Chapter 15

7 0 0
                                    

Title: She Caught My Attention
Author: Ayesha suson
•Chapter 15•

Zades POV

Nakasimangot akong pumasok mag-isa sa room. Pabagsak kong nilagay ang aking bag sa upuan at nakangunot ang noong tumingin sa bintana. Hayst. Med'yo masakit pa ang aking ulo pero kaya ko namang pumasok.

"Hey, dude. What's wrong? Are you feeling better? What's the problem? You look tired."

"I'm okay.." Sagot ko sa kaniya saka siya hinarap. "Sabi ni Matresa ay aalagaan niya ako.."

"Then?"

"Parang mas lalo pang sumakit ang aking ulo. Tss."

"How?"

"Ewan!" Naiirita kong sabi. "Feeling ko lahat ng ginawa niya sa bahay ay mali! The heck! Akala ni mom ay kami ta's akala ni manang ay may nangyari sa amin?! Sinong hindi maiinis, dude?! Naiirita ako kapag naaalala ko. Feeling ko..."

"Feeling mo, ano?"

"Feeling ko napapalapit sa akin ang babaeng 'yon.."

Napahinga ng malalim si Pharixtel sa aking sinabi. Alam niya siguro ang gusto kong iparating. "Walang mali roon kung mapalapit..."

"Walang mali?!" Timpi kong sigaw na alam kong kaming dalawa lang ni Pharixtel ang makakarinig. "Dude, isipin mo! Hindi ko nga alam na kaklase natin 'yan si Matresa, e! Hindi ko nga alam! Nakita lang natin siya sa hallway na sinigawan ng guro! Pero bakit nang matapos iyon ay pumasok na sa buhay ko 'yang Matresa na iyan?! Sana kasi first day of school pa lang ay nakilala na natin. Ano? Lumiko si tadhana at si Matresa ang pinuntahan?! King ina, I can't believe this!"

"Calm down.." Suyaw nito sa akin. Ewan ko ba, ang init init ng ulo ko diyan sa Matresa na iyan. "It's all your fault. Hindi si Matty ang pumasok sa buhay mo, ikaw. Dahil unang una, hindi ka niya pinakialam, ikaw ang nangingialam sa buhay niya. Remember? Nakuha mo pa ngang magpapansin, 'di ba? Kung hindi mo ginawa 'yon, sana, hindi ka ganiyan ngayon."

"At nagsisisi ako! 'Yan! Tapos na!" Hindi na kami nag-usap nang dumating na si Ma'am Alesandra. Sunod no'n ay si Matresa. Akala ko ay sa harap namin siya uupo dahil iyon ang pwesto niya pero hindi. Dumiretso diretso ito at pumunta sa likuran.

Lonely.

Siya lang mag-isa roon at alam ko namang gusto niya.

Tulad ngayon ay si Ma'am Alesandra ang guro kaya active na active ang mga kalalakihan ngayon. Pero ako? Hindi... Feel ko parang may kulang sa akin. Wala akong gana. Baka nga kasi masakit ang aking ulo.

Habang nasa klase ay alam kong nagpapapansin sa akin si Ma'am. Tamad ko lamang itong tinitingnan. Wala akong gana, ma'am. Sorry. Maybe next time. Papakasal na tayo.

Char.

Dumating ang break time. Ni hindi ko makuhang tumayo. Nakasandal lamang ang aking likuran saka nakatingin sa harapan.

Boring! Tsk!

Wala akong ibang nagawa kundi ang tumayo dahil nagyayaya si Pharixtel. Pati sa paglalakad ay tinatamad ako. Nakita ko si Matresa na nasa unahan namin, naglalakad mag-isa.

"Matresa!" Tawag ko sa kaniya ngunit parang wala itong narinig. "My yaya!" Wala talaga siyang tugon.

"Dude, naka-earphones." Biglang sabi ni Pharixtel kaya chineck ko. Naka-earphones nga kaya siguro ako hindi naririnig.

Naglakad na lang kami hanggang makarating sa Cafeteria. Naupo ako sa bakanteng upuan saka pinahinga ang aking katawan na para sa akin ay ang bigat bigat. Kita ko si Matresa na dadaan sa aking harapan.

She Caught My AttentionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon