Prologue

1.3K 23 2
                                    

[Biyahe papuntang Tuguegarao sa may Cagayan Valley Road. Pababa ng Dalton Pass sa boundary ng Nueva Ecija at Nueva Vizcaya]

Josh: Uy, magsalita ka naman! Wala ka pang imik since umalis tayo ng Diliman.

Dudoy: ...

Josh: Kausapin mo ako para di ako antukin sa pag-drive.

Dudoy: ...

Josh: Sige na!

Dudoy: Ine-enjoy ko ang scenery in silence.

Josh: Bahala ka, pag nahulog tayo sa bangin, kasalanan mo.

Dudoy: Eh kasi naman, ba't di ka nagising on time!?

Josh: Mali yung na-set kong alarm sa phone. Akala ko 3 AM, 3 PM pala! Kung di mo ako tinawagan, di ako nagising.

Dudoy: [Tinitingnan ang recent calls sa cellphone] 18 missed calls! From 3:30 to 4:00! Call time sa AS Steps ay 4 AM!

Josh: Kasi kung doon ka na lang natulog sa amin, eh di may gumising pa sa akin.

Dudoy: Eh di napalayo pa ako! Nasa Krus na Ligas na ako, palalabasin mo pa ako ng campus?

Josh: O, anong napala mo? Di ka rin nakasabay sa bus haha!

Dudoy: Sabi ni Sir, humabol ka raw. Or drop the course dahil major requirement ang field study. Sabi nina Lisa at Bodj, siguraduhin kong sumunod ka.

Josh: Fine, fine.

Dudoy: Ikaw kaya ang nagpumilit sa aming mag enroll sa Arkiyoloji 1. Sa Summer!

Josh: Para thesis na lang focus natin sa next school year. Besides, masaya naman yung class, a! Aminin mo!

Dudoy: Hindi ko naman pinagkakaila. Ang issue ay bakit tayo ngayon nakahiwalay sa classmates natin.

Josh: Think of it this way, parang road trip lang tayo to Callao Caves. At perfect opportunity na ring ma-break in itong bagong Innova namin. How do you like it?

Dudoy: I like the red color. Amoy factory pa rin. At ang lamig ng aircon. Ang sarap tuloy matulog.

Josh: Wala ka ngang ginawa kundi matulog the whole trip! Gusto mong kumain na lang tayo? Gutom ka na ba?

Dudoy: Hindi naman. Pinag-exercise ko lang ang tiyan ko sa dalawang maliit na pan de coco na kinain ko kaninang madaling araw.

Josh: Don't have to be sarcastic. Mayroon diyan sa pagbaba natin ng Dalton Pass. Tamang tama, before 8. Baka maabutan pa natin yung bus. Anong bus company yun?

Dudoy: Victory Liner. Number 848.

Josh: Cool.

[Nagpatugtog ng playlist ng mga kanta ni Gloc-9 si Josh. Naghalinhinan silang sumabay sa 'Bagsakan,' tapos nagsolo si Dudoy sa parts ni Ebe Dancel sa 'Sirena.' Nung tumugtog ang 'Upuan' ay si Josh naman ang nakisabay. Lumipas pa ang ilang kanta, ngunit nakinig na lang sila sa lyrics.]

Dudoy: Eh, Josh?

Josh: Yes?

Dudoy: Bakit-- hindi si Lisa ang nag-volunteer sumama sa iyo? Okay lang ba kayo?

Josh: Ah, oo naman.

Dudoy: Talaga?

Josh: Siyempre. Wala naman kaming pinag-awayan.

Dudoy: I see. I was expecting na siya dapat ang naiwan at sumama sa iyo.

Josh: Alam nilang hindi ako makakaangal sa iyo.

Dudoy: ...

Josh: ...

Dudoy: Sigurado bang okay lang kayo!?

Josh: Oo naman! Cool off lang muna kami.

Dudoy: Huwat!? Bakit naman?

Josh: Eh, ganun. Parang kailangan lang muna naming pag-isipan ang priorities namin. Magkaiba na rin kasi ang degree programs namin, di ba? Pero friends pa rin naman, no worries.

Dudoy: I see. Kung sa bagay, para ngang drifting apart kayo.

Josh: ....

Josh: Yun nga.

Dudoy: Pero okay lang sa iyo na kasama natin siya sa field study?

Josh: Oo naman! Magkabarkada naman tayong lahat bago naging kami.

Dudoy: Sure ka?

Josh: Don't worry, were mature adults. Besides-- wait lang! Kailan ka nagkaroon ng hikaw?!

Dudoy: You're changing the topic.

Josh: Eh ba't ka naman kasi nagsuot ng hikaw?

Dudoy: [Kinapa ang hikaw.] Ay, bakit, hindi ba bagay?

Josh: Well, hindi ko lang ine-expect.

Dudoy: Bakit hindi? I can be spontaneous!

Josh: Yun nga, hindi ko ine-expect na spontaneous ka.

Dudoy: Masagwa ba? Maliit lang naman.

Josh: Isa lang hikaw mo? Ba't right side lang?

Dudoy: Nagtitipid ako.

Josh: Hindi ba buy-one take-one yan?

Dudoy: Hindi. May 50% discount pag isa lang.

Josh: Patingin nga? Parang ang liit naman.

Dudoy: Oy, sa harapan ka tumingin! Baka mabangga tayo!

Josh: Gusto ko lang makita!

Dudoy: Mamaya na lang, pag nasa bus stop na tayo!

Josh: ...

Dudoy: ...

Josh: ... Duds, may tanong ako.

Dudoy: Ano yun?

Josh: ...

Josh: Erm, are you gay?

Dudoy: ...

Josh: Ako naman ito. Pero kung ayaw mong sagutin---

Dudoy: Oo.

Josh: Ay, talaga?

Dudoy: Oo.

Josh: Wow. Okay, cool. At least klaro na.

Dudoy: ...

Josh: Hayan na ang bus stop! Breakfast na tayo!

Dudoy: Sa wakas!

Ang Kasarian ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon