15 - Philippine General Hospital

159 11 3
                                    

The talk with my father after his Davao trip never materialized. Nakabalik si Bodj from Palawan a few days later, kaya inayos namin agad ang trip namin sa Kanawan. We had our sampling two weeks after, kung saan nakasalamuha din namin ang mga katutubong Aeta na nakatira roon at na-discover ko ang tungkol sa kalut, isang root crop na maaaring makalason kung hindi maayos ang pagkakaluto. (Ang hinala ko ay baka may toxic plant metabolite ito, at nang mabanggit ni Bodj na ito yung poisoning yam na Dioscorea hispida, bigla kong naalala ang alkaloid na dioscorine na maaaring maka-apekto sa nervous system, at napaisip ako kung puwede pang pag-aralan nang mas maigi ang halamang ito...). Anyway, pagbalik namin sa Diliman, tuluy-tuloy na ang trabaho ko sa lab para sa extraction at purification. I needed to move forward with my bioassays by first sem para matuloy ang aking thesis proposal presentation before the end of the year. Kailangan kong patunayan kay Dudoy, at higit sa lahat sa aking sarili, na kaya kong ma-achieve ang goal na ito. Kaya hayun, naisantabi ang scheduled meeting.

It's not that I completely forgot. Paminsan-minsan ay pinapaalala sa akin ni Dudoy, and on more than one occasion ay medyo nabanas ako sa reminder niya, so he backed off a bit, which made me guilty. Every now and then ay tumatawag si Ma, wondering when I plan to visit them at Green Meadows, and I always have a valid excuse each time. So long story short, before I realize it, nag-start na ang first semester. Marami ang naging ganap. Nakalipat na si Jopet sa condo unit ni Bodj para mag start na sa Industrial Engineering degree niya. Na-approve na rin sa wakas ang permit ni Dudoy para mag-process ng skeletal remains sa ossuary ng Manila North Cemetery. Tumapak na ng third year Med si Lisa. Naging busy na rin ako, with my teaching, research, and thesis. Before I knew it, November na. Naghahabol na ako sa oras for my presentation scheduled for November 27, pero something happened that got me derailed.

It was November 19, a Thursday, nang sinabi ni Dudoy over breakfast na hindi muna siya papasok dahil masama ang kanyang pakiramdam. May slight fever siya, na nagsimula the night before, so I told him na ako na lang ang bibili ng gamot niya pag-uwi ko in case tumaas pa ang lagnat niya. "Di ba sabi mo si Hope ay sinisinat din nung paalis ka ng San Pedro last weekend?"

"Oo nga. Baka nahawa ako sa kanya."

Later that afternoon, I went straight to Mercury Drug to get some paracetamol, then to a nearby restaurant for some food for us. Pagdating ko sa condo unit ay naabutan ko si Dudoy sa sofa na nakatalukbong ng kumot at nilalagnat pa rin. Pinainom ko siya agad ng gamot at pinahiga sa bunk bed ko para di na siya umakyat sa higaan niya.

Nag-ring ang phone ni Dudoy. Si Tita Mely. Ako na ang sumagot. "Hello, Tita?"

"Josh, nariyan ba si Dudoy?"

"Ay, Tita, medyo nilalagnat po. Nagpapahinga lang. May gusto po ba kayong ipabilin?"

"Sus! Bakit nagsabay? Sige, sa iyo ko na lang sasabihin. Narito kami ngayon ni Hope sa San Pedro Doctors Hospital. Naka-confine siya dahil may dengue siya."

"Ha? Kailan pa po?"

"Ngayon lang. Nagkaroon kasi siya ng rashes nung Martes, tapos hindi bumaba ang lagnat. Nung pinatingin namin ngayon, nakitang mababa ang platelet count niya. Hindi na kami pinauwi ng duktor. Kamusta naman si Dudoy?"

"Heto po, binabantayan ko po. Medyo mataas din ang lagnat."

There was a pause at the other end of the line, then "Josh, anak, ikaw muna ang bahala kay Dudoy. Hindi ko kasi maiwanan si Hope at wala kaming kamag-anak dito sa San Pedro at lahat sila ay taga Infanta pa."

"Ay, Tita, huwag po kayong mag-alala. Ako na po ang bahala. Pakisabi kay Hope na get well soon."

"Salamat, Josh."

Ngunit that night ay lalo pang tumaas ang lagnat ni Dudoy. When I checked his temperature, nasa 40 degrees C na. Nagreklamo rin si Dudoy na sumasakit ang ulo niya mula sa likod ng kanyang mga mata, at isinuka lang niya ang kinain niyang dinner. The next morning ay sumasakit na rin daw ang muscles niya. I called Bodj to help out, and in a few minutes ay nasa room na siya. Nang marinig niya ang symptoms, humiram siya ng panyo at tinaliaan nang mahigpit ang braso ni Dudoy malapit sa may siko. Naghintay lang kami ng five minutes nang lumabas ang red spots sa balat ni Dudoy lampas ng bahaging tinalian ng panyo.

Ang Kasarian ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon