Chapter 12

8 0 0
                                    

Title: She Caught My Attention
Author: Ayesha suson
•Chapter 12•

Napa-igting ang panga ko nang makatanggap ako ng isang sampal mula kay Herizyn. Parang nanggigigil ito na hindi ko naman alam kung saan. As if I care.

"Pinahiya mo ulit si Zades my love!" Sigaw niya.

Nakita kong napukaw ni Herizyn ang atensyon ng lahat. Tsk, bida-bida kasi.

"So?" Ani ko na hindi man lang iniinda ang sakit. Wala naman masakit. Parang sanggol nga lang ang sampal sa 'kin. Sabagay, bata-isip.

Akma na akong sasampalin ni Herizyn nang mahuli ito ng kamay ni Zades. Nagulat ito sa ginawa ni Zades kaya agad niya itong binaba at hinarap ang 'Zades my love' kuno niya. Umirap ito ng palihim sa 'kin.

"A-Ah, makikipag-apir lang ako kay Mathrizea." Mahinhing wika ni Herizyn kahit na ang totoo talaga ay sasampalin niya 'ko. Hindi naman bagay sakaniya ang maging Maria Clara. Kung Maria Labo puwede pa.

Hindi na 'ko kumibo at tumungo na lang sa upuan ko. Umupo na rin ang dalawa (nasa tabi ko pa rin si Zades). Wala akong pake.

Dumating na ang lecturer (si Gomez).

"Good mo--- Anong ginagawa mo rito Mathrizea Aztria Fortelio?!" Galit nitong sigaw sa 'kin kaya naman napatingin ang lahat sa 'kin. Tsk, ako na naman. Memakita rin.

"Alis na 'ko." Kaswal kong sabi at binitbit ang gamit ko. Kung ayaw niya sa 'kin, pwes may ayaw ko sakaniya.

"No. Actually, may special project tayo ngayon. Seat." Anito. Hindi na lang ako magsalita at umupo na lang.

Project: Gumawa ng film, ang babae ay si Alunsina at ang lalaki ay si Tungkung Langit.

"Naintindihan niyo? Mag-aacting lang kayo."

Ano na naman trip nito ni Gomez?

Carry Omanya, Justin Roxas
Hannah Dela Cruz, Rocco Mores
...
Herizyn Castilla, Danilo Versoza
Mathrizea Aztria Fortelio, Pharixtel Clavista
Jannex Defensor, Zades Eros Vuentero

Halos mangatngat na ang lapis ko dahil sa sobrang boring na pagsalaysay ni Gomez sa mga magka-partner.

"Pssttt..."

Napalingon pa ako sa sumitsit. Si Pharixtel lang pala. Tinaas ko ang kilay ko kahit hindi naman niya nakikita gawa ng bangs ko.

"Oh?" Tanong ko.

"Partner tayo." Ngiti nitong sabi.

"Pake ko." Napalitan ito ng pagkadismaya.

Natapos na ang walang kwentang klase ni Gomez kaya naman mabilis akong lumabas. Nagulat ako ng may humigit sa 'kin hindi pa 'ko nakaka-apak sa hall way.

"Matresa." Ngising wika ni Zades habang nakahawak pa sa braso ko. Kailan pa natripan nito na ngisian ako? Nakakamanyak.

"Ano?" Tanong ko.

"Bilhan mo 'ko ng chips, yaya." Nguso nitong wika sa harap ko.

"Hindi mo na 'ko, yaya. Lumayo ka na sa 'kin kasi ako lagi pinag-iinita--- nevermind." Sabi ko at tumalikod na rito. Hindi ko dapat sabihin sakaniya ang ginagawa ng lola niya sa 'kin kasi mas lalaki pa ang gulo.

Iniwan ko siyang lito at wala akong pake ro'n.

Zades POV

Anong problema ni Matresa? Nakakainis siya. Lagi niya na lang inii-snob ako. Bakit ba 'ko humihingi ng atensyon niya? Hindi ko naman kailangan.

What a kind of stupid. Hindi pinapansin ang isang Zades Eros Vuentero, tss. Kawawa, wala 'atang taste sa mga g'wapo.

Pinagmasdan ko na kang itong lumalayo.

She Caught My AttentionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon