Chapter 19
"Ang dali mo namang mawala." Puna ni Jarrick nang makabalik ako sa may hagdan papunta sa bahay.
Hinga na hingal ako dahil sa pagtakbo. The beating of my heart intensified because of the run. I feel like I'm going to have a heart attack anytime.
Jairus' sad eyes made my heart hurt. Parang gusto kong maiyak dahil sa kaunting pag-uusap namin kanina pero pinapangako ko sa sarili ko na tama na ang pag-iyak.
"Uh..I just walked around to check the new houses." Palusot ko kay Jarrick. Tumingin siya sa pinanggalingan ko at nagkibit-balikat.
I got my things and immediately ran inside the house. Sakto namang pagkatapos kong magbihis, dumating na sina mommy, daddy, Manuella, at Hanna.
Inihain na ni manang ang tanghalian namin at nagsimula na kaming kumain kasabay siya at si Paolo. Her husband has a work somewhere near here and her other two children are out with friends that's why they're not here.
Habang kumakain, bumabagabag pa rin sa akin ang kaunting interaksyon namin ni Jairus kanina. Nagkasalubong lang kami kagabi sa condo ah? Ba't biglang nandito iyon? Is he stalking me?
Naagaw ng atensyon ko nang pag-usapan nila ang may-ari ng bahay sa tabi kung saan nandun si Jairus.
"Mga Castillo raw po may-ari niyan, Senyor. Taga Davao rin kagaya niyo." Sabi ni Manang.
"Oh really? I admire the house's architecture. Very contemporary. Lagi bang nandiyan ang mga Castillo?"
"Wala po. Ang dami na ngang tuyong dahon sa labas. Wala ring caretaker. Baka maluma kaagad ang bahay na walang nag-aalaga. Sayang naman."
Believe me, manang. There's a cheater there. You don't have to worry about the house. He can clean it.
But why is he there? Hindi naman siya Castillo ah? Torres-Pimentel naman siya. Baka nag trespass siya diyan. Ako talaga unang magrereport sa kanya.
"I know some of the Castillos from Davao. They are also an investor in Jai—Hernan's company."
Napalingon sila sa akin kaya nagbaba ako ng tingin at nagpatuloy sa pagkain. Tumikhim naman si Daddy at mang malingunan ko si manang, parang nagtataka siya sa reaksyon ng mga kasama ko.
"Anyways, maliligo na ba kayo ngayon?" Pag-iiba ni mommy ng usapan.
"Yung isa diyan tita, nauna nang maligo. Hindi man lang naghintay sa inyo." Parinig ni Jarrick. Nilingon naman ako ni Hanna at tiningnan nang mariin. Napansin siguro ang basa ko pang buhok at medyo namumula kong balat.
"Hilahin na lang natin ulit sa dagat para wala na siyang magawa." Suhestiyon ni Hanna na ikinahagikhik ni Jarrick at Manuella. I rolles my eyes at them and sipped on the orang juice in front of me.
I don't mind swimming again but I shouldn't swim too far, baka kung saan na naman ako mapadpad.
Pagsapit ng hapon, hinila nga nila akong tatlo papunta sa dagat. I am still wearing a graphic shirt and shorts while sitting on the old swing here at the backyard when they pulled me hard until we reach the sea.
They splashed water on me until I am all wet. Natawa na lang ako at nakisama sa paglangoy. The sunset is very wonderful and it is reflecting in the sea. May pang instagram na naman ako.
Manuella, Jarrick and Hanna are still swimming. I am now sitting in the sand with the phone in my hand. While I am taking pictures, I can feel that there is someone staring at me somewhere kaya luminga-linga ako.
I saw Jairus in the veranda of the house he's in, looking at me. Medyo malayo na iyon pero kitang-kita ko ang ka seryosohan ng tingin niya sa akin. I looked away and continued taking pictures. Nakakailang yung mga tinginan niya pero hindi ko iwasang sumulyap sa gawi niya.