Title: She Caught My Attention
Author: ayesha suson
Genre: Random
•Chapter 1•Zades POV
"Fuck, dude!" Suntok ng kaibigan kong si Pharixtel sa aking balikat. Nandidito kami ngayon sa labas ng school.
Tinaasan ko siya ng kilay. "What?"
"You said na susunod ka dahil maraming chix roon! Hinintay ka namin at?! Hindi ka dumating!"
Napangisi ako sa kaniyang tinuran. Tsk. "Inaantok na kasi ako no'n, kaya 'di na 'ko sumunod. Mga flat rin naman mga chix niyo, eh."
"Gago!"
"Hindi kagaya ni Allithea, malulusog ang dibdi---"
"What?! What did you say? Nakita mo? Nahawakan mo? Wow!" Manghang sabi nito na hindi makapaniwala.
Sinimangutan ko siya. "Do you think that I'll doing this?" Umirap ako. "Never. Sad'yang tinititigan ko lang siya, hehe."
Binatukan naman ako nito. "Stupid, tara! Pasok na tayo! Ayoko masermonan ni ma'am 'no!"
"Maganda rin naman si ma'am, eh. Kung hindi lang teacher 'yon, niligawan ko na--"
"Hangin lang laman ng utak mo, dude!"
Masyado talaga 'tong panira.
Naglakad na kami ni Pharixtel papasok sa school. May tumatawag pa sa akin ngunit hindi ko pinapansin, sila 'yong dati kong mga chix, hehe.
"Iba ka talaga, Mr. Vuentero!" Iling iling na sabi ng aking kaibigan. Hays.
"Manahimik ka na nga lang diyan," bangga ko sa kaniyang balikat.
"Okay, okay, I'll stop."
Dapat lang.
Habang naglalakad kami, hindi namin maiwasan tingnan ang ibang mga estudiyante na nambubully at nabubully. Hay naku, hindi ba nila kaya patigilin 'yan?
Tahimik lang kaming naglalakad ni Pharixtel hanggang sa pinakadulo ng hallway ay may isang gurong sumigaw.
"Mathrizea Aztria Fortelio!" Halatang galit ito dahil sa sigaw niya pa lang.
Nandidito na kami sa gitna ng hallway. Sinundan namin ang tingin ng guro, tumingin pa kami ni Pharixtel sa aming likuran dahil nandodoon ang babaeng nakatayo habang nakatalikod mula sa amin. Nasa dulo rin siya ng hallway.
"Fortelio!" Sigaw muli ng guro.
Mahaba ang buhok ng babae. Dahan dahan itong humarap sa guro. Nakamask ito na kulay itim saka may bangs siya dahilan kung bakit natatakpan ang kaniyang mga mata.
"Yes?" Mahinang tanong nito na halatang namamaos pa. Nasa kaniya ang atensyon ng lahat. Marahil ay nagtataka kung bakit kailangan pang isigaw ang kaniyang ngalan.
"Go back to our class!"
Tinitigan pa nito ang guro bago bumuntong hininga saka na naglakad habang bagsak ang mga balikat. Sinundan ko siya ng tingin, papalapit ito sa akin. Ang mga tingin niya ay nasa baba lang. Nang matapat 'to sa amin, halos magulat ako nang tingnan ako nito ngunit mabilis niya namang inalis. Parang hindi niya sinasadya iyon.
Napatingin pa ako sa kaniyang likod, tsk. Small person.
"Woi, pasok na tayo!" Kaway ni Pharixtel sa aking harapan.
"Hindi naman yata magagali---"
"Anong hindi magagalit si ma'am? Kita mo 'yon? Sinigawan na nga 'yong isang kaklase natin, eh!"
"K-Kaklase natin 'yon?" Napatingin ako sa kawalan saka nag-isip isip. Bakit parang ngayon ko lang siya nakita?
"Hindi mo alam? Siya 'yong kaklase nating nakaupo sa harapan! Tsk, paano mo nga ba malalaman, eh, kung puro magaganda lang ang tinitingnan mo."
BINABASA MO ANG
She Caught My Attention
Romance°•it's my first time writing a story so please don't hate me•°