Chapter 10

5 1 1
                                    

Title: She Caught My Attention
Author: Ayesha suson
•Chapter 10•

Mathrizea's POV

Minulat ko ang aking mata ng marinig ang ilang dabog na nagmumula sa kung saan. Parang kahoy na pinupukpok.

Nakita ko si Zades na pinupukpok ang pintuan ng C.R. Natatakot na naman siguro ang lalaki na 'to. Agad akong tumayo at pinagmasdan siya.

Tagaktak ang pawis. Desidido na talaga ang lalaki na 'to na lumabas. Bumaba ang tingin ko sa mata nito. Parang tsokolate ang kulay ng mata nito. Nag-iba ako ng tingin.

"Tulungan mo 'ko dito, Matresa," Baling nito sa 'kin. "Tulong!" Sigaw nito.

Napasandal na lang ako at humalukipkip.

"Tamad ka talaga."

"I see."

"What?!"

Biglang bumukas ang pinto at natamaan nito si Zades. Napadaing ito dahil sa banda ilong ito natamaan.

"O. M. G. Magkasama kayong dalawa?!" Bungad ni Herizyn sa 'min sa pagbukas ng pinto.

"Oo, ang sakit ba ng gi---"

"A-Anong ginawa niyo diyan?" Tanong nito at parang nanlulumo pa. Tsk

"Wala." Maikli kong tugon at nilagpasan ito.

Ngunit, napaigting na lang ang panga ko ng bigla niyang angkinin ang buhok ko't hilahilahin. Fvck, this!

"Hoy, tama na 'yan." Awtomatikong napabitaw si Herizyn sa buhok ko dahil sa boses ni Zades.

Randam ko ang kirot ng anit ko dahil sa ginawa niya. Pero, nanatili akong kalmado. Kinuyom ko na lang ang kamao ko upang hindi siya mapaghigantian.

"Herizyn?" Malamig kong sabi. "Naiinggit ka ba kasi nakasama ko si Zades? Baka mamatay ka pa kung sinabi kong..." Binitin ko.

"Ano?!" Galit nitong singhal sa 'kin.

"May nangyari sa 'min." Dugtong ko na alam ko namang nais niya.

Kita ko ang pagluwa ng mata ni Herizyn gawa ng sinabi ko.

"WHAT THE HELL!"

Mabilis akong tumalikod sakanila. Iniwan ko silang tulala at hindi na nakakamove-on sa sinabi ko.

Nice one, Tria.

Papasok na sana ako sa room ni Miss Alesandra ng marinig ko ang hiyaw ni Mr. Gomez.

"Alam niyo ba class? Nilock ko ang isa sa mga estudyante ko na inistorbo ang klase ko? Kaya kayo, 'wag niyo ko subukan." Sigaw nito at humakhak. Pati na rin ang mga estudyante niya ay tumawa na rin.

Agad kong binuksan ang pinto ng room at walang permisong pumasok sa loob. Nahinto sila sa pagtatawa pati na rin si Gomez ay biglang natulala sa 'kin.

"So, kagagawan mo?" Matigas kong sabi.

Magtimpi ka, Tria.

"Anong karapatan mo at inistorbo mo muli ang klase ko?"

"Ano rin karapatan mo na ikulong ako." Ganti ko.

"Estudyante ka lang, guro ako!" Singhal niya. "Kung gugustuhin ko ay mawawala ka rito." Dagdag niya.

"Oo, estudyante ako. Ikaw, guro ka nga, pero mukha ka kang UNEDUCATED na tao." Huli kong sinabi at nilisan na ang room niya.

Tumungo na lang ako sa canteen at naghanap ng mabibili. Canteen lang naman ito ngunit tinatawag nilang Cafeteria. Wala namang pinagkaiba. Tsk, bakit nga ba akong nangingielam? Wala naman akong pake!

She Caught My AttentionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon