Kalalabas ko lang sa Paz Mendoza Hall sa UP Manila at patungo na sa Calderon Hall upang puntahan sina Lisa at Josh. Magtatanghaling tapat na noong unang araw ng September, ngunit ramdam ko ang alinsangan sa bawat butil ng pawis na tumatagas mula sa noo ko. Bagaman mainit, nagawa ko pa ring bumili ng bagong lutong mani sa bangketa sa isang batang tindera. Pagsapit ko sa may labas ng Calderon Hall ay namataan ko ang dalawa kong kaibigang nakaupo sa isang bangko at nakatingin sa magkaibang direksyon at di nagsasalita, si Josh sa estatwa ng babaeng nakatayo sa bungo na binansagang 'Triumph of Science over Death' habang si Lisa naman sa isang marker na kinalalagyan ng isang time capsule.
"Kanina pa ba kayo?" bungad ko pagtambad ko sa kanilang kinauupuan. "Sorry, daming tanong ng Research Ethics Board."
Napangiti si Lisa. "O ano, pinayagan ka nang maging sepultorero?"
"Haha! I will know the results in a few weeks' time. Once may go signal na, puwede na akong mag start as early as November para magsukat ng mga buto para sa thesis ko."
"Great! Mapapadalas ka na rito sa UP Manila. At least madadalaw mo ako."
"As if naman may time ka pang makalabas niyan," pintas ko. "Natyempo lang yata naming libre ka ngayon."
"Oo nga, Lis," dagdag pa ni Josh. "Kamusta na buhay Med School?"
"Heto, kasisimula pa lang ng second year, windang na naman. Pero parang mas mahirap nung first year ako. I think I'm already adjusting."
"Ay, siya nga pala." Naglabas ako ng isang paper bag ng Dunkin Donuts munchkins mula sa aking knapsack at inabot ito kay Lisa. "Hayan, pasalubong. Choco butternut. Your favorite. Baka pinababayaan mo na ang sarili mo."
"Aw, alam mo talaga ang gusto ko!" At niyakap ako ni Lisa, na napansin kong mas mahigpit sa dati niyang mga yakap. Ginantihan ko rin siya ng mahigpit na yakap habang napasulyap ako kay Josh. Hindi naman siya umimik at sa halip ay nakatingin lang siya sa kanyang mga sapatos. "O siya, balik na ako. May class ako ng 1 PM. Lalamunin ko muna itong choco butternut at baka may humingi pa sa mga kaklase ko!"
Pabalik na kami ni Josh sa Robinsons Place kung saan pinarada niya ang kanyang Innova. "Okay ba kayo ni Lisa?" tanong ko.
"Oo naman. Bakit?"
"Parang di kayo nag-iimikan kanina nung dumating ako."
"It's called companionable silence."
"Josh, madaldal kang tao. Di ka mapakali pag may dead air sa conversation. Spill na."
Nagkamot ng batok si Josh. "Mayroon daw siyang kaklaseng nanliligaw sa kanya. Tinanong niya kung okay lang ba sa akin."
"O, anong sinagot mo?"
"Eh ano pa ba ang isasagot ko? Sabi ko kung okay sa kanya, then go lang!"
"Seriously?!"
Napabunton si Josh. "Mali ba?"
"Depende. May panghahawakan pa ba si Lisa sa iyo?"
Hindi makasagot si Josh.
"Hayun na nga. I think kailangan mo nang pagnilay-nilayan ito."
Biglang iniba ni Josh ang usapan. "Teka, ba't si Lisa may choco butternut munchkins? Ako ang naghatid sa iyo rito at sinamahan pa kita, tapos ako ang wala?"
"Sinong may sabing wala ka?" At may dinukot akong isang malaking supot ng Dunkin Donuts sa bag ko. "Hayan, choco butternut donuts! Hindi lang munchkins. Anim na piraso yan!"
"Yown! Iba ka talaga makaalala!" At kumuha siya ng isa at nakakalahati agad sa dalawang kagat. "Ikaw, gusto mo?" sabay alok ng supot sa akin.
"Okay lang, itong mani na lang kakainin ko."
BINABASA MO ANG
Ang Kasarian ng Pag-ibig
RomanceAll Dudoy and Josh ever wanted was to complete their Master's at the University of the Philippines while working as museum researcher and lecturer at the Anthropology Department (Dudoy) and research assistant and lecturer at the Institute of Chemist...