SUNDAY ng madaling araw ng lumuwas na sila upang makapagpahinga pa pagdating ng Manila..
Hindi mawala sa isip niya si Cedric, how much he has changed and nothing has changed when it comes to her feelings for him..
Walang duda na mahal pa rin niya ito at hindi nawala ang nararamdaman niya para dito..
She knows na walang patutunguhan ito kaya kailangan niyang pigilan dahil kung hindi ay ilulubog na naman niya ang sarili sa kahihiyan katulad ng nangyari ng nakaraan at hindi na siya papayag..
Siguro naman ay huling beses na nila yung pagkikita dahil matatagalan na uli siya makabalik ng bicol..
Nakaramdam siya ng lungkot sa naisip pero yun ang totoo at dapat kaya kailangan na niyang patayin kung ano mang nararamdaman niya para dito..
..'sana lang ay ganun kadali', sabi ng puso niya..
ILANG ARAW ang lumipas at wala na siyang balita tungkol dito.. She tried to forget him at nag focus sa trabaho..
Nalibang siya at natuwa sa takbo ng sales ng company nila..
"Ma'am, pinapatawag po kayo ni Sir Cabrera sa conference room, may urgent meeting daw po kayo with one of the major stock holder ng company..", narinig niyang sabi ng secretary niya sa intercom..
"Ok, tell him I'll be there in a minute..", sagot niya dito..
"Ok ma'am..", sagot pa nito..
Nag ayos siya ng sarili at pumunta na..
NAKATINGIN sa labas ng building ang daddy niya ng pagpasok niya. Nandun din ang mommy niya na tila balisa.. Nakaupo din patalikod ang sinasabi ng secretary niya na stockholder ng company..
"Hi! Am I late?", bati niya sa mga ito..
Tumingin ang daddy niya na sinenyasan siya na maupo sa tabi ng lalaki na stockholder ng company nila..
"Alyssa, siya si Mr. Castillo, one of the major stockholders of our company..", sabi ng daddy niya..
"Hi sir, I'm Alyssa Cabrera, I'm the VP for Operations of Cabrera Structural and Panel Supplies and Trading..", bati niya sa lalaking nakaharap sa daddy niya at nakatalikod sa kanya.. Hinintay niya itong bumaling sa kanya para iabot niya ang kamay niya..
Humarap ito sa kanya at nagulat siya ng makilala ito..
"Cedric Castillo, Miss Cabrera.. It's nice seeing you again..", walang expression na sabi nito sa kanya..
Nag hand shake sila, naramdaman niyang bahagyang pinisil nito ang kamay niya.. dagling binawi niya agad ito..
Hindi siya nakahuma, nagulat siya..
Sinenyasan siya ng daddy niya na maupo, tumalima naman siya..
"Alyssa, I want you to know that Mr. Castillo will be appointed CEO of this company when I take my retirement next month..", malumanay na sabi ng daddy niya..
Parang bombang simambulat sa kanya ng daddy niya..
"What?!, Why?!", nagulat niyang tanong dito.. Napatayo pa siya sa kinauupuan..
Hindi agad nakasagot ang daddy niya, ang mommy naman niya ay tahimik lang na mangiyak ngiyak..
"How about me?, I thought ako ang papalit sainyo..?! I'm your only daughter. Bakit niyo ipagkakatiwala sa iba ang matagal niyo nang pinaghirapan..", may bumangong inis siyang naramdaman para kay Cedric..
"Alyssa, calm down.. Makinig ka muna..", sabi ng daddy niya na tila nanlulumo sa reaction niya.
"Remember two years ago, we encounter crisis nang lumubog ang cargo shipment ng mga materyales natin.. Nadelay ang supply natin sa mga kliyente.. Yung iba ay nag cancel na ng contract. Bukod sa mga nawalang materyales na bayad na ay nagbayad uli tayo for another shipment.. We're on that verge of falling and we need funds to fuel up again our operations and catch up our losses..", simula nito..
BINABASA MO ANG
Longing for your Love (Completed)
RomanceAlyssa Cabrera, a smart and beautiful young girl who just fell in love.. to Cedric Castillo who happens to be the campus heartrob.. playboy, naughty at kung magpalit ng girlfriend ay parang nagpapalit lang ng damit.. Cedric, her first love.. who sh...