Chapter 8

6 1 0
                                    

Title: She Caught My Attention
Author: Ayesha suson
•Chapter 8•

Mathrizea POV

Mabilis akong naglakad patungo sa room. Nakita ko sa likod ko sila Zades na nakasunod sa 'kin. Hindi ko na ito pinagtuonan ng atensyon at nilandas na lang ang daan.

"Fifteen minutes late?" Bungad agad sa 'min ni Mr. Gomez na nagsusulat pa sa blackboard. Hindi man lang kami binigyan ng tingin.

"Pinatawag kami ng dean sa office." Rinig kong salita ni Zades.

Nakahinto lang kaming apat at hinihintay ang sasabihin ni Mr. Gomez.

"K, umupo na kayo sa mga kaniya-kaniya n'yong upuan." Anito.

Nauna na 'kong umupo sa upang hindi mapagtripan ni Zades. Ayo'ko na maulit ang pagpapahiya niya sa 'kin. Tsk

"So, no'ng isang raw ay tinalakay natin ang mitolohiya. Magbigay ng isang mitolohiya sa pilipinas kung nakinig kayo sa 'kin."

May nagtaas ng kamay.

"Tungkung Langit at Alunsina po." Boses ni Carry.

"Pssttt..."

May sumitsit sa 'kin mula sa gilid.

"Yaya."

"Ano?" Pabulong kong tugon rito at hinarap siya. Ano kailangan mo?"

"Wala lang."

What?!

Hindi ko na lang ito pinansin. Inatake na naman 'ata siya ng kabaliwan. Nakakaawa lang aksi wala pang natatagpuan sa klase ng kabaliwan ni Zades. Malala na.

"Matresa." Bulong niya muli.

"Ano?" Bulong ko. Kita sa mukha ko ang irita dahil sa ginagawa nito.

"Ang boring e." Wala sa sarili nitong tugon.

"Wala akong pake kung naboboring ka. Kailan ko uulitin na 'Mind your own business'. Huh?!" Hindi ko napigilan ng pagtaas ng boses.

Kita ko ang pg-urong ng dila ni Zades. Unti-unti akong lumingon kay Mr. Gomez. Nakahalukipkip ito at halatang naiinis dahil sa distraksyon sa klase niya, at halatang kami 'yon.

"Tapos na kayo?" Tinaas nito ang kilay niya (ang lagi niya namang ginagawa).

---

"Oh, bumalik kayo?" Tanong ng dean ng makapasok kami sa office niya. Inilapag nito ang papel na kanina ay binabasa niya.

Wala pang limang oras ay naka-apak muli ako sa nakakasakal  na office na 'to.

"Siya po ang may pakana ng lahat. Sinigawan niya 'ko." Turo sa 'kin ni Zades at halatang maiiyak na.

"Hindi naman kita sisigawan kung wala kang ginawa sa 'kin e." Napahinto ito.

"W-What? Boss mo 'ko rito."

"Tama ba ng narinig ko? Ginagamit mo ng pagka 'boss' mo dito sa school?!" May galit sa boses ng dean.

"B-But..."

"No buts, Mr. Vuentero. Magiging cleaners ka ng Comfort Room sa buong month."

"Paano naman si Ms. Fortelio na inabala ang pagtuturo ko?" Sabat ni Mr. Gomez.

"Same din sayo, Fortelio, dahil sa involved ka rito." Tingin nito sa 'kin ngunit hindi ako kumibo. Hindi naman mahirap maglinis pero kung kasama si Zades, parang gusto kong umatras.

Naramdaman ko na lang ang sarili ko na lumabas sa office ng dean. Ibang lugar ang nilalandas namin. Papunta kami sa C.R ng school.

"'Wag kayong mag-alala kasi magkaiba kayo ng C.R na paglilinisan. Common sense na lang." Si Mr. Gomez. Pursigido talaga siya na bigyan kami ng punishment dahil sa pag-abala ng klase niya. "Enjoy cleaning." Dagdag nito at tuluyan ng lumayo sa 'min.

"Kasalanan mo 'to e."

Wow, ha.

