Title: She Caught My Attention
Author: Ayesha suson
•Chapter 4•Mathrizea POV
Habang naglalakad patungo sa school ay rinig na ang mga sigawan at hiyawan na nagmumula sa loob ng school. May events ba ngayon sa school? Hindi ako nainform.
"Good morning." Bungad sa 'kin ni Manong guard. Kalbo ito at hindi mapawi ang ngiti.
Tumango na lang ako bilang pagtugon sa bati niya. Kakatamad magsalita, tsk.
Pagpasok sa school ay kita ko ang mga estudyanteng nakatuon ang atensyon sa isang diyaryo. Hindi ko na aalamin kasi wala akong pake.
"Matty!" Bungad agad sa 'kin ni Carry pagpasok ko sa room, "alam mo na ba 'yong balita ngayon sa news paper ng school?" Dagdag nito.
"Hindi."
"Nabalita na may lecturer na nambastos daw ng kapwa lecturer."
"So?"
"Hindi mo alam? May nakuha akong chismis." Saya nitong sabi.
"I see." Sabi ko na lang para itigil amg pangungulit.
"Yaya." Parang nagpantig ang tenga ko ng marinig ko ang boses ni Zades.
"Oh?" Baling ko rito.
"Bigyan mo 'ko ng tubig."
Hindi na 'ko sumagot at kinuha na lang ang baon kong tubig. Lumaki-laki pa ang ngiti nito ng mahawakan ang botilya na may laman na tubig.
"Magandang umaga. Ako si Giero Gomez." Ani ng lecturer namin sa Filipino. Sinulat pa nito ang pangalan niya sa blackboard. Siya 'yong lecturer na wala kagahapon.
"Megendang umega rin po." Bati ni Carry. Tanging siya lang ang tumayo upang batiin si Sir Gomez.
Rinig ko ang pagtawa ng iba pero wala akong pake. Nasa blackboard lang ang atensyon ko. Nag-umpisa na rin ako magsulat upang mapag-aralan habang naglilinis.
May kumalabit sa 'kin.
"Psstt..."
Ilang beses akong kinalabit ni Zades. Katabi ko lang siya't masasabi kong nakakawalang gana ang mukha niya.
"Oh?"
"Ano ba kasi meron sa pasa mo?" Tanong nito.
Umiling-iling lang ako.
"Sabihin mo na kasi..."
"Mr. Vuentero." Napatingin ako sa lecturer namin. Nakatingin si Sir Gomez sa papel na alam kung listahan ng mga pangalan namin.
"A-Ah, y-yes, sir?" Nanginginig rin pala 'to? Wala naman akong pake, tsk.
"Anong paksa natin ngayon?" Tumaas ang ulo ni Gomez at itinaas ang salamin nito.
Tumingin pa si Zades sa blackboard pero kita ko ang pagdismaya niya ng walang nakasulat.
"A-Ah---"
"Mitolohiya." Mabilis kong sagot.
Kita ko ang gulat sa mga mukha ng mga kaklase ko. Kita ko rin ang mabigat na paglapat ng mata sa 'kin ni Zades ngunit hindi ko iyon pinansin.
"Kahulugan?" Tinaas ni Sir Gomez ang kilay nito na parang hinihintay ang sagot ko.
Napabuntong hininga ako.
"Bida-bida kasi."
"Hindi naman pala alam."
"Kaya mo 'yan, Matty." Si Carry.
"Tss.."
"Anong name mo?" Biglang tanong sa 'kin ni Sir Gomez.
BINABASA MO ANG
She Caught My Attention
Romance°•it's my first time writing a story so please don't hate me•°