READING
The CEO is my Fiance (Complete)
RomanceMafafall ba agad si Hestia Kaira Collins sa CEO na to? Sa di inaasahang pangyayari matagal na pala siyang gusto ni Alejandro Macky Valdez.