So ganun nga nag-out si Dudoy. Tinanong ko, sinagot niya. Walang preamble, walang drama. Pagkatapos noon ay huminto nga kami sa Travellers Restaurant and Eatery para gumamit ng CR (P5 para umihi, P10 para dumumi). Hindi na namin naabutan ang bus ng aming class sa Arkiyoloji 1, pero hindi pa rin kami nagmadali. Though personally I prefer brewed coffee, in-enjoy pa rin namin ang 3-in-1 instant coffee na sinabayan ng tapsilog.
Matagal na kaming magkaibigan ni Dudoy, nung first year high school pa sa may Katipunan. I did not expect na magkakasundo kami; promdi siya from San Pedro, Laguna, tapos ako nama'y taga Green Meadows sa Quezon City. Scholar siya ng school namin, at ako naman ay, well, middle class. Pero noong 14 years old kami, medyo late bloomer ako, kaya ako yung isa sa pinakamaliit sa class at medyo chubby habang siya nama'y athletic dahil member siya ng varsity track and field team (at kaya siya may scholarship). And because of my appearance then, I was often bullied by my classmates. Typical high school kasi, so these things couldn't be avoided. Sa simula ay panay pang-aasar lang ang ginawa nila, then inaagaw nila sa akin ang baon ko. Siyempre I didn't tell my parents or teachers dahil baka lalo lang akong pag-initan. However, it came to a point na bago magtapos yung first quarter namin, sinasaktan na nila ako. Wala man lang tumulong sa akin sa iba kong mga kaklase, until one day, nung ako'y tinulak sa banyo at sumubsob sa sahig, bigla na lamang may nanapak sa tumulak sa akin sabay suntok sa tiyan. Bumulagta yung bully at namilipit sa sakit sa sahig habang natulala ang mga kasama niya. Nung tumingala ako, nakatayo sa harap ko ang isang kayumangging binata at nanlilisik ang mga mata. Namukhaan ko si Dudoy dahil kaklase ko siya, at inakay niya ako patayo. Nang makalabas na kami sa banyo, ang tangi lang niyang sinabi ay "Dikit ka lang sa akin, hindi ka na nila gagalawin."
At best friends na kami after that.
It's not that kinailangan ko pa ang protection niya after that incident. Dahil pagsapit ng second year, puberty finally got hold of me. Ako na ang isa sa pinakamatangkad sa class namin, and even my genes for good looks eventually got expressed. Mas malaki na ako kay Dudoy, at lagi niya akong binibiro na kung hinayaan na lang pala niya ako, baka ako rin pala ang magbibigay ng reckoning sa bullies ko. Still, I am grateful to this day sa ginawa niya sa akin.
As we grew older, na-realize ko na ako naman ang naging protective kay Dudoy. Hindi dahil may nangbu-bully rin sa kanya; far from it. He was generally well-liked kasi matulungin siya to a fault. It's just that, dahil magkaiba nga ang social backgrounds namin, laging may extra effort ang kanyang pagsusumikap sa pag-aaral, na para bang hindi niya dapat sinasayang ang pagkakataon. I got my first ever reality check nung na-invite ako sa fiesta nila sa barangay nila sa San Pedro, Laguna, at doon ko lang nakita kung ano ang tunay na kalagayan ng pamilya niya. Ilang buwan pa lang akong nagmamaneho ng kotse noon, kaya excited ako dahil first time kong lumabas ng Metro Manila. Sinundo ko si Dudoy sa high school dorm namin, tapos diretso kami sa San Pedro para ma-meet na rin ang family niya. Si Tita Mely, ang nanay ni Dudoy, ang tanging nagpapalaki sa kanya at sa baby sister niyang si Hope na eight years ang agwat nila. Ang nanay nila ay isang public school teacher sa Pacita National High School. Ang tatay naman ay dating tricycle driver na namatay sa atake sa puso bago pumasok si Dudoy sa high school. Maliit lang ang apartment nila, at wala silang sasakyan. Nung dumating kami roon, malugod akong tinanggap nina Tita Mely at Hope, at pinakain nila ako ng sotanghon, puto, at pork barbeque. Panay hingi ng pasensya si Tita Mely dahil iyon lang ang naihanda nila, pero I noticed na di sila mapakali sa pag-asikaso sa akin. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganung generosity towards me sa mga taong di ko ine-expect na makapagbibigay pa. Kaya hayun, naging close na rin ako sa family ni Dudoy. From then on, I took it upon myself to help Dudoy in any way I can. Alam kong hindi hihingi ng tulong si Dudoy dahil pipilitin niyang kayanin hangga't makakaya niya. Pero nailulusot ko ang mga simpleng bagay, gaya ng pagpapahiram ng libro o pagpapa-print ng report, pagbigay ng extra food during lunch, pag overnight sa bahay namin para maka-internet at makagawa ng ibang homework, mga ganun.
BINABASA MO ANG
Ang Kasarian ng Pag-ibig
RomanceAll Dudoy and Josh ever wanted was to complete their Master's at the University of the Philippines while working as museum researcher and lecturer at the Anthropology Department (Dudoy) and research assistant and lecturer at the Institute of Chemist...