Inirapan ko na lang ito at kinuha ang mop sa gilid. Pumasok na 'ko sa C.R at nag-umpisa nang maglampaso.

"Aba, nang-iirap." Pahabol nitong salita ngunit hindi ko na ito tinugunan at binigyan ng atensyon ang sahig na may mga bakas ng putik.

Mapayapa akong naglilinis ng biglang umalingawngaw ang sigaw ni Zades na parang hinahabol ng kung anong malaking halimaw.

"MATRESAAA!"

"Oh?" Tanong ko rito.

"M-May a-ano, bigla na lang may kumalabog!" Taranta nitong wika sa 'kin.

"So?" Ani ko ng hindi ito nililingonan.

"Natatakot ako."

Hindi ko mapaliwanag kung bakit ako biglng napangiti sa sitwasyon namin. Bakla b 'tong si Zades? Takot sa kalabog.

"I see." Nilingon ko ito at binigyan ng nakakayamot na tingin.

"What?!"

Mabilis na kumapit sa 'kin si Zades ng biglang may kumalabog. Kahit ako ay nagulat ngunit mas namutawi ang salitang 'Wala akong paki'.

"Bitawan mo 'ko. Maglinis ka na do'n sa isang Comfort room." Baling ko rito habang nilalampaso ang map.

Nag-init rin ang ulo ko ng makita ang bakas ng paa ni Zades sa mga nalampaso ko na. Puro putik!

Rinig ko ang ngitngit ni Zades na sa tingin ko ay nanggagaling sa kuko niya. Nanginginig ito na parang bata na nagtatago sa palo ng kaniyang ina. Stupid!

"Bakla ka ba, Zades?" Tanong ko rito kaya naman nag-iba ang mukha nito na nalunta sa ngiwi.

"A-Aba, tigilan mo 'ko sa tanong mo na 'yan." Babala niya sa 'kin, kahit wala akong paki.

"I see." Bakla nga siya, "Bitawan mo 'ko." Sabi ko sakaniya ngunit parang wala itong narinig.

"Bibitawan mo 'ko o ipagkakalat ko na bakla ka."

"H-Huh? Hindi nga ako bakla." Anito at binitawan ako. Bakla nga, feeling lalaki gusto rin pala kauri niya.

Hindi pa nga niya 'ko kilala. Naniwala siya na ipagkakalat ko na bakla siya, mas mahalaga pa ang mga libro kaysa sa pag-abala na ipagkalat na hindi siya straight.

"Edi maglinis ka."

"Ayo'ko."

"K."

Biglang sumara ang pinto ng C.R kasama ng malakas na hangin kaya naman muling napakapit sa 'kin ang baliw. Sa sobrang higpit ay parang kinagat ka ng leon na hindi ko kayang kumawala. Hangin lang naman ang pomwersa sa pinto kaya nasara ito. Baliw talaga.

Akma ko ng bubuksan ang pinto nang bigla akong hilahin ni Zades.

"Sigurado ka ba diyan? Mamaya nandiyan pala si Sadako at mga kapatid niya."

Tangina?

Hawak ko na ang doorknob at pinihit ngunit hindi ito bumukas. Pinuwersa ko pa itong buksan ngunit hindi talaga ito bumubukas.

"A-Anong nangyari? Hindi mabuksan? Tuloooong!" Sigaw ni Zades at kinalabog ang pinto ngunit walang saklolo ang dumating.

Nakatingin lang ko sa kaniya. Pa'no na kami--- 'ko makakalabas nito? Ayoko masama sa baliw ng matagal na oras. Baka mahawa ako rito at gawin ko ang mga ginagawa niyang katangahan.

"Matresa, sirain mo pinto."

"Tsk."

"Potek! Ayo'ko ma-stock sa isang lugar lalo na't kasama ko pa ay panget. Help!" Sigaw nito.

"Kahit anong sabihin mo, wala akong pake." Sabi ko at hinawakan muli ang mop. Tinuloy ko na ang trabaho kong naudlot.

Na-stock ako kasama ang baliw na 'to. Kainis!

Itutuloy...

She Caught My AttentionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon