Chapter 9

6 0 0
                                    

Title: She Caught My Attention.
Author: Ayesha suson
•Chapter 9•

Mathrizea's POV

Patuloy pa rin ako sa paglilinis, hindi ko pinapansin si Zades, kanina pa siya bukas ng bukas ng pinto ngunit hindi naman mabuksan.

Kanina pa rin ako naiirita sa ka-ingayan niya. Ang dami ko nang nalinis tapos siya ay wala pa? Madayang lalaki!

"Sige ka," biglang sabi ko na may halong pananakot. Napahinto si Zades at tiningnan ako. "Baka 'pag bumukas ang pinto, makita mo diyan si Sadako at mga kapatid niy--"

"Matresa!" Inis niyang tawag sa aking pangalan.

King ina, hindi ko pangalan ang Matresa.

Gusto kong matawa sa naging reaksyon niya pero mas pinili ko na lang hindi. Tinapos ko na ang aking paglalampaso kahit walang naitulong ang aking kasama.

Sino naman kasi ang walang hiyang nagsara ng pinto? Hindi naman hangin ito, hindi kaya iyon.

"Matresa is not my name, sir." Bigla kong sabi na naghuhugas ng kamay sa sink. Tiningnan ko pa ang aking sarili sa salalim, pawis.

"Eh, ang hirap kaya bigkasin ng pangalan mo! I like Matresa than Mathrizea or Matty."

"K," sagot ko na lang. Tahimik na naman kami, himala't mga walang estudiyanteng dumadaan. Kay tahimik ng pasilyo. "Alam mo ba?" Mahina kong sabi habang pinupunasan ang aking kamay ng tissue.

Dahan dahan muli siyang tumingin sa akin. "Ang ano?"

"Itong banyo na 'to," pag-uumpisa ko. Sineryoso ko ang aking mukha. "May first year student na nirape rito ng guard ng school. Siyempre, namatay 'yong babae.."

Kita ko kung paano siya kabahan. "Matresa, huwag ka ngang magbiro ng ganiyan!"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Kailan pa 'ko nagbiro? I'm serious." Huminga ako ng malalim saka nagpatuloy. "Walang tumulong sa student sa kahit anong sigaw niya, iyon 'yong kwento. Nakakaawa 'no? Ang bata pa, victim agad ng rape. Siyempre, galit na galit 'yong mga magulang. Kaya, pinakulong 'yong guard.."

"Tapos?"

Muli akong napabuntong hininga. Naaawa kasi talaga ako kapag naaalala ko. "Tuwing tahimik ang pasilyo.." Tinitigan ko siya sa mga mata. "May maririnig kang naglalakad diyan, tunog ng sapatos.." Tumabi sa akin si Zades, marahil ay natatakot na. Hindi ko siya sinita, nakakatakot naman talaga. "Kapag sinundan mo ang mga yapak ng sapatos, nakikita mo 'yong student na nakangisi sa 'yo. Minsan, nakabigti, nasa taas o naglalakad."

"Matresa..."

"Kapag naman sa gabi, may maririnig kang umiiyak rito at siya 'yon, dito sa pwesto natin ngayon.." Hinawakan ako ni Zades sa balikat, malamig ang kaniyang kamay. Natatakot na.

"Eh, kapag umaga?"

Hinawakan ko rin ang kaniyang kamay na nasa balikat ko. Ramdam niya rin kasi ang takot ko. "Kapag daw nagparamdam ang babae.. Huwag mong papansinin, pabayaan mo lang. Kanina..."

"Ano?! Ano 'yong kanina?!"

"S-Siya 'yong naglock ng pinto..." Kinakabahan kong kwento rito. "Nakita ko siya, Zades.. Duguan, kaya..hindi ko na pinansin. Iyon kasi ang sabi..."

Sabay kaming napadikit ng aming mga balat ni Zades nang biglang bumukas ang pinto sa aming likuran. Kung saan, doon pinasok ang bangkay ng estudiyante.

"Zades..." Kinakabahan kong tawag rito.

"Matresa..." Takot niya ring sabi..

"Nasa likod natin.."

She Caught My AttentionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon