Chapter 7

7 1 0
                                    

Title: She Caught My Attention
Author: Ayesha suson
•Chapter 7•

Mathrizea's POV

Binuksan ko ang pinto ng aking apartment. Isasara ko na sana iyon nang biglang itulak ni Zades ang pinto at walang pasintabing pumasok sa loob.

Takte!

"Hoy!" Sigaw ko sa kaniya. Nasarapan pa siyang umupo sa single sofa. Takte.

Feel at home ang boss niyo.

"Bawal ang lalaki rito!" Sigaw ko sa kaniya.  Tiningnan lamang ako nito saka hindi pinansin. Aba, attitude 'to, ah? Ginagaya ako!

"Hoy." Mahinhin pa rin ang aking pagkakasabi. Pinipigilan ko ang aking sarili na mapikon.

"Wow naman, ma'am," sarkastiko niyang sabi. "Matapos kitang ihatid para hindi ka mabasa tapos ngayon? Papasulongin mo 'ko sa malakas na ulan na iyan?! Baka nakakalimutan mong nasa school ang kotse ko."

Natahimik ako roon, tumingin ako sa labas ng bintana. Malakas nga ang ulan, hays. Wala akong magagawa sa kagustuhan nito. 'Wag lang siya maingay, bawal talaga ang lalaki rito.

Tumayo si Zades at nilibot ang paningin. "Dito ka nakatira? Sa mainit? Maliit? At maalikabok?"

Hindi ko siya pinansin. Gusto ko siyang sagotin na 'Mainit, maliit at maalikabok pala, e. Bakit ka nandidito?'  Kaso 'wag na, alam niyo naman ang kakahantungan, walang katapusang usapan. Titigil lang iyon kapag hindi ko na siya pinansin.

"Tanggalin mo na 'yang mask mo, tayo lang naman ang nandidito."

Tininganan ko lamang siya at pumasok na sa kwarto para magpalit ng damit. Basa kasi ako. Tutal hapon naman na, nag-panjamas na lang ako at sando. Pumasok ako sa banyo at nagpalit.

Bago ako magtoothbrush ay tinanggal ko muna ang mask, tinitigan ko ang aking mukha sa salamin.

Umiinit ang aking dugo!

Nagtoothbrush na ako hanggang sa matapos. Naghanap ako sa cabinet ng mask, sinuot ko iyon at doon na lumabas. Nakita ko si Zades na nakaupo habang malalim ang iniisip.

"‘Di ka pa uuwi?" Tanong ko rito.

Dahan dahan niya akong tiningnan. Naiilang ako rito dahil grabe makatingin, naiwan pa ang kaniyang paningin sa aking mukha. Marahil ay nagtataka. "Bakit ka nakamask? Eh, nandidito ka naman na?"

Ano bang problema niya kung nakamask ako? Mind your own bussiness, sir.

"Umuwi ka na," saka na ako tumalikod. Pumunta ako sa lamesa at nagtimpla ng gatas. Kakatoothbrush ko lang pala. "Nagugutom ka?"

Napatingin ito sa akin saka nag-ukit ng ngiti sa kaniyang labi. "Oo!" Masigla niyang sagot.

"Bumili ka." Doon ko na ininom ang gatas na aking tinimpla. Isang tunggaan ko lang iyon dahil hindi naman mainit.

"Tss," singhal ni Zades. "Tatanong tanong hindi naman pala magpapakain."

"Hindi ako free ngayon." Walang emosyon kong sagot sa kaniya.

"H-Hoy! A-Anong sabi mo?! A-Ang bastos ng bunganga m-mo!" Bastos? Pero nauutal? Tsk. "Pero pwede ri--No! No! No! No!"

Baliw na. Tsk.

"Hayst!" Kita kong napasabunot siya sa kaniyang sariling buhok. " Nakakairita kang babae ka! Nakasando ka na nga't lahat lahat! Flat ka pa rin!"

What the! So, kanina niya pa tinitingnan ang dibdib ko?! Punye!

Pinaningkitan ko siya ng mga mata, alam kong kita niya iyon kahit may bangs ako. Nilapitan ko siya, pagkarating ko ay tumayo rin ito. Hutek, nakatingala ako samantalang siya ay nakayuko. Bakit kasi ang liit ng mga biyas ko?

She Caught My AttentionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon