Shocking Proposal

215 6 0
                                    


LATE na siyang nakapasok kinabukasan.. anong oras na sila nakatulog, nag inuman at nag videoke din sila..

"Ma'am, kanina pa po naghihintay sainyo si Mr. Castillo.. Papuntahin daw po agad kita sa office niya pagdating na pagdating niyo daw po..", bungad sa kanya ng secretary niya..

"Ok, thank you..", sabi niya dito at pumasok na siya sa office niya..

Inayos niya muna ang mga gamit niya at nagcheck ng e-mails bago tumayo at nag ayos ng sarili para sa pagpunta sa office nito..

Kumatok muna siya bago niya binuksan ang pinto ng office nito..

Nabungaran niya itong nakaupo at mukhang hinihintay siya.

"Good morning Mr. Castillo..", bati niya dito..

Mataman muna itong tumingin sa kanya bago siya sinenyasang maupo sa sofa ng receiving area ng offfice nito..

"Read it..", walang emosyong sabi nito na itinuro ang newspaper na nasa table ng receiving area..

Dinampot niya ito at natutop nalang niya ang kamay sa bibig sa nabasa..

"Owner of Castillo Real Estate Empire, Cedric Castillo Conquering Cabrera Structural and Panel Supplies and Trading.." headline dito..

Ayon pa sa balita na bagamat hindi pa confirm sa both parties ang nasabing information ay ito na ang usap usapan sa business world na sa darating na 60th birthday ng ama na si Mr. Arthuro Cabrera ay mag reretire na ito at ituturn over kay Cedric ang position nito as CEO.. Marami lang daw ang nagtataka kung bakit kay Cedric ibibigay ang posisyon at hindi sa kanya na kaisa isa nitong anak.. hindi daw kaya nabili na ni Cedric ang kompanya..

Shocked siya sa mga nabasa.. Hindi niya maapuhap ang sasabihin..

"In a month now, I'll be the next CEO of this company.. at magtataka ang lahat.., what might be the best alibi ang pwedeng sabihin natin sa kanila..", tila nkakaloko pa itong ngumiti..

Hindi siya umimik.. Hindi rin siya makapag isip.. Naawa siya sa mga magulang niya, basta nalang mawawala sa mga ito ang kompanyang matagal na pinaghirapan ng mga ito..

"I'm also thinking na palitan ng Castillo ang Cabrera sa pangalan nito..", sabi pa nito sakanya na tila natutuwa pa sa reaction niya.

"You can't just do that!", napalakas ang boses na sabi niya dito..

"Pinaghirapan ng mga magulang ko ang company na ito.. you can't just do whatever you want to this company!", galit na sabi niya dito..

"So, what can you do about it?", nanghahamong tanong nito..

Hindi siya makasagot..

"You and your family has only 10% of shares Miss Cabrera.., as I can see, hindi niyo kayang bilhin ang shares na meron ako sa company na ito, ma eerase din ang surname na Cabrera sa business industry and I know how your parents struggle to build this reputation they had..", dagdag pa nito..

Tila naiiyak na siya.. Ano ba pwede niyang gawin..? Other option? Wala pa rin siyang maisip..

Loans?, possible kaya..?

Pero tila nabasa nito ang nasa isip niya..

"Hindi ko na din naman pinagbibili ang shares ko dito kung sakali man.. as your father told you, malaki ang naitulong ko sainyo.., I'm still considerate, dahil isinasaalang alang ko parin ang magiging reputation ng magulang mo..", sabi nito na tumayo at lumakad sa harap ng desk nito.. Sumandal pa ito dun..

"I don't know what to do..", tila nahahapong sabi niya..

"There's only one solution that I can give you, Miss Cabrera.. for you to save your company and your parents legacy..", sabi nito na matamang nakatingin sa kanya..

Longing for your Love  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon