Title: She Caught My Attention
Author: Ayesha suson
•Chapter 13•Zades POV
Wala na akong choice kundi ang sumang-ayon na si Matresa ang mag-aalaga sa akin. Ang kasama ko ngayon ay si Allithea, tumayo ako kaya dali dali siyang umalalay.
"Saan ka pupunta?" She asked.
"Magpapalit lang ako ng damit." Nang marinig niya ang aking sinabi ay lumayo layo naman na ito. Naghanap na ako ng damit sa closet. Matapos kong maghanap ay dumiretso na ako sa banyo.
Napahawak pa ako sa pader dala ng hilo. Hays, saan ba 'ko nagkasakit? Napatingin pa ako sa salamin, tinitigan ko roon ang aking mukha. Matamlay ang aking mga mata. Muli akong napabuntong hininga.
Matapos kong magpalit ng damit ay nagtoothbrush na ako. Sa paglabas ko, si Pharixtel ang una kong nakita, sunod si Allithea. Saan si Matresa?! Akala ko ba aalagaan niya ako?! Tsk!
Inis akong humiga sa aking kama. Tinuon ko na lang ang tingin ko sa kisame. Maya maya ay darating naman na si mom kaya siya na ang mag-aalaga sa akin.
Good. Good.
"Where's lola?" Basag ko sa katahimikan.
"Si Mathrizea ang pinadala niya rito and I don't know why?" Si Pharixtel.
Hindi naman ako magtatampo kung hindi nakapunta si lola. Siya naman kasi lagi ang nag-aalaga sa akin simula pagkabata. Baka lang busy siya o kaya may masakit sa katawan.
"Uhm, Zades.." Napatingin ako kay Allithea nang tawagin ako nito.
"What?"
"Kailangan ko na kasing umuwi, e. Hinahanap na 'ko sa bahay."
Napatingin ako sa aking bintana. Magtatakip silim na. Muli akong bumaling rito. "Sure. Thank you.."
"Welcome.." Tugon nito saka tiningnan si Pharixtel.
"Uhm, ihahatid ko pala siya then diretso na 'ko sa bahay. Okay ka lang ba rito? Hindi naman kayo magpapatayan ni Matty, 'di ba? Call me kung may problema rito, ah?" Seryosong sabi ni Pharixtel na nag-aalin langang umuwi. Parang napipilitan lang siya.
"Sure.." Pilit kong ngiti rito. Doon na sila lumabas kaya ko na lamang ang natira. Hays.
Ilang minuto pa ang nakalipas nang biglang bumukas ang pinto at doon pumasok si Mathrizea na may dalang bowl. Ayokong kumain baka may lason iyon.
"Kumain na daw kayo, sir.." Lumapit ito sa akin. Nilapag niya ang bowl sa lamesa saka ako tiningnan.
"Ayoko." Matigas kong sabi rito. "Kaya ko sarili ko, umuwi ka na."
"Kumain na daw kayo, sir.."
"Ayoko nga!"
"Kumain na daw kayo, sir."
"Wala ka na bang alam na sabihin?! Sabing ayoko nga, e!" Bigla kong tinabig ang bowl na nasa lamesa at kita ko kung paano ito matapon kay Matresa.
Tumapon ito sa kaniyang jacket saka sa paa. Akala ko ay masasaktan siya, dadaing o kaya sisigawan ako ngunit bigla itong umupo saka nilinis ang ginawa kong kalat.
Lumabas na naman ito ng walang pakialam. Nawala ang kunot sa aking noo, ewan ko. Parang may humahaplos sa aking puso pero naiinis ako! Naiinis ako sa babaeng 'yon!
Muli, muling bumukas ang pinto at nakita ko si Matresa na nablouse na lang. Tinanggal niya ang kaniyang jacket. Wala na siyang dala, siguro ay ayaw na rin akong pakainin, ayoko naman talaga.
Umupo ito sa upuan, ang mga tingin ay nasa bintana ko lamang. Hindi ito tumitingin sa akin.
"Can you release your mask?" Bigla kong sabi kaya napabaling ito sa akin.
Tumitig siya sa aking mga mata ng ilang segundo saka sumagot. "Isa ka rin ba sa nacucurious kung anong itsura ko?"
Nabigla ako roon pero hindi ko pinahalata. "N-No, g-gusto ko lang makita.."
Tumayo ito mula sa pagkakaupo at saka ako nilapitan. Nagulat pa ako ng ilapit niya ang kaniyang mukha sa banda kong taynga. "Huwag mo nang naisin." Doon na siya lumayo.
"Why?" Bigla kong tanong. "Anong mayroon diyan sa mukha mo?! Bakit ayaw mong ipakita?!"
"Masyado kang maraming tanong, huwag kang pakielamero. Ilang beses ko bang sasabihin na mind your own bussiness. Wala akong tinatago sa aking mukha pero parang gano'n na nga."
"What?!" Med'yo sigaw kong sigaw. Wala daw tinatago pero parang gano'n na nga? Ano ba?! "Magnanakaw ka ba?! Killer?! O ano?! Kaya ka nakamask? Tinatago mo ang mukha mo."
"Psh." Bigla siyang napasinghal. "Hindi ko maisip sarili ko diyan, kung iyan nga ako sa mga 'yan. Bakit pa ako mag-eeffort na itago ang aking mukha, e, kung pwede namang magpahuli na lang para iwas problema. Tsk."
"Eh, bakit hindi mo tanggalin 'yang mask mo? Ano ba talagang dahilan?"
"Iisang tao lang naman ang dahilan kung bakit ako nakamask." Kaswal niyang sagot saka muling bumalik sa kaniyang pagkaka-upo.
"Who?"
"Kilala mo pero mukhang hindi ako kilala." Kinabahan ako sa kaniyang sinabi. Bakit parang pamisteryoso ito? Sino namang kilala ko na pagtataguan niya ng mukha?! Argh!
Kung si Pharixtel? No, matagal na kaming magkaibigan. Siya ang panganay, may kapatid siya pero bata pa.
Kung si Allithea? I know na nag-iisa lang siyang anak. Wala rin naman siyang nai-kwento sa akin.
Fuck, sino?! Wala na 'kong kilala.
"Pinagloloko mo ba 'ko?!" Galit kong sigaw sa kaniya.
Nangunot na naman ang kaniyang noo ngunit biglang pumikit. Bwisit.
"Sumagot ka!"
"Mukha ba 'kong manloloko?" Huta?
Nagtimpi na lang ako sa babaeng ito. Pinikit ko na lamang ang aking mata saka nagrelax. Kapag mangungulit pa ako rito ay wala naman akong makukuhang sagot. Pamisteryoso.
Mga ilang oras pa ang nagdaan, wala talaga sa aming nagsasalita. Mukhang sanay si Matresa na tahimik, ni hindi nga ako nagagawang kausapin o tanongin. Nakaupo lang talaga siya. Minsan ay nakakaramdam ako ng awkward pero binabalewala ko na lang.
Sabay kaming napatingin nang magbukas ang pinto. Napangiti ako nang makita ko si mom. Bumangon agad ako sa kama.
"Mom," masigla kong tawag sa kaniya.
"Son." Lumapit ito sa akin saka ako hinalikan sa pisngi. Naramdaman ko naman ang kamay niyang dumampi sa aking noo. "Are you feeling better?"
"Okay naman ho."
"Goo--" Napatigil ito sa pagsasalita nang makita si Matresa. "Hello, hija. What's your name?"
"Mat--Matty."
"Nice name.." Tumatango si mom. "Kaano ano mo ang aking anak?" Ngumiti si mom ng matamis rito.
"Classmate."
"Wala ng ib--"
"Mom!" Angal ko agad dahil may pinaparating ang kaniyang sinasabi.
"Why, son? I'm just asking who is she."
"Okay." Tamad ko na lang sagot.
"Gusto mo dito ka na lang magkabigahan, M-Matty?"
"Hindi na ho," magalang niyang sagot saka tumayo.
"W-Why?"
Tinitigan ako ni Matresa sa mata saka ngumisi kahit alam kong nakamask. "Mukhang mababaliw na po anak niyo sa akin." Saka na siya lumabas.
Nanlaki ang mata ko roon. Mayabang! "H-Hoy! A-Ang taas ng tingin mo s-sarili mo, Matresa?!"
Fuck!
"You're defensive, son." May nakakalokong ngiti sa labi ni mom kaya sumimangot ako.
"She said that she just my classmate, mom!"
"It's just a class--"
"Mom!"
"Okay, okay, I'll stop."
Bwisit na, Matresa. Kung ano ano tuloy na-iisip ni mom!
Itutuloy....
BINABASA MO ANG
She Caught My Attention
Romance°•it's my first time writing a story so please don't hate me•°