Confuse to stop or continue loving💔

302 8 2
                                    

DAHIL sa nangyari pinili ni Alyssa na i-ignore nalang si Cedric lalo pa napabalita na girlfriend na nito si Krishia.. She also tried to stop her feelings at umpisahan yun sa pagbalewala ng existence nito sa classroom nila..

She tried to focus on her studies.. paminsan minsan namamasyal silang magkakaibigan..

Marami din naman siyang suitors kaya lang wala siyang makapa sa puso niya para sa mga ito. Ayaw niyang maging unfair..

But deep inside her, she knew na hindi ganun kadaling mawawala ang itinatangi niya para dito.

Paminsan minsan nahuhuli niya itong nakatingin sa kanya, she even can't understand why sometimes she sense something the way he looks at her.

May times na parang may pagsuyo,.. longing.. at bigla bigla para itong galit, inis or siguro naiirita sa kanya pag tinitingnan niya ito..

Pero bakit?

Siguro dahil alam ng buong klase or even ng buong campus that she likes him..

For the past 3 years, kung ano ano ang pinaggagawa niya to show and express how much she likes him..

She even made a poem and give it to him..

Pag naglalakad lakad sila ng mga kaibigan niya sa village, she always picks up flowers at inilalagay niya sa mailbox ng house nito.. And even makes love letter for him with anonymous sender na obvious naman na sa kanya galing, na hindi na niya ginagawa ngaun dahil sa hiya..

She even remember nang hindi siya nakapasok nang nilagnat siya, nagpagawa siya ng excuse letter sa nana niya dahil wala ang parents niya at sa pagmamadali dahil malelate na si Trishia, dun sa bond paper naigawa na me nakasulat sa likod..

"Cabrera and Castillo Nuptial"

Ginawa nila ng mga kaibigan niya dreaming as if it was their wedding invitation.. Mga kalokohang dala ng kabataan nila..

Nagulat nalang siya ng tuksuhin siya ng mga classmates niya pagpasok niya kinabukasan..

Hindi siya makatingin dito dahil sa kahihiyan..

Ilang party na rin ang inattendan niya sa school hoping na maisasayaw siya nito.

...She wants him to be her first sweet dance, first kiss and first boyfriend..

Parang nawawalan na siya ng pag-asa dahil puro kahihiyan at sama ng loob nalang ang inaabot niya..

"Bes, para daw sayo.." may inabot sa kanya si Clarise na papel..

Kunot ang noo na binuksan niya sa pagkakatiklop..

Love letter from Blake..
May kasamang 1 stem Rose pa..

Nagtudyuan ang mga classmates niya..

Namula ang mukha niya sa hiya kaya lumabas siya ng room..

Dumeretso siya sa garden at naupo sa bench doon.. dun niya binasa ang letter ni blake..

Napapangiti siya sa compose ng letter nito.. May sense of humor talaga ito..

"I will give everything to you, kahit ipangutang ko.. mahalin mo lang ako.." .. si mommy nalang ang bahalang mag bayad.."

May paka sira ulo talaga ito..

"So, pursigido pala talaga si Blake.. Will you choose him over me Alyssa..?"

Nagulat siya sa nagsalita sa likod..

Si Cedric na madilim ang mukha..

Magsasalita na sana siya na kaibigan lang ito para sa kanya nang tumalikod na ito at dumeretso sa building ng classroom nila..

Longing for your Love  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon