Chapter 4
This week, we really focused on training because next week will be the start of the long sportsfest. May mga pupunta ring alumni players mamaya upang makatulong sa pag-train sa amin.
"Hanna, I won't go home now. Ikaw?" Tinatamad na akong umuwi kahit na dala ko naman ang kotse. Medyo late din kaming nag dismissal kaya tatambay na lang ako sa café malapit sa school.
"Same. San tayo?"
Medyo marami ang tao sa café dahil weekdays. May mga nag-aaral, nagchichismisan at nakikipag date din ang iba. May available pang table sa gitna dahil madalas pinipili ng mga estudyante sa 2nd floor o di kaya ay sa malapit sa glass wall.
"Chocolate covered strawberry frappe akin, Hanna." Sabi ko nang makaupo. Padabog namang pumunta sa cashier si Hanna na nginisihan ko lang.
I scrolled through my social media accounts and noticed that Jairus isn't still accepting my friend request on Facebook! What a snob.
I cancelled my friend request and closed it. Ayoko namang tumambay sa friend request list niya no. That's just ew.
Hanna came back with my frappe and her iced coffee. I immediately sipped on it and almost choked when I saw Jairus in the entrance. He's with a guy that looks younger than him at diretso lang siya patungong cashier.
I even saw glances from the college girls around. He's like a Greek god who walked in the isle. Baby, you're such an eye catcher!
"Caia, your crush!"
"I know! Shhh!" Sinaway ko si Hanna dahil baka kung ano ano na naman sabihin ng madaldal na 'to.
Sinundan ko ng tingin si Jairus at umorder lang talaga siya for take out. Napatingin siya sa gawi ko and I smiled cutely at him.
He seriously looked at me and walked out of the café without even returning the smile. He just looked at me!
My baby is so rude talaga.
"Ouch! That hurts. Caia Gomez just got snobbed by an old man." And here we are with the teasing from Hanna. Sana talaga hindi ko na lang nginitian ang supladong iyon. Sasabunutan ko na talaga siya one of these days.
"Tigilan mo 'ko Hanna. I'm not in the mood."
"Oh my. Ayokong makalaban ka tonight. Yung alumni kalabanin mo, baka tamaan mo pa ako ng bola sa mukha." May pailag-ilag pa siyang acting dito.
"Alumni naman talaga kalaban natin."
Nagbihis na kami ni Hanna sa locker room. I am now wearing a white shirt, blue shorts and white rubber shoes. Pinasok ko sa gym bag ang mga sinuot ko kanina. I grabbed my black hydroflask and phone and went out of the locker room.
Some alumni are already there. Naglalaro na silang lahat ngayon dahil meron namang 7 tables ang school na mapaglalaruan nila.
"Hey star player!" Tudyo ni Ate Charmaine, isa sa mga alumni na naging teammate ko nung freshman year ko.
"Hello Ate Charmaine. I miss you." Nakipagbeso ako sa kanya at sa iba pang kakilala kong alumni. They lightened my mood that was ruined by my baby Jairus.
Nakikipag-usap na rin si Hanna sa ibang mga alumni at nag start na kaming mag warm up kalaunan. Nang dumating si coach, nakipag kamustahan muna siya saglit sa mga alumni at pinag-pray kami. Nag drill muna kami bago ang laro na may scoring.
I played with Ate Charmaine since her speciality is in the singles category. I tried so hard to beat her. Siya yung tinitingala ko talaga kasi lagi siyang panalo dati. She inspires me the most.