Si Blake ang partner niya sa Prom. Sinundo pa siya nito sa bahay nila at binigyan ng flowers..Gwapong gwapo ito sa black suit na suot nito.. Kung iba iba sigurong babae ay kikiligin dito.. pero siya ay pawang kaibigan lang ang nararamdaman para dito na alam naman nito..
Pagdating nila sa hall ay inalalayan pa siya nito..
"You're stunning Alyssa.." bulong pa nito sa kanya, nakangiti..
"Thank you.." simpleng sagot niya..
She's wearing pink spaghetti strap dress na above the knee ang haba.. May iba't ibang beads din na design na ngpapalutang ng ganda ng damit.. Light make up lang ang inapply sa kanya ng sikat na make up artist sa bayan nila na nagpa glow ng aura niya..
Naka 3 inches din siyang sandals na lalong nagpatangkad sa kanya..
Nakataas din ang buhok niya na may ilang strands na hinayaang nakalugay sa gilid ng mukha niya..
Nakita niya si Cedric pagpasok nila.. He really looks gorgeous sa suot nitong dark blue suit.. Mamang mama na ang dating.. Kumabog ang dibdib niya.. Halos matunaw siya sa looks nito..
Nasa tabi nito si Danica na naka abresiyete pa dito..
Nakatitig ito sa kanya.. Hindi niya mabasa kung may paghanga ba sa mga mata nito para sa kanya..
Nag iwas siya ng tingin.. Inalalayan siyang maupo ni Blake sa nakatoka sa kanilang upuan..
Nag start na ang program at excited na ang lahat sa pag announce ng Miss and Mr. RHS of the night bago mag tuloy tuloy ang programa..
"Good Evening everyone, to all the beautiful ladies and appealing gentleman.." simula ng emcee..
"Lets start our program by introducing our Miss and Mr. RHS 2005 of the night.." may nag abot dito ng sobre at excited na binasa nito..
"The highest among the highest of votes.. Our Miss and Mr RHS 2005 of the night are Miss Alyssa Cabrera and Mr. Cedric Castillo.." pasigaw na announce nito.. Nagpalakpakan ang lahat..
Nagulat siya at hindi nakakilos..
"Please come infront.." yakag pa nito sa kanila..
"Congratulations Alyssa.." pukaw sa kanya ni Blake na nakangiti..
Nakita niya si Cedric na naglakad na papunta sakanya.. Napatingin sakanya ang emcee at sinesenyasan siyang pumunta na sa unahan..
Lumapit ito sa kanya and lend his hand.. "let's go.." walang expression ang mukhang aya nito sa kanya..
She reached her hand at bantulot siyang tumayo.. Grabe ang kaba niya..
Being a gentleman, inalalayan siya nito papunta sa stage..
Hindi niya alam ang nararamdaman..
Nilagyan sila ng sash na may nakasulat Miss RHS 2005 sa kanya at Mr. RHS 2005 naman dito.. She also received a flower na ipinaabot kay Cedric..
"Let's give them around of applause.." pumalakpak din ito..
"Mr. Castillo, please bring Miss Cabrera to the dancefloor and do the honor for our first dance for tonight.." turo pa nito sa baba ng stage.
Napamaang siya sa emcee at nakaramdam ng kakaibang saya..
Hinawakan siya ni Cedric sa siko at iginiya siya pababa ng stage papunta sa gitna ng dancehall..
Nakatingin lang ito sa kanya habang nakayuko siya..
"Music please.." sabi pa ng emcee na nang nasa gitna na sila..
![](https://img.wattpad.com/cover/241850592-288-k484311.jpg)
BINABASA MO ANG
Longing for your Love (Completed)
RomanceAlyssa Cabrera, a smart and beautiful young girl who just fell in love.. to Cedric Castillo who happens to be the campus heartrob.. playboy, naughty at kung magpalit ng girlfriend ay parang nagpapalit lang ng damit.. Cedric, her first love.. who sh...