Reason and Pain💔

242 5 2
                                    

"CEDRIC, we need to sell our property here dahil hindi na tayo makakabalik pa..", malungkot na balita sa kanya ng lolo niya nang pinatawag siya nito sa office room nito sa bahay nila..

Hindi siya nakaimik.. tila nanlumo siya..

"Pang simula natin hijo sa America.., at para maipagamot natin ang daddy mo..", dagdag nito na tiningnan siya..

"Lo, can i ask you a favor..", he look at him intently..

Hindi ito umimik pero naghintay nang susunod na sasabihin niya..

"Pwede po bang wag niyo na ibenta yung resthouse..? Mahalaga po kasi yun sa akin..", sabi niya na tila nagsusumamo dito..

Nangunot ang noo nito..

"Hijo, baka hindi na tayo makabalik pa dito.. sayang lang ang property..", sabi nito na tinatantiya siya..

"Babalik po ako dito lolo, may kailangan po akong balikan..", sabi niya na may sumungaw na luha sa mga mata na agad niyang pinunasan..

Tiningnan siya nito nang matiim, inaarok ang damdamin niya..

"Is it the girl sa canvas na nandoon sa kwarto mo na may kalong na pusa..?", tila naaamused na pagkompirma nito..

Hindi siya nakaimik.. napayuko siya..

"Yung isinama mo sa rest house sabi ni Rigor..", nakangiti ito..

"She loves the rest house lolo just as I love the place..", tumingin siya sa mga mata nang abuelo..

"I see..", tumango tango ito.

Maya maya ay tinawag nito ang abogado na kararating lang..

Nagulat siya nang iabot sa kanya ng abuelo niya ang isang brown envelope..

Nakakunot noo niya itong tinanggap at halos mapaiyak nang makitang titulo nang resthouse na nasa pangalan niya..

Mangiyak ngiyak na niyakap niya ang matanda at nagpasalamat dito..

"May kapalit yan apo, dapat tulungan mo ako sa pagbangon natin..", tinapik tapik pa nito ang balikat niya..

"Opo lo.., thank you po..", may paninindigang sabi niya dito..

"Matagal na yang nasa pangalan mo, alam ko na mahalaga yan sayo..", tumayo na ito at binalingan ang abogado..

Longing for your Love  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon