Chapter 16

6 0 0
                                    

Title: She Caught My Attention
Author: Ayesha suson
•Chapter 16•

Mathrizea's POV

"Ang kati naman ng damit na 'to." Irita kong sabi at kinakamot pa ang aking katawan. Parang hindi nilabhan ang isang mahabang damit nito dahil sa irita na binibigay sa katawan ko.

"Tanggalin mo kaya mask mo?"

"Ayoko." Sinamaan ko ito ng tingin.

"Easy, sinasabi ko lang para naman gumanda project natin. Ang hina pa naman magbigay ng grado si sir Gomez." Anito at ngumiti. Tsk, wala naman akong paki sa mapuputi niyang ngiti.

"Maid!" Sigaw ni Pharixtel. Agad na may dumating na babae. Straight ang buhok nito at parang pagod dahil sa kitang pawis nito at madahang paghingal. "Videohan mo kami, huh?"

"Y-Yes, sir. Ano ba gagawin niyo? 'Wag niyong sabihing... Nako, sir, hindi ko ibababa dignidad ko sa ganiyang baga---" Naputol ang sinabi nito ng magsalita si Pharixtel.

"May gagawin kaming project. Kung ano-anong iniisip mo." Baling nito sa maid, "Math, kabisado mo na ba?" Tanong nito sa 'kin.

Tumango-tango na lang ako.

Madali lang naman ang kabisaduhin ang linya ko dahil hindi naman masyado mahaba.

"Lights, Camera, Action!"

"Aking mahal na Alunsina, ako'y aalis muna. May kaguluhan kasi nangyayari sa ating nasasakupan, aayusin ko muna ito. Babalik din ako kaagad." Wika nito. Randam ang emosyong bumabalot sa bawat salitang sinasambit nito.

Pagkatapos ng linya niya ay umalis ito.

"Hangin! Lumapit ka. Mukhang may gagawin ang aking asawa na nakakapanghinala. Inuutusan kitang--- pfftt... Ehem, ehem." Uno ko dahil sa matinding tawa.

"Anong nangyari? Tapos ang seryoso pa ng mukha mo habang sinasabi 'yon ni emosyon sa salita ay wala rin. With feeling naman." Nguso sa 'kin ni Pharixtel.

Huminga na lang ako mg malalim at muling nagsalita. ""Hangin! Lumapit ka. Mukhang may gagawin ang aking asawa na nakakapanghinala. Inuutusan kitang sundan at matsagan ai Tungkung Langit, at sabihi---" Natigilan ako dahil sa pagsalita ni Pharixtel.

"With feelings. Para kang robot na kinulangan sa baterya. Gusto mo kiss ko para magkaroon ka ng energy?" Tanong nito sa 'kin.

"Aba, ikaw kaya rito. Tignan natin kung matagalan mo 'tong damit na 'tong kating-kati na 'ko." Lumapit ako rito at dinuro siya.

Nagulat ako ng biglang maapakan ang mahabang laylayan ng damit ko at hindi sinasadyang mapahawak kay Pharixtel. Sa kabutihang palad ay nasalo niya 'ko't nahawakan sa likod kaya hindi ako bumagsak.

Nakaharap ako sa mukha nito ng seryoso. Ni kurap ay hindi namin nagawa. Hindi ko namalayan na matagal na 'kong nakahawak sa mga braso niya't pinagmamasdan ang repleksyon sa mga mata nito.

Mabilis akong kumalas sa pagkakahawak nito at tumayo sa sarili kong paa.

Hindi ko alam pero parang nang-iinit ang mga pisnge ko. Pinunasan ko ang likidong bigla na lang tumulo sa aking noo.

"S-Sorry, ulit na. T-Take two!" Parang naiilang na sabi ni Pharixtel habang pinapagpag ang damit nito.

Zades POV

Habang naglalakad ay may humarang sa daan ko na babae. Ang malaki nitong salamin at ang brace nito ang namumutawi sa kaniyang mukha. Siya si Jannex the nerd. I don't know her name but 'yan ang bansag nila kay Jannex.

"'Diba m-may p-project tayo?" Ilang nitong sabi. 'kin.

"Ah, 'yon ba? Bukas na lang." Sabi ko at lumihis sakaniya. Kinindatan ko muna ito bago maglakad palayo sakaniya.

Rinig ko ang impit na tili nito bago makalayo. Bakit hindi gano'n si Matresa kapag kinindatan ko? Tomboy 'ata 'yon e. Halata naman.

•••

"Good afternoon, lola." Bungad ko may lola na nagkakape pa.

"Oh, grandson, hindi mo sinabi na pupunta ka dito. Nagpaluto sana ako ng paborito mong pagkain." Lingon nito sa 'kin.

"It's okay, lola. By the way, where's Matresa?" Tanong ko kay lola na ikina-urong ng dila ko. Bakit ko naman itatanong kung nasaan si Matresa? Paki ko ba sakaniya. Tiyaka, hindi alam ni lola kung sino si Matresa, alam niyang lang Matrizea. Lol

"Who's, Matresa? Oh, si Mathrizea?"

"Uhm, yes."

"Oh, umalis siya't hindi ko alam kung saan. Hmmm... Guess what?" Sumimsim muna si lola bago magsalita, "you have new yaya."

"What? Matanda na 'ko, 'la. Kaya ko na sarili ko. 'Di ko na kailangan ng yaya." Pilit ko kahit alam kong si lola pa rin ang masusunod.

"But, grandson, babantayan ka lang niya. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag may nangyari sayong masama." May lungkot sa boses nito.

Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ko kayang makipag-talastasan kay lola dahil siya't siya pa rin ang mananalo sa huli.

Pumunta na lang ako sa kusina at kukuha ng malamig na tubig upang mahimasmasan.

"Hello, sir Zades, ehe ehe. I'm Kainella Agustin, 17 years old. From, Philippines!" Biglang lumitaw sa harap ko ang isang babae. Mapulang lipstick at mapula ring blush-on ang namumutawi sakaniyang mukha.

Hindi ko gusto ang babaeng parang sinapak sa kalye dahil sa kapal ng make-up. Para kasing sumasakit ang mata ko dahil sa sampung layer ng make-up nito. Gusto ko 'yong simple lang like Ma--Allithea. Allithea is so simple but beautiful.

Napangiti ako sa aking iniisip.

"Not me. Wala akong mabibigay sayo."

"B-But--"

"No buts. Let go from me. Tsk." Mabilis naman itong lumayo sa 'kin dahil na rin 'ata sa takot.

Napagpasyahan ko na lang na pumunta sa bahay ng kaibigan ko. Tumungo na 'ko sa sasakyan ko at nilandas ang daan patungo sa bahay--- parang kastilyo ni Pharixtel.

"Good afternoon, sir Zades." Bati sa 'kin ng guard at pinag-buksan ng gate. Tumango na lang ako upang maipakita ang pagtugon sa kaniyang bati.

Maraming nagtitilian at nagbubulungang mga maid but hindi ko na lang sila pinansin. Katulad na lang ng laging akto ni Matresa--- yuck! Ba't ko ba siya iniisip.

Habang naglalakad sa hallway ng bahay ni Pharixtel ay may naririnig ako na nagsisigawan. Hindi dahil sa galit kung 'di dahil sa saya. Sobrang lakas ng halakhak na umaalingangaw sa buong pasilyo.

Nasa tapat na 'ko ng pintuan. May nakalagay roon na Pharixtel's Room. Tatlong beses akong kumatok at pinagbuksan ako ng isang maid ni Pharixtel.

Tumingin ako sa likod niya.

Awtomatikong nanlaki ang mata ko nang makita si Matresa na nakasuot ng magandang gown, hindi pa rin naman nawawala ang mask nito at salamin.

But...

For me, it's beautiful.

Nabaling ang atensyon ko kay Pharixtel na tuwang-tuwa sa pinag-uusapan nila ni Matresa. Nakakamangha, nakakatawa... Nakakakirot.  No!

Hindi ko alam pero parang may humahagis sa 'kin ng ilang beses na babasaging bote. May kirot na hindi ko maintindihan. May kirot na hindi ko alam kung saan galing. May kirot na parang ngayon ko lang naramdaman.

Bakit gano'n? Sa pagtingin ko sa mata ni Matresa na masaya at mukha ni Pharixtel na gano'n rin siya. Parang sa mata nila'y sa k'wentong ito, ako ang extra at silang dalawang bida.

Itutuloy...

She Caught My AttentionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon