Chapter 18

15 0 0
                                    

Title: She Caught My Attention
Author: Ayesha suson
•Chapter 18•

Mathrizea's POV

Habang naglalakad patungo sa room ay randam ko ang katahimikan. Himala! Walang mga matang nakatingin sa 'kin. Medyo nasanay na rin ako na madaming nakatingin sa 'kin. Pfftt...

"MATTY! OH MY G! ALAM MO NA BA 'TO?!" Parang nagpapantig ang tenga ko dahil sa lakas ng sigaw ni Carry.

Nagulat ako sa pagyakap nito. Pinakita pa niya ang cell phone nito.

Inayos ko muna ang salamin ko't tinignan ng mabuti ang post sa isang internet website.

'Mamatay ka na, Mathrizea Aztria Fortelio! Isa lang malaking gaga. Ikaw na nga ang pinapansin ni Zades wala ka pa rin paki. Tsk, boba!' (Samahan mo na ng nagdadamihang mga emojies.)

"So?" Angat ko rito ng kilay.

"A-Ah, hindi mo alam? Madami nang mga taong nagagalit at natatakot sayo dahil sa post na 'yan. Marami ring mga Zhirsian (tawag sa mga taga-Zhir Welle HS) na nagrereact at gusto kang mamatay o itoture. Oh My G talaga!" Deliryo nito.

Ang sama na naman ng araw ko nito. Tsk!

Tumungo na lang ako sa upuan ko't hindi pinansin ang aking likod.

Nakita kong tumayo ang ang presidente sa klase namin na alam kong si Jonnelle. Seryoso itong napatingin sakaniyang cell phone at bumaling sa 'min lahat.

"Sino ang may gawa nito?!" Singhal niya at iniharap sa 'min ang cell phone niya na may post na nagbabantsa sa 'kin. "Alam kong dito lang 'yon kasi marami sa mga babae rito ay may gusto kay Zades."

Bakit ba nila pinoproblema ang isang walang kwentang bagay na 'yon. Ni ako wala akong paki sa bagay na 'yon. Wala naman magagawa ang isang post na 'yan sa 'kin. Wala naman lalabas na katana diyan at masasaksak sa katawan ko. Tsk

"Napapala mo." Bulong sa 'kin ng boses ni Zades.

"Salamat nga sayo, 'e. Nagkaroon ako ng hater at the same time fans rin." Lingon ko sakaniya.

"Anong fans? Lahat nga 'ata ayaw sayo." Bulalas nito.

"Bakit gusto mo 'ko?" Tugon ko sakaniya.  Humarap na lang ako blackboard.

Magsasalita pa sana ito ng biglang dumating si Gomez. Pangiti-ngiti ito habang naglalakad. Parang may iniimagine na kung ano. I bet na si Miss Alarcona iyon na teacher sa kabilang building. Siguro sinagot na siya. Kawawang babae nabudol ni Gomez.

"Okay, class. Jausgz jshsbz jagsbs~~"

Pasimple kong kinuha ang earphone sa bulsa ko at sinalpak sa aking tainga. Mas gusto ko pa makinig sa musika kaysa makinig sa pumipiyok na boses ni Gomez.

Itinayo ko rin ang librong nasa table ko. Ibinaba ko ang ulo ko at pinikit ang aking mata. Dinadama ko rin ang bawat liriko ng kanta.

"Matresa!" Sa kasamaang palad ay boses agad ni Zades ang narinig ko

"Oh?" Tanong ko sakaniya't iminulat ang aking mata.

"Anong 'oh-oh' ka diyan. Break na kaya." Suway nito.

Inangat ko ang aking ulo at hinawi ang aking buhok.

"Tayo?"

"What?!"

Ganito na 'ata ako kapag bagong gising. Hindi ko na alam ang sinasabi ko dahil sa sobrang lutang. Tumayo na lang ako at hindi ito pinansin.

Nagtuloy-tuloy na 'ko patungo ng canteen.

"'Di ba siya si Mathrizea? Buti may mukha pa siyang maihaharap dito."

"Pftt... I don't know that girl talaga. Ang chismosa mo kaya knows mo siya."

Umupo na 'ko ng upuan. Ngunit sa pag-upo ko ay may naramdaman akong malagkit mula sa aking ulo. Hinipo ko ang ulo ko't confirmed! May spaghetti ako sa ulo.

Isang immatured na naman. Tsk!
Tatayo pa sana ako nang tumilapon ang aking katawan. Nadamay ang ibang table kaya may naririnig akong mga tili.

Kita ko ang mga gasgas sa katawan ko. Parang nawalan ako ng kontrol sa aking katawan dahil sa sobrang lakas ng aking pagkakabagsak sa sahig.

May lumapit sa 'king isang dambuhalang lalaki. Para kaming elepante at daga dahil isa nga akong small person.

Pinilit kong umangat ngunit hindi ko nakayanan. Ngumiti ito sa 'kin at binigyan ako ng nakakasindak na tingin. Tsk, wala naman akong paki.

"A-Anong problema m-mo?" Kahit na utal ay mahinahon ko pa rin siya na kinakausap.

"Kaya mo pa? 'Yan ang nakukuha mo dahil pinahiya mo si veve Zades ko!" Asik niya sa 'kon. May mga laway pang tumalsik kaya pinunasan ko na lang ito. Dugyot!

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Matatawa ba 'ko, Masasaktan ba 'ko sa ginawa niya, o tatawa ulit dahil sa likod ng dambuhala mong katawan ay may kahinaang 'Zades' ka pala.

"So? I don't fucking care!" Sigaw ko rito.

Aba, wala akong paki kung napahiya ko siya. Siya naman ang gumagawa ng ikapapahiya ng baliw na 'yan. Tiyaka, bakit ang daming nasaktan sa pagpapahiya ko kay Zades? Diyos ba siya? Ayan problema dito e, ginagawang diyos ang alam na tao lang.

"Alam mo, Jose, may gusto sa 'kin si Zades. Kawawa ka naman." Nguso ko rito. Kunot-noo itong tumingin sa 'kin. Parang mapuputol ang mga ugat niya dahil sa paggagalaiti.

Sana'y kahit sa isang pagsisinungaling lang ay makaganti ako.

Naramdaman ko ang paglapat ng kamao niya sa 'king pisnge kaya  napa-iba ako ng tingin. Marahan kong pinunasan ang pisnge kong may mga dugo na.

Tumingin ako sa kaniya na wala man lang emosyon.

"Hindi ako si Jose! I am JOSELINDA MADRIGAL, naiintindihan mo?!"

"I see."

Hinawakan niya ang dalawang balikat ko at pilit itinayo. Parang nagiging dalawa si Jose. Parang nanlalabo ang aking paningin. Nahihilo ako.

"Oh, matutulog ka agad?" Tanong niya.

Naramdaman ko ang pagbuhos ng tubig sa mukha ko at pumasok sa ilong ko kaya naman napagising ang diwa ko.

Gusto kong umiyak pero mas pinili kong maging kalmado. Tinaasan ko ito ng kilay.

"Bakit? Ikaw ang gusto mo patulugin ko?" Inismiran ko ito. "Maglinis ka muna ng libag mo. Pulang-pula 'yang pisnge at nguso mo. Para kang sinapak sa lansangan." Ganti ko sakaniya.

Naramdaman kong binitawan ako ng kamay ni Jose kaya naman napaatras ako at napahiga muli sa sahig. Hindi ko alam pero parang naging manhid ang katawan ko.

Akma na niya akong susuntukin ngunit napatigil iyon dahil sa isang sigaw.

"MATRESA! MY YAYA!"

Para akong nabuhayan ng pag-asa na pagkatapos nito ay mabubuhay pa 'ko. Hindi ko alam kung maiinis ba 'ko sa boses ng baliw na 'yon o maiiyak baka pagtawanan niya 'ko pagkatapos nito.

Basta ang alam ko ay ligtas na 'ko.

Itutuloy...

Support my another account guys ayeshasuson thank u guys!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She Caught My AttentionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon