PASUKAN NA NAMAN..
"ALYSSA.." patakbong habol sa kanya ni Blake...
Himihingal pa itong sumabay sa kanila ni Trishia at Clarise maglakad..
Sumasama ito sa kanya sa bahay after ng school nila para mag patutor sa kanya..
Tumatambay din ang dalawa niyang kaibigan sa kanila habang nagtututor siya kay Blake..
Nakita niya si Cedric naglalakad din pauwi habang nasa likod nila..
Mula nang mag tutor siya kay Blake ay lagi na itong naglalakad pauwi at nasa likod lang nila..
'baka naman sira ang motor niya', naisip nalang niya..
Lagi din itong dumadaan sa harap ng bahay nila habang nasa terrace sila.. hindi niya alam kung sino ang pinupuntahan nito gayong halos nasa dulong bahagi na ng subdivision ang bahay nila..
Minsan nga hindi pa ito nagpapalit ng uniform at dala pa ang bag nito.. Hindi naman kasi nagtatagal at bumabalik na din ito..
'baka naman nag lalakad lakad lang din'.. kibit balikat niya..
'atleast nakikita ko siya..' napangiti siya..NAGULAT siya pagpasok niya sa school, hindi magkandaugaga ang mga classmates niya..
"Anong meron.." tanong ni Marianne na nasa likod pala niya..
"Deadline ngayon nung research sa Language.." si Lexie na halos di tumitingin habang kinokopya ang nasa yellow paper na nasa desk nito..
Katabi nito si Iveanne at Chloe na nagsusulat din.. nakaharap din dito si Celine at Leah..
Nasa kabilang desk naman si Valerie at Laila, may yellow paper din na pinagkokopyahan. Nasa harap si Emman at Bryan..
Kagulo ang buong klase..
"Kanino yang kinokopya nyo..?" tanong niya at nakikopya na din nang iabot sakanya ang yellow paper na unang page na natapos ng mga ito.. Katabi niya si Marianne na nagsusulat na din..
"Kay Cedric.." balewalang sagot ni Lexie..
"Ha..?" Parang nahiya siya kaya lang wala na siyang choice dahil parating na ang professor nila..
Napatingin siya dito at nakita niya na nakatingin din sa kanya.. Nag yuko nalang siya ng ulo at pinagpatuloy ang pagsusulat..
Kagulo ang buong klase nila sa pagmamadali..
Dumating ang professor nila at lahat naman ay nakapagpasa..
Inisa isa nitong sinuri ang mga gawa nila at nkakunot noo na ito ng matapos..
"I'm glad na nakapag submit kayong lahat on time.. And im just surprised that every word and comma on all your report are all the same.. how come..? Iisa ba ang takbo ng utak niyong lahat.." galit na sabi ng English teacher nila..
"I want you all to repeat this in 1 week..at dapat may conclusion, at justification.. Hindi yung basta nyo nalang ginawa and don't even understand kung anong nilalaman nito.. it's up to you kung pano niyo gagawin, ijujustify and of course the testimony itself.. Para hindi kayo mahirapan, pairing ang gagawin natin.." disappointed na sabi nito..
Pinagpares nito ang klase nila, dun sa hindi nila close para pareho daw gumawa at magtrabaho..
"Alyssa, you will be pair to Cedric, your topic will be Animal Rights"
Nagulat siya sa sinabi ng teacher nila.. Natuwa siya at na excite...
Napatingin siya kay Cedric na nakatingin din sa kanya..
![](https://img.wattpad.com/cover/241850592-288-k484311.jpg)
BINABASA MO ANG
Longing for your Love (Completed)
RomanceAlyssa Cabrera, a smart and beautiful young girl who just fell in love.. to Cedric Castillo who happens to be the campus heartrob.. playboy, naughty at kung magpalit ng girlfriend ay parang nagpapalit lang ng damit.. Cedric, her first love.. who sh...