chapter 2

9 0 1
                                    

Title: She Caught My Attention
Author: Ayesha suson
•Chapter 2•

"MATRESEYA!" Napaahon ako sa kama ng biglang isigaw ng mayordoma namin ang pangalan ko.

Kinapa ko pa sa lamesa ang salamin at mask ko. Sa kabutihang palad ay nandito naman sila.

Naantok pa 'ko pero kailangan kong bumangon sa kama upang mag-trabaho. Para na rin sa kinabukasan ko.

Bagsak ang balikat ko na naglakad papunta sa sala. Hindi na 'ko nag-abala pa na mag-mask kasi nandito lang naman kami sa mansyon.

"Oh?"

"Anong oh-oh-oh ka diyan. Kunin mo ang basura do'n at itapon mo." Singhal nito.

"K."

"Attitude 'tong batang 'to."

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi nito at inumpisahang kargahin ang garbage bag. Kahit na masakit na ang kamay ko ay nakayanan ko naman.

Lumabas ako ng gate at itinapon sa tambakan ng basura malapit sa mansyon. Hindi ko na aantayin ang mangongolekta nito dahil sa kulang na 'ko sa oras. Papasok pa ako ng school at mag-aaral. Tipikal na estudyante pero hindi.

Mabilis akong bumalik sa mansyon. Bumungad sa 'kin agad ang sigaw ni Donya Malicia. Gusto kong umatras pero hindi ko kaya.

"Nasaan ang Mathrizea na 'yan?!" Sigaw nito.

"Nandito ako." Maikli kong tugon. Lumingon ito sa 'kin na nanlilisik ang mata.

Matanda na si Donya Malicia. Mga na 50+ na ito pero hindi mo maitatanggi na parang hindi ito tumatanda dahil sa ganda at papanamit. Pero kita rin naman ang mga wrinkles niya.

"You! You ruined my dress! Bakit may mantsa 'to?!"

"A-Ah hindi ko alam 'yan. Natapunan po 'yan ng juice niyo kagahapon." Mabilis kong sagot.

"Ah, so ako pinapalabas mo na pabaya?! Aba, gaga ka pala, 'e." Singhal nito at lumapit sa 'kin.

Naramdaman ko ang palad nitong lumapat sa pisnge ko. Napahawak pa ako sa pisnge dahil sa kirot na natamo ko kay Donya.

Tanging hikbi na lang ang nagagawa ko.

"Bobo!" Anito at tumalikod na sa 'kin. Padabog itong lumayo at yumuloy sa malaki nitong kuwarto.

"Ikaw naman kasi Tria, 'e. Ano ba kasi ginawa mo sa damit ni Donya?" Lumapit sa 'kin ang Mayordoma namin.

"Wala naman ako ginagawa, nanay Lorna." Napakapit ako sa braso ng mayordoma namin.

Habang naglalakad sa hallway patungo sa room ay parang nanghina ang mga paa ko. Parang nangingilo ang pisnge ko.

Ilang hakbang na lang palapit sa room ay bigla na lang nandilim ang paningin ko. Naramdaman ko na lang na nakahilata na ako sa lapag.

---

"Fortelio, Fortelio."

Napamulat ang mata ko ng marinig ko ang pagtawag sa 'kin. Hindi ko alam pero no'ng pinilit kong bumangon ay parang nag-ikot ang paningin ko kaya hindi ko na pinilit.

"Hinay-hinay lang Fortelio. Bakit ang dami mong pasa sa katawan? Nawalan ka ng malay sa daan kanina. Tapos may ---"

"Not your business." Maikli kong tugon na hindi man lang nagbibigay ng reaksyon.

Naramdaman ko rin na tinanggal ang mask ko.

"Kailangan. Binubugbog ka ba?"

"Hindi."

She Caught My AttentionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon