chapter 3

17 1 0
                                    

Title: She Caught My Attention
Author: Ayesha suson
•Chapter 3•

Mathrizea's POV

"WHAT?!" Sigaw ng baliw at parang mababaliw pa siya ng tuluyan. Tsk, makasigaw akala mo babae.

Ako dapat ang magreklamo, 'di ba? Kasi, magiging amo ko siya. Tsk. Do you think that I'm happy? Sa gano'n? Never.

"Oh, gulat ka?" Mahinhin kong tanong rito habang inaayos ang mask sa aking mukha.

Hinarap ako ni Zades. Tinaasan ako nito ng kilay at tiningnan ako mula paa hanggang ulo. "Pft. I was shocked becaus--"

"K." Sagot ko na lang saka na pumunta sa kusina.

"Aba, lola! Did you see that?! She ignored me!" Galit na galit nitong sumbong. Malamang ay yari na naman ako nito kay Madame Malicia. Hays.

"Mathrizea!" Sigaw ni Madame Malicia.

Tamad akong bumalik sa sala saka ito tiningnan sa mata. "Yes ho?"

"Why are you ignored my grandson?" Masungit niyang tanong sa akin. Ang sarap isagot ng 'It's not my fault, Madame' pero dahil may takot ako at amo ko siya. I respect her.

"Sorry, Madame, sad'yang gagawa lang talaga ako ng gawaing bahay. I don't have time to talk with him."

Mukha namang sumang-ayon ito. "Say sorry to him."

Tiningnan ko si Zades. Nakangisi ito sa akin. "S-Sorry..." Kinakabahan kong sabi. "S-Sir..."

Attitude ako, hindi lang halata.

"Good," ngising aso ang loko. Tsk. Tatalikod na sana ako nang muli siyang nagsalita. "My yaya."

Hindi ko na iyon pinansin dahil wala naman akong paki. And yes, yaya lang ako rito. Hindi niyo na kailangan malaman ang kwento ng aking buhay dahil tamad ako magkwento. Nagsasarili akong sikap, nag-aapartment lang ako. Doon ako nakatira, saka may sarili naman akong mundo na hindi na kailangan pang makisalamuha sa marami.

"Hoy! Tria!" Tawag sa akin ni ate na maid rin naman sa Mansion na ito. Humarap ako rito habang naghuhugas ng mga pinggan. Hindi pa ako nakakapagpalit ng damit.

"Ho?" Magalang kong sagot.

"Aba'y bilisan mo diyan! 'Wag makupad, magluluto ka pa dahil nandiyan si Sir Zades."

Paki ko? Char.

Nagmadali na ako sa aking ginagawa hanggang sa matapos. Tinanong pa ako ni manang kung bakit pa ako nakamask, e, nandidito naman na ako.

Sinagot ko na lang na busy at mamaya na mag-aasikaso sa sarili dahil nandiyan daw si Sir Zades kuno.

Kaklase ko lang 'yan, e.

Zades POV

"Good morning!" Sigaw ko sa loob ng aking kwarto saka na bumaba para kumain. Nakita ko si mom na kumakain na rin.

"Morning, son." Bati nito sa akin habang nasa cellphone ang kaniyang paningin.

"Same as you." Sabi ko na lang at kumain. Habang kumakain ay hindi ko makalimutan ang nangyari kahapon.

Hindi ko kasi maisip na magiging yaya ko si Mathrizea. Hehe. Bakit ba 'ko tuwang tuwa? Panget, flat at small person, siya 'yan, plus wirdo. King inang babae 'yan. Nakakawalang gana kung iisipin.

"Sino kasabay mo?" Tanong nito sa akin.

"Nothing, mom," sagot ko na lang.

Matapos kong mag-asikaso sa aking sarili ay lumabas na ako. Sumakay na ako sa aking kotse, I have student's license.

She Caught My AttentionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon