16 - Lantern Parade

131 13 1
                                    

Hindi ko makalimutan ang lumuluhang mukha ni Josh sa PGH. Hindi ko na matandaan kung ilang ulit akong tinurukan ng karayom para kunan ng dugo, o gaano ako katagal huminga sa oxygen mask, o ilang beses akong nagsuka o nagdugo sa ilong. Lahat ng ito ay nagdulot ng labis na sakit sa aking katawan. Ngunit mas masakit ang naramdaman kong kirot sa puso nang makita kong iniiyakan ako ni Josh.

Ang sabi nila, umabot ako ng isang linggo sa ospital. Masyado raw akong dehydrated. Pumasok raw ako ng recovery phase ng Tuesday, at pinagpatuloy sa rehydration treatment hanggang Thursday. By Friday ay na-discharge na ako. Very rare daw ang nangyari sa akin, sabi ni Lisa. Dahil daw nagkaroon ako ng dengue nung bata pa ako dahil sa isang serotype ng virus, mas malala ang inabot ko nang tamaaan daw ako ng isa pang serotype. If it is any consolation daw, sabi ni Bodj, kailangan ko na lang ma-infect ng dalawa pang magkaibang serotypes para may immunity na ako sa apat na major serotypes ng dengue virus. Diyos ko po, sana ay maiwasan ko na lang sila habambuhay!

Buti na lang at patapos na ang semester, kaya wala na akong masyadong museum activity na kailangang i-facilitate. Doon naman sa additional assignment ko as lecturer, yung partner kong instructor na ang nagtapos ng class at pinasa-submit na lang sa akin ang reports ng students para mabigyan ko ng grade. Mukhang marami pa akong dapat i-check, ngunit dahil nasa condo lang ako magdamag, wala naman akong iba pang dapat alalahaning trabaho.

Nabisita rin ako sa wakas ni Nanay sa condo nung Sabado matapos ako ma-discharge. Una niyang pagkakataong makatapak sa condo, at di niya maintindihan kung bakit napakamahal ng isang unit gayong mas malaki pa pala ang apartment namin sa San Pedro. Doon ko nalamang tuluyan nang gumaling si Hope at naiwang nagbabantay ng apartment. Ipinagtapat din ni Nanay kung kanino siya nakakuha ng pampuno ng remaining balance ng hospital bill ni Hope.

Noong Linggo ng gabi, nasa sofa lang ako at nagbabasa ng papers ng students ko sa laptop nang umuwi si Josh kasama sina Bodj at Jopet. Nagdala si Josh ng pagkain mula sa Casa Verde at pinagsaluhan naming apat. Nagtagal pa ang magkapatid na Ong ng isang oras habang inubos nila ang isang round ng beer bago sila tuluyang umuwi sa kanilang unit. Tutulong sana ako sa paghugas ng mga pinggan at kubyertos nang pinigilan ako ni Josh at pinagsabihang magpahinga lang.

Mula sa sofa ay pinagmamasdan ko lang siyang maghugas nang maalala ko ang pinag-usapan namin ni Nanay. "Josh, thanks pala sa pag-abot mo ng pera."

"Sinabi ba ni Tita Mely kung saan yun nanggaling?"

Napangiti ako. "Oo. Wise ka rin, ano? Iniipon mo pala ang bayad ko sa rent."

Nagkibit siya ng balikat. "Balak ko sanang gawing conjugal account natin. Pero galing sa iyo haha!"

"Sira!" ngunit natawa rin ako. "Pasensya at napagastos ka pa."

"Wala yun! Para kay Hope naman yun." Matapos niyang maghugas ay tinabihan niya ako sa sofa. "Parang ang laki ng ipinayat mo. Tingnan mo, nawala ang bilbil mo," sabay sundot sa aking tagiliran.

Nagpatuloy ako sa aking pagbabasa habang nag surf naman si Josh sa Facebook sa kanyang cellphone nang may naalala uli ako. "Anong araw na ba ngayon?"

"November 29. Holiday bukas, kaya puwede ka pang mag-stay dito to recover at wala kang mami-miss na trabaho."

"Teka, di ba November 27 dapat ang proposal presentