Chapter 23
"Baks ingat ka lagi." Jarrick will go home already. Hila-hila niya na ang kanyang itim na maleta.
"Ingat ka rin. Learn how to cook already. Malapit ka nang mag-asawa oh." Panunuya niyang sabi.
I rolled my eyes at him. "I'm not. I'll just call you when I try to cook hehe."
Lumapit ako sa kanya at niyakap na naman siya nang mahigpit. Hinatid ko siya hanggang sa basement at kumakaway-kaway sa likod ng kanyang kotse nang siya ay umalis na.
I guess I'll be forever lonely here in my condo since Jarrick went home. Panood nood na lang muna ako ng movie para may mapaglibangan.
Nang makarating ako sa 15th floor, nakita ko si Jairus na kakalabas lang sa kwarto niya. I smiled at him a bit and he smiled at me, too. Ang lakas ng pintig ng puso ko habang naglalakad siya palapit sa akin.
"Good morning." He said with a big smile etched on his face.
"Good morning."
"Where did you came from?"
"Sa basement. Hinatid si Jarrick."
"Where is he going?"
"Uuwi na sa kanila."
Mas lumapad ang ngiti niya na parang tuwang-tuwa sa pag-uwi ni Jarrick. Sinimangutan ko siya at inirapan. Does he know how sad it is to be alone in a big condo?
Of course, he knew. Unless he's bringing girls inside his condo unit, he will not be lonely. I shook my head to erase the thoughts that will just hurt me.
"Finally." Rinig kong bulong niya.
"Finally, what?"
Umiling lang siya sa akin at nginitian ako nang malaki. He looks so happy like he just won the lottery.
"Kumain ka na?" He asked. Tumango lamang ako. Me and Jarrick ate breakfast before he go home.
"Ako kasi hindi pa."
"So?"
Gulantang siyang napatingin sa akin. I pursed my lips to stifle the smile from my lips. His reactions are so cute.
"Let's eat."
"I already ate."
Tumango lang siya at yumuko nang kaunti. Tumalikod na siya sa akin at dahan dahang naglakad patungo sa elevator. Pa cute ka na naman Jairus.
Medyo naguilty sa pagsusungit, lumakad ako nang mabilis para makasabay sa kanya sa elevator. He look so shocked when I entered the elevator.
"I'll join you. You're close to crying na eh." Sabi ko nang hindi siya tinitingnan. He only chuckled and the silence crept between us.
Pagdaan namin sa lobby, nandoon na naman si lobby girl na mukhang laging nag-aabang kay Jairus.
"Ayan na girlfriend mo oh." I sarcastically said and walked past him. Baka mag-uusap pa sila. O kaya aalis na lang ako dito dahil baka sila na lang ang magsasabay kumain.
"Hey Jairus." Rinig kong sabi ng babae.
"Hey. I'm sorry, Angela. I need to go. I don't wanna be turned down by my love."
The staff that heard Jairus slightly shrieked. Nang mapabaling ako sa kanya, natigil siya pero bakas pa rin sa mukha niya ang kilig.
Same feels, Ate.
My cheeks heated but I still continued to walk. Jairus' words are really making me crazy.
"She is not my girlfriend." He said. Kaagad siyang nakasunod sa akin na bahagya pang hinihingal. Nagkibit-balikat lang ako at pumasok na sa kotse na parang pinakuha niya pa sa valet. Sosyalin talaga si sir.