Chapter 17

2 0 0
                                    

Title: She Caught My Attention
Author: Ayesha suson
•Chapter 17•

Zades POV

Inayos ko ang aking sarili, dapat hindi nila mapansin ang aking nararamdaman na pati ako'y naguguluhan. No, wala akong nararamdamang kakaiba. Wala. Siguro, baliw lang itong puso ko dahil sasakit na walang dahilan. Wala naman akong sakit sa pus--basta! Hindi ako nagseselo--No! Walang selos! Wala!

"Z-Zades..." Biglang sabi ni Pharixtel na halatang napatingin sa aking gawi.

Tiningnan ko ito ng walang emosyon. "Bakit magkasama kayo?" Iyan agad ang lumabas sa aking bibig na alam kong may kahulugan sa dalawang ito.

"Huh?" Naguguluhang sabi ng aking kaibigan ngunit may ngiting panunukso. "Remember? She's my partner, right?"

"Psh," napasinghal ako ng wala sa oras. Pumasok na ako saka umupo sa couch na malayo sa kanilang dalawa. Kahit naaakit ako sa ka-sexyhan ni Matresa ay binalewala ko ito. Iniwas ko ang aking tingin. "She's my yaya kaya dapat alam ko kung saan siya pupunta.." May inis sa aking boses. Pilit ko namang tinatago ang aking nararamdaman pero bakit gano'n? Mas lalo akong nagpapahalata.

"Yeah, she's your yaya but she know what's her doing.." Kontra ni Pharixtel sa akin.

"Kahit na!" Timpi kong sigaw. "Sana alam ko! Lalo na't ikaw ang pupuntahan!"

"W-Wait..." Napatingin ako rito. Seryoso ang kaniyang mukha pero maya maya ay napatawa. "Hahaha, you're jealous, dude! I know! I know you! You're jealous! Hahahaha!"

"No, I'm not."

"I know you're jealous! Hahahaha!"

"Pftt.." Mas lalo kong napasimangot nang alam kong nagpipigil ng tawa si Matresa. Kinuha niya ang kaniyang damit saka pumasok sa banyo. Mukhang magpapalit.

"Easy, dude. Nagpapractice lang kami, wala ka dapat pang ikaselos."

"Tsk, hindi ako nagseselos." Natahimik kaming dalawa. Alam kong kilala ako ni Pharixtel pero hindi nga ako nagseselos! Hindi! Indenial na kung indenial pero hindi nga ako nagseselos, e! Hayst!

"Mukhang mahihirapan nga ako..." Biglang sabi nito. Nagpaalam ang isang maid na halatang ito ang nagvivideo sa kanila. Lumabas na ito.

"W-Why?" Tugon ko.

"Hirap maglabas ng feelings si Matty. Ayaw niyang tanggalin ang kaniyang mask pero, okay lang iyon sa akin. Siguro, i-eedit ko na lang..."

"So, what's the problem?"

"Nothing, I can handle this."

"I see." Bigla akong napatakip sa aking bibig nang mapa-I see ako. The heck!

"Ikaw, ah?" May panunukso na naman siyang mga ngiti. "Nahahawa ka na kay Matty. Awieeee."

"Shut up!" Pagpapatahimik ko sa kaniya baka kasi marinig kami ni Matresa. Aba, lagot na. Baka kasi isipin niyang nahawa na ako sa kaniya. Psh.

Napatingin kaming dalawa ni Pharixtel nang lumabas si Matresa na nakajacket na kulay gray, may hood ito. Nakaleggings siya na halatang ayaw ipakita ang legs. Buti naman, dalawang lalaki kaya ang kasama niya rito.

Napatingin kaming tatlo sa bintana nang biglang umulan. Hayst. Bakit umulan pa? Kaya pala kanina pa walang sinag ng araw. Nilalamig rin yata itong Matresa na ito o baka trip niya lang talaga.

"Have you eat?" Tanong sa akin bigla ni Matresa na nagpatigil sa akin. Hindi ko alam ang aking irereaksyon. Sisigawan ba, maiirita o ngingitian dahil tinanong niya ako? Nagkatinginan pa kami ni Pharixtel, para rin kasing bago iyon sa kaniya.

She Caught My AttentionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon