Chapter 11

7 1 0
                                    

Title: She Caught My Attention
Author: Ayesha suson
•Chapter 11•

Mathrizea's POV

Nakarating naman agad akong mansyon. Nginitian ko na lang ang guard saka na pumasok sa loob.

"Oh, kamusta ang pasok, hija?" Bungad sa akin ni  Manang Lorna. Si Manang Lorna lang ang mabait sa akin rito dahil alam niya naman ang aking pagkatao.

"Okay lang naman ho," magalang kong sabi saka pumunta sa aking kwarto. Kwarto ng mga katulong.  Nilapag ko na ang aking gamit saka na nagpalit ng damit.

Nasa gano'n akong ginagawa nang marinig ko ang boses ni Madame Malicia. "Mathrizea!" Gigil na gigil. Galit na galit. Hindi ko maintindihan ang pinaparating ng kaniyang boses. Basta't alam kong yari ako.

Kinakabahan akong lumabas ng kwarto. Nakita ko si Manang Lorna at ate na nakatingin sa akin.

"Tria, sabihin mo sa akin kung anong ginawa sa 'yo, ah?" Pagpapaalala ni Manang Lorna sa akin. Tanging pagtatango na lamang ang aking nagawa.

"Lagot ka, Tria, mahaliparot kang babae ka!"

Sumosobra na 'to.

"Nawawala paki ko, ate." Kaswal kong sagot saka na naglakad papunta kay Madame Malicia.

"Makakarma ka rin, Tria!" Inis na pahabol nitong sigaw.

Matagal na 'kong nakarma.

Hindi ko na 'to pinansin, wala namang kwentang tao iyan. Walang ibang ginawa kundi sang-ayunan ang mga ginagawa sa akin ni Madame Malicia! Ibibigti ko 'yang babaeng 'yan, char.

Kinakabahan akong humarap sa aking amo. Yumuko agad ako dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kaniya.

"Sumunod ka sa aking kwarto!" Inis na sabi niya na sinunod ko naman. Yari na naman ako nito. Hays, ano nga bang nagawa ko?

Sa pagbukas ko ng pinto ng kaniyang kwarto ay sampal agad ang bumungad sa akin. Mahapdi, masakit kaya alam kong namumula ito.

"Nabalitaan kong pinapahiya mo ang apo kong si Zades?! It's that true?!" Galit niyang sigaw.

"M-Madam--" Bigla akong nitong hinawakan sa anit at pabatong binagsak sa kaniyang kama. "S-Sorry ho," ramdam ko ang luha kong bumagsak na sa aking mga pisngi. "Patawarin niyo po ako, M-Madame."

Muli niya akong sinabunutan. "Kapag nangyari ulit 'yan, hindi lang ito ang gagawin ko sa 'yo. Naiintindihan mo?!"

"O-Opo.."

"Layuan mo ang aking apo.. Hindi ka niya magugustuhan.."

Hindi ko rin naman siya magugustuhan, peste.

Tinaggal nito ang aking mask. Napatititig siya sa aking mukha. Napatigil ito at napatahimik. "Ayosin mo sarili mo at lumabas ka na sa kwarto ko." Matapos niyang sabihin iyon ay naglakad na siya palabas ngunit pareho kaming nagulat nang makita namin si Pharixtel na nasa pinto. Kaya dali dali kong sinuot muli ang aking mask.

Tinarayan ito ni Madame Malicia at lumabas ng kwarto. Napatitig naman sa akin si Pharixtel kaya naiilang ako.

"Anong ginagawa mo rito?" Iyan agad ang salitang lumabas sa aking bibig. "Wala kang nakita, right?" Huminahon ang aking boses. Inayos ko ang aking buhok at pinunasan ang luha.

"Binubugbog ka ni lola." Baka lola ang tawag niya kay Madame Malicia.

"Eh, anong paki mo?" Pikon ang aking boses. "Hindi lahat ng bagay, pinakikielaman. Matuto ka ring lumugar." Tumayo ako saka binangga ang kaniyang balikat ngunit hinawakan ako nito sa kamay dahilan para ako'y mapahinto.

She Caught My AttentionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon