Title: She Caught My Attention
Author: Ayesha suson
•Chapter 5•Mathrizea's POV
Napailing iling akong nakatingin sa papel. Sayang ang pambibili nila ng papel kung ibabato lamang sa akin. Bumuntong hininga ako, maglalakad na dapat nang hawakan ako ni Carry sa aking kamay.
"Woi, anong gagawin natin rito?" Hinarap pa niya mismo ang papel sa aking mukha.
"Ano bang dapat gawin diyan?"
"I-Itapon."
"Go."
Maglalakad na sana muli kaso hinawakan na naman ako nito. Pumikit ako para makapagtimpi. "What?"
"Nag-aalala lang ako para sa 'yo, hindi ka ba natatakot? Baka baliw na ang nagbibigay nito." Kita ko sa kaniyang mga mata ang sincere.
Kaya ang ginawa ko ay tinitigan ko siya. Pinagmasdan ko ang kaniyang mukha. Napalabi ako saka nagsalita. "Walang nakakatakot sa papel." Hindi ko na siya pinansin, naglakad na ako.
Hays, bakit ba kasi ang kulit ng Carry na iyon? I don't know her, bigla bigla na lang siyang susulpot?
Hindi naman sa ayaw ko makipagkaibigan pero parang gano'n na nga. Hind ko naman kailangan no'n, I can handle myself. Alam ko kung anong mga ginagawa ko. Dahil sa kanila, nag-iiba pakikitungo ko.
Habang ako'y naglalakad ay ang sasama ng mga tingin ng estudiyante sa akin. Napatingin pa sila sa aking mukha, buti na lang nakamask ako. Napayuko na lamang ako dahil grabe sila makatingin. Kahit walang lumalabas sa bibig nila, alam kong panghuhusga agad ang binabato nito sa akin.
"Hoy!" Harang ng isang babae sa akin. Napahinto ako sa paglalakad na nasa baba ang tingin. "Tapos ngayon, hindi ka makatingin ng diretso sa mga mata ko? Matapos mong ipahiya si Zades!" Dinuro pa ako nito. "For your information, sampid ka lang sa paaralang ito! 'Wag feeling brainy, pasikat ka, e."
Wala akong naging sagot, tanging pagyuko na lang talaga ang aking nagawa. May mga estudiyante na ring mga pumapalibot sa amin. Halatang gustong maki-chismis.
"Oo nga, alam mo bang crush namin 'yon!"
"Masyado ka kasing pasikat! Napahiya si Zades dahil sa 'yo!"
Naaisip isip ako, 'yong ginawa kong 'yon. Para kay Zades nga, wala lang. Tapos, ito, grabe mga makareact. Akala mo mapapansin sila ni Zades o magugustuhan.
Crush niyo nga, papansin sa akin, e. Tsk.
"Sumagot ka!" Tumingin ako sa mata nito. Ito 'yong sikat na babae, ang pangalan ay Herizyn. Tama, siya 'yon. "Bakit ba ayaw mo magsalita?!"
Tanging nakatayo lang ako, parang gusto kong itago ang sarili ko at 'wag nang magpakita sa kanila.
"Woi!"
Ang kulit talaga nila, hays. Ako na nga itong hindi sila pinapatulan, e. Tapos, gusto pa nila ng away. Ano ba talaga gusto nilang mangyari? Ayoko makipag-away.
"Ano ba?!"
"King ina! Ano ba 'yon?!" Galit kong pabalik na sigaw rito. Nagulat sila pero ako ang mas nagulat. Lumabas iyon sa aking bibig na hindi ko iniisip. Fuck it!
"Ah, ngayon sumasagot ka na?!"
Obob, ang huta. Tsk. Pinapasagot ako kanina ta's--hays! Uneducated.
Naramdaman kong sinabunutan ako nito, sinugod rin ako ng ibang estudiyante. Naramdaman ko rin ang kalmot ni Herizyn sa aking mukha. Matapos nilang gawin iyon ay nagpalibot na naman sila.
May nagbuhos pa sa akin ng mineral water. Tanging pag-upo na lang ang pinakita ko sa kanila. Ayaw kong ipakita ang aking mukha dahil nahihiya ako at natatakot.
Naalala ko 'yong sinabi sa akin...
'Once na makipag-away ka, babalik ka rito.'
'Once na makipag-away ka, babalik ka rito.'
'Once na makipag-away ka, babalik ka rito.'
Pinaulit ulit ko 'yan sa aking isipan para hindi na ito patulan. Ayokong makipag-away, ayoko. Isa rin 'yan sa dahilan kung bakit hindi ko pinatulan.
Med'yo natakot pa ako dahil hindi ko akalain na ngayon ay maraming estudiyanteng nakatingin sa akin. Hindi ako sanay, ayoko na rito. Ayaw na.
"Tanggalin mo, Herizyn, 'yong mask ni Mathrizea! Bilis!"
Tatanggalin sana nila ngunit biglang may sumigaw.
"Hoy!" Pansin ko namang pumasok ito sa kumpulan. Tiningnan ko ito kahit natatakpan ng bangs ko ang aking mata. Nakita ko ang kaibigan ni Zades na si Pharixtel.
"Bakit niyo inaaway ang yaya ko?!" Mula sa likod ni Pharixtel ay lumabas roon si Zades na parang baliw. Hindi ko alam kung natatawa o naaawa sa akin. Walang hiyang lalaki.
"My yaya! Bakit ganiyan ang itsura mo? Huhu." Kunwari pa itong naiiyak. Hindi ko siya pinansin. Nagseryoso ito saka tumingin sa lahat. "Sinong may gawa nito?! Bakit niyo kinawawa? Alam niyo bang yaya ko siya? Tsk, tsk. Bawal saktan ang yaya ko kaya sino?"
Matutuwa na sana ako sa kaniyang pinagsasabi pero naiirita ako kapag babanggitin niya ang 'Yaya ko'. Feeling ko ina-angkin ako kahit alam kong yaya ako nito.
"Si Herizyn ang may kasalanan." Sumbong ng iba. Wow, habang kinakawawa ako niya ay tuwang tuwa kayo. Mga plastik!
"Hoy! Tipaklong!" Tawag ni Zades kay Herizyn kaya tumawa ang lahat.
"Oh, bakit, baby Zades?" Nginitian siya nito.
"Wala lang, ang cute mo." Kinindatan niya pa ito kaya ang 'tipaklong daw' ay kilig na kilig.
Maya maya ay nakita ko ang kamay ni Zades na nilahad sa aking harapan. Sinasabing kunin ko para itayo niya ako.
Ngunit, tumayo akong mag-isa. "Kaya kong tumayo, kinawawa lang ako, hindi ako pinutulan ng paa." Matigas kong sabi saka na diretso diretsong naglakad.
Wala akong nakikitang estudiyanteng naglalakad. Wala sa kani-kanilang room. Habang naglalakad ay naramdaman kong may humawak sa aking braso.
"Iniwan mo 'ko ro'n?! Wala ka ba talagang alam gawin na ipahiya lang ako?!" Ramdam ko ang kaniyang galit. Nakita ko rin si Pharixtel na nanonood sa amin.
"Ikaw ang gumagawa ng ikakahiya mo dahil kahit kailan, hindi ko intensyon ipahiya ka sa maraming tao." Pikon kong sabi. Halata sa boses ko ang galit pero tinitimpi ko 'yon. Mahinhin pa rin ang aking pagkakasabi.
Natulala si Zades sa aking mukha hanggang maramdaman ko na lang ang daliri niyang nasa pisngin ko. Pinupunasan ang dugo sa kalmot na ginawa sa akin ni Herizyn.
Tinabig ko ang kaniyang kamay. "Yaya mo ako, huwag mo 'kong tinuring na kaklase o ano kahit nasa school tayo. Gusto kong wala kang paki sa akin, call me yaya, I'll you sir if that's what you want."
"Sino ka ba para ganiyan makapagsalita sa akin, huh?!" Galit talaga siya. "Nagpapansin lang naman ako, ah! Bakit hindi mo 'ko magawang pansinin?! Nagpapapansin ako hindi dahil may gusto ako sa 'yo?! Sad'yang kinuha mo lang ang atensyon ko at hindi ko na alam kung paano mawalan ng paki sa 'yo! Hindi rin ako namamalimos ng atensyon mo, sad'yang trip ko lang tal--"
"Ako kawawa rito, akong hindi nagpapapansin, napapansin." Makahulugang kong sabi sa kaniya. Alam ko namang naintindihan niya iyon, ang tinutukoy ko ay iyong nangyari kanina.
Hinawakan niya ang aking kamay saka hinatak. "Let's go, gagamotin natin ang sugat m---"
"Release me."
"Tar--"
"Release me!" Piglas ko rito saka siya tinignan sa mata. "Kahit anong pagpapansin pa ang gawin mo! Wala pa rin akong paki sa 'yo, because first of all, you made my life miserable. I have own bussiness so mind your own bussiness too. I don't fucking care for you." Mahinhin akong naglakad paalis.
"Matresa!" Sigaw nito. "Matresa, ano ba?!"
"Dude, pabayaan mo na." Si Pharixtel.
"Matresa, bumalik ka rito!"
Tsk.
"Matresa, I'll make you cry someday!"
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
She Caught My Attention
Romance°•it's my first time writing a story so please don't hate me•°