Title: She Caught My Attention
Author: Ayesha suson
•Chapter 14•Mathrizea's POV
"Magbihis ka na." Kaswal kong wika kay Zades. Kita ko ang paglaki ng mata nito na parang nagulat sa sinabi ko.
"W-What? S-Sa harap m-mo?" Naiilang nitong tanong.
"Magluluto na lang muna ako ng lugaw. Halata namang malamig na 'yang isa." Sabi ko na lang at tumalikod.
"Matresa, tigilan mo nga 'yang ganyang salita mo. Para kang robot since birth." Sigaw nito sa 'kin. Patalikod akong umirap.
"Mind your own business, Sir." Huli kong sinabi at hindi na siya pinakinggan. Wala naman akong pakielam sa tugon niya. Tsk, pakielamero talaga.
"Hello po." Bungad ko sa babaeng kasing edad lang ni Manang Lorna (mayordoma).
"Ah, ikaw ba 'yong gerlpren ni Zades? Ako nga pala si Linda, mayordoma dito sa bahay ni ma'am Zianne." Tumango-tango na lang ako.
Sinabi ko na rin kay Manang Linda kung ano lulutuin. Sobrang linis ng kusina nila pero mas malinis 'yong Mansyon ni Madame Malicia kasi ako tagalinis do'n, at the same time, taga-luto (minsan).
Hindi ko na namalayan ay nahawak ko na ang isang bowl at nakatapat na sa pinto. Unti-unti kong binuksan at nakita kong walang saplot na damit si Zades. Wala akong ginawa at nakatitig lang sakaniya na nagsusuot.
"Tss." Napansin nito ako.
Parang natigil ito at pinilit suotin nang mabilis ang damit niya. Kita ko ang maliit na punit ng damit nito dahil sa mabilis at pinilit na suotin ang damit niya. Nagpa-panik 'ata. Para saan naman? Buto-buto lang naman ang katawan.
Napagulong ito sa queen size na kama niya at bumagsak ng malakas sa lapag. Hindi ko alam kung masakit pero may nakahaplag na parang cotton (hindi ko lang alam kung malambot).
"Aww!"
And I realized that it isn't soft. Poor, Zades. Pfftt... Gusto kong tumawa pero katulad nga ng sinabi ko, wala akong paki.
"Tulungan mo 'ko, Matresa!" He shout. Hindi ko alam kung pa'no siya tutulungan dahil alam kong matigas ang katawan nito (medyo payatot nga lang).
"Matanda ka na." Walang emosyon kong tugon sa sigaw nito. Ibinaba ko na ang bowl ng lugaw at inilapag ito sa table.
"What the fcking hell, Matresa!" Sigaw nito habang pilit na tumatayo. Mas pinilit pa nito na punitin ang wha--- It is Gucci! Ang alam ko ay nagkakahalaga ito ng 7k+, para sa 'kin mahal na 'yon at p'wede ng pangkain ng ilang buwan o taon hindi na lang tulad sakaniya na mayaman. Afford na afford at kayang palitan.
"Tigilan mo 'yan, Zades." Kalma kong sabi rito.
"I don't fucking need your opinion. Just help me. Fuck this!" Mura nito.
Parang nakakapantig sa tenga ang bawat mura nito. Parang pinaglihi sa demonyo ang bibig, karindi! Sama mo na rin siya.
"Hindi kita tutulungan diyan. Mag-sorry ka muna ng apat na beses." Tugon ko rito at ngumisi ng palihim.
"Aba, binilang mo pati mura ko? Bakit mo 'ko inuutusan? Yaya ka dito, hindi boss. Naiintidihan mo, Matresa? Boss ako dito at ikaw ang yaya!" Anito.
"Okay, bye, boss." Sabi ko at akma ng aalis.
"Wait!"
"Oh?
"S-Sorry."
"And?" Taas-kilay kong tanong kahit hindi ito tinitignan.
"Sorry."
"So--rry."
"Then?" Nasa ere pa rin ang kaliwa kong paa't iniintay ang sunod nitong sasabihin.
"Hays, Sorry." Halatang napipilitan.
Hindi ko alam kung bakit ko 'to pinapagawa sakaniya pero hindi ko rin kaya i-apply sa sarili ko. Pfftt... Uto-uto.
Mabilis akong kumilos at lumapit sakaniya. Tinulungan ko itong makaalis sa pagkabuhol sa damit. Para siyang sanggol na kailangan ng tulong ng mas nakakatanda sakaniya.
Nagulat ako nang bigla akong hinigit ni Zades. Hindi ko namalayan na nakaharap ako sakaniya. Kita ko ang maliit na distansya sa mukha naming dalawa.
Mabilis akong lumayo rito at lumayo ng tingin. May kung anong hindi ko maintindihan na dumaloy na kuryente sa mata namin. No, wala akong paki.
I just shook my head and forget what happen. Nakakadiring pangyayari ang paglapit ng mukha namin ni Zades (lalo na't alam kong bakla siya).
"Kaya mo na 'yan." Sabi ko. Hindi naman ako nagkamali't nakaalis na ito sa pagkakalugmok sa katangahan.
"You---" Duro nito ngunit napahinto ito at tumingin sa likod ko. Unti-unti akong napatingin sa likod. Kita ko ang mukha ni Manang Linda. Tulala ito't nabitawan ang dala niyang timba na may malamig na tubig at may panyo.
"Jusko, ano ng nangyayari sa mga kabataan ngayon?!" Wala sa sariling sigaw nito. Nagulat ako ng mawalan ito ng malay at napahiga sa lapag.
Mabilis akong lumapit rito at inilalayan siya. Pinilit ko ito kargahin ngunit hindi nakayanan ng katawan ko.
"Tulungan mo 'ko." Hiling ko kay Zades kaya mabilis itong kumilo palapit kay manang.
Kinarga niya ito papunta sa kama at inihiga ro'n. Kumuha na rin ako ng tubig upang maipa-inom kay Manang Linda.
Hindi ko alam kung bakit siya hinimatay. Ang tanging alam ko lang ay nakita niya kaming dalawa ni Zades and (boom) nahimatay siya.
"Ikaw may kasalanan nito, Matresa. Nakita niya ang pangit mong mukha." Baling sa 'kin ni Zades.
"I see."
"What?!"
"Bingi, tsk." Sabi ko na lang at pinaypayan si manang gamit ang palad ko kahit na may malamig na aircon.
"Haay, jusko." Namulat na ang mata ni manang ngunit nahimatay ito muli ng makita si Zades.
"Magdamit ka kaya, Zades." Baling ko rito. Natatakot ata sa katawan ni Zades, ni wala ngang abs o muscle. Tsk, as if i care.
Muli itong gumising.
"Hay na 'ko, Zades. Anong ginagawa niyo ni Mathrizea sa k'warto? Tapos wala ka pa damit. Nako namang bata ka!" May galit sa boses ni manang Linda.
"Nagdadamit kasi ako, Manang." Si Zades. Nakamot pa ito sa ulo niya (dugyot) at napanguso. "Wala ng nangyari na iba."
"Aba'y grabe naman talaga. Naghubad at nagbihis ka sa harap ng dalaga na ito." Napaface-palm na lang ang matanda dahil sa pagka-dissapoint sa nalaman.
Parang hindi na siya mapapakiusapan at pinipiit ang nakita niya.
"Nagbibihis siya ng pumasok ako. Hindi siya naghubad sa harap ko, manang."
"Eh, bakit nakahubad si Zades tapos kasama ka pa?"
"May nangyari po kasi." Si Zades.
Nanlaki ang mata naming dalawa ni manang Linda. Ano na namang sinasabi ni Zades na may nangyari-- sa 'min? NO WAY! Hindi ko maisip na may mangyayari sa baliw na 'yan.
Inuulit ko, no way!
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
She Caught My Attention
Romance°•it's my first time writing a story so please don't hate me•°