Chapter 5
Weekend came at inaya ulit ako ni daddy na sumama sa trip nila ng mga friends niya. They are going to zipline now. Tumanggi kaagad ako dahil alam kong nandun na naman si Jairus. Nakakahiyang humarap sa kanya ngayon.
"May gagawin ka ba? Why are you not coming?" Mommy asked.
"I am going to the mall. Change the rubber of my racket. For the sportsfest." I said and ran to my room para matigil na sila kakatanong kung bakit ayaw kong sumama.
I am not yet ready to face him.
I checked my Instagram and saw some of my friends' DM about Jairus. They recognized him and asked me what's going on between us.
Hindi ko na lang sila ni replyan kasi there's nothing going on between us!
hanncerudo:
Landi talaga. Kaya pala nawala na lang bigla.
caiagmz:
I am so drunk. I just embarassed myself infront of him.
Hanna immediately video called me on instagram. Kinwento ko sa kanya lahat ng nangyari doon at siya naman ay tili nang tili.
"Atleast he cares for you." She said.
"Oo nga, pero nakakahiya talaga. Sana hindi na kami magkita ulit."
"Magkikita pa kayo niyan. I know you're both destined to each other. At sa liit ba naman ng mundo niyong dalawa, magkikita at magkikita talaga kayo niyan." I faked a cry and she just laughed at my misery.
Nagbihis na ako ng white fitted longsleeve cropped top and black fitted jeans with white sneakers para pumunta ng mall. I always change the rubbers of my racket every sportsfest.
Nagpahatid muna ako kay Manong Ronnie sa bar at kinuha ko ang kotse ko doon para masakyan ko papuntang mall.
Maraming tao ngayon sa mall dahil weekend. Naghanap muna ako ng pagbibilhan ng pantali sa buhok para sa game. Lagi kong nawawala ang mga pantali ko sa buhok dahil ginagamit ko lang iyon kapag naglalaro.
Matapos kong mamili at magpapalit ng rubber, sumakay na ako ng elevator papunta sa ground floor. At sa aking kamalasan, nakasalubong ko si Jairus sa parking lot.
Tumakbo kaagad ako papasok sa kotse ko at hinawakan ko pa ang dibdib ko dahil sa kaba.
I can't believe this is happening! Hindi ba siya sumama sa zipline nila daddy?!
Umuwi kaagad ako at kinwento ulit kay Hanna ang nangyari. She teased me and said 'I told you so' repeatedly.
I can still imagine his serious face when I saw him in the parking lot. Hindi ko alam kung ano ang naging reaksyon niya nung nakita niya akong iniiwasan siya. Wala kasi akong lingon lingon nung tumakbo ako papunta sa kotse ko.
Sunday when the athletes are called to go to the school for another set of jackets. Pangatlong jacket na 'to ngayong academic year but with different design. Mukhang sagana nga kami sa sponsors ngayon. Shirts will also be given to us with our school's initial and the color would be the usual, blue.
Nakita ko kaagad si Hanna sa gymnasium kasama si Rome. Naglalandian na naman ang dalawa nang maabutan ko.
"Oh, you're here! Let's go Caia! Laters love." Sabi niya at hinalikan sa pisngi si Rome. Ako yung nahihiya para kay Hanna. I am not really a fan of PDA pero sabi niya, kapag ako raw ang nagka-lovelife, hindi ko na raw mapapakialaman ang sasabihin ng ibang tao. I don't know if it's true, I never really had a serious relationship.