Title: She Caught My Attention
Author: Ayesha suson
•Chapter 6•Mathrizea POV
Hindi ko alam kung bakit ako lagi ang pinagdidiskitahan ni Zades. Lumalayo na nga ako sakaniya siya naman ang lumalapit. Lalo na ang tadhana, ginawa pa akong yaya ng baliw na 'yon. Nakakainis!
Umupo ako sa upuan. Sabay rin ng pag-pasok ni Ms. Alesandra sa room. Rinig ko ang sabay na pagsipol ng mga kalalakihan including Pharixtel, at himala't hindi niya kasama ang baliw niyang kaibigan. Wala naman akong pake.
"Good morning, class."
"GOOD MORNING, MISS ALESANDRA LUIS." Tanging mga lalaki lang ang nakatayo at nakangiti.
"Oka-- where's Mr. Vuentero?"
"'Wag mo na hanapin 'yon, ma'am. Nandito naman ako e." Si Pharixtel. Uhaw 'ata sa babae ang isang 'to.
"Sus, luma na 'yang banat mo, p're. Ma'am, ako naman 'tong naghihintay sayo. Ako na lang."
"Ohhhhwww!" Biglang umugong ang paligid. Nakakairita ang bawat tagpo sa klase ni Miss Alesandra. Nagsisilabasan kasi ang mga babaero kong kaklase. Yuck!
"Quite, class. Did you'll do the assignments? Write a letter to your love ones?"
"Ma'am!" Biglang sigaw sa labas ng room.
May impit na kilig at tili ang narinig ko. Nakatingin lang ako sa bag at hinahanap ang sinulat kong liham para kay mom. But... Wala, wala akong nakitang ni anino ng papel na pinangsulat ko. Argh!
Naramdaman kong may tumabi sa 'kin. Sa kasamaang palad ay amoy ko ang aroma ng pabango ni Zades. Siya nga.
"Nakalimutan mo?"
Inabot nito ang isang papel. Papel kung saan ko sinulat ang liham ko kay mom. For pete's sake bakit nasakaniya ang liham na 'to? Tsk.
"Yea." Anito at agad kinuha ang papel na inabot niya ngunit bigla itong inilayo ang papel, "ano ba?" Iritado kong sabi.
"Sabihin mo 'please'."
"Pass the paper in front!" Si Ms. Alesandra.
"Akin na." Matigas kong sabi at tinignan ito.
Hindi ko alam kung bakit naglayo ng tingin si Zades sa akin pero ang kailangan ko lang naman ay ang papel, kaya wala akong pake sa kaniya.
Sa paglayo nito ng tingin at ang pagkuha ko sa papel. Agad akong tumayo at tumungo kay Miss Alesandra.
"Sama mo na 'to, Yaya." He smirked.
Kinuha ko na lang ito upang hindi na ito magsalita ng mga walang kwentang mga bagay. Nakakairita!
Binigyan ko ng walang emosyon na mukha si Zades habang naglalakad patungo sa upuan ko.
Pagka-upo ko ay awtomatiko akong napadaing ng naupo ang pwetan ko sa lapag. Agad itong nakakuha ng atensyon ng mga kaklase ko kaya naman umugong muli--- ang tawanan.
"Karma ka sis ha ha ha." Puno ng sarkasmo ang pagtawa nito.
Kita ko ang paglapit sa 'kin ni Pharixtel at inilahad ang kamay niya sa 'kin. Kita ko rin ang mga matang nakamasid sa 'kin. Fuck! Ayoko ng spotlight na ganito.
"'Wag mo tulungan 'yan, Pharix."
"Bro, babae pa rin 'yan." Baling nito sakaniyang baliw na kaibigan.
Nakatingin lang ako sa kamay ni Pharixtel na nasa ere. Anong gagawin ko diyan?
Agad akong tumayo at pinagpag ang nadumihang pwetan. Hinawakan ko ang upuan ng maigi at umupo. Mahirap ng paglaruan ng baliw.
BINABASA MO ANG
She Caught My Attention
Romance°•it's my first time writing a story so please don't hate me•°