Chapter 22

15 2 1
                                    

Chapter 22

Hindi ko pa nasasabi kahit kanino ang panliligaw ulit ni Jairus sa akin. Simula nung gabing iyon, palagi niya na akong hinahatid pauwi at minsan ay napapadpad siya sa school para sunduin ako. Sa umaga naman, hindi niya ako naihahatid dahil sumasabay ako kay Jarrick.

Today is the finals game. Nakapasok ako kaagad sa finals dahil hindi ko nabigyan ng tyansa ang kalaban na manalo. We are exempted on our classes today but we will be so busy for the next weeks because the graduation is fast approaching. I am going to get away from college already!

"Teka lang, I have plans." Pigil sa akin ni Jarrick nang makitang palabas na ako ng condo habang dala ang aking gym bag.

Kinuha niya ang aking gym bag at isinabit sa kanyang balikat. He gently gripped on my waist and smirked at me.

"Ano na namang pakulo mo?" Kunot-noo kong tanong. Umiling lang siya at nagpa-cute bago kami lumabas sa condo. Habang nasa hallway pa kami, ginulo niya ang kanyang buhok kaya taka ko na naman siyang tiningnan. Ngumiti ulit siya nang malaki kaya inilingan ko na lang.

Malapit nang magsara ang elevator pero may kamay na pumigil mula sa labas. Jairus entered with a small smile but when he saw Jarrick's hand on my waist, he immediately scowled and glared at the person beside me.

Tiningala ko si Jarrick para makita ang kanyang rekasyon pero ngumiti lang siya sa akin at paulit-ulit na tinaas baba ang kanyang kilay. I don't know what's up to this ingrata.

"Can you fix my hair?" Biglang sabi ni Jarrick sa gitna ng katahimikan naming tatlo dito sa loob ng elevator.

Kanina, ginulo-gulo niya tas ngayon, ipapaayos na naman. Tuluyan na bang nabaliw 'tong si Jarrick?

Inayos ko na lang ang buhok niya para matapos na kaagad. Pangiti-ngiti siya habang inaayos ko ang kanyang buhok at ako naman ay gulong-gulo na sa mga pinaggagagawa niya.

"Thank you." Sabi ni Jarrick matapos kong ayusin ang kanyang buhok. Hinalikan niya rin ang tuktok ng ulo ko na ikinalaki ng mata ko. He had never been this sweet to me. Anong nakain mo baks?

Jairus hissed beside me. Tumingin ako sa banda niya at nakitang sobrang bad trip na ng kanyang mukha. He is scowling and crossing his arms like he is so angry to the world. Medyo lumapit pa ako sa gawi ni Jarrick dahil parang nakakatakot na talaga ang isa ko pang katabi. Mamaya, baka magwala iyan.

When we reached the basement, ang bilis ng lakad ni Jairus palabas na ikinahalakhak ni Jarrick. Taka ko siyang tiningnan pero tawa pa rin siya nang tawa.

"Ano bang nangyayari sa'yo?" Hindi ko na napigilang magtanong.

"Did you see that? For a while, I had been so scared for my life inside that elevator. I swear he is having the urge to punch me. I can't believe that he really is jealous." Sabi niya at tumawa ulit nang pagkalakas lakas.

Napagtanto ko naman kung ano ang sinasabi niya. Sinadya niyang gawin iyon para pagselosin si Jairus. Kaya pala bad trip ang mukha nun.

Habang bumibiyahe kami patungo sa venue ng laro, iniisip ko si Jairus. Paniguradong bad trip iyon buong araw. Kawawa naman.

Pagdating namin sa venue, sobrang dami nang tao sa loob. Mayroon ding mga naglalakihang camera para ipalabas sa isang sports channel ang aming finals game. I guess I should watch my face expression. I don't wanna embarass myself on the national television.

Umupo kaagad kami ni Jarrick sa bench malapit sa mga teammates ko. Naka casual attire na lang sila ngayon dahil nandito lang sila para sumuporta sa akin.

Kinabahan ako nang makita ang mga taong manonood. This is the first time that I have been this nervous in a game.

Pumunta ako sa pinakalikod na upuan at umupo doon. I need to calm myself first so that I can focus on my game. Yumuko ako para magdasal at pagkatapos ay inayos ang aking paghinga. Papikit-pikit ako habang nakayuko nang may naramdaman akong umupo sa tabi ko.

Caught Up (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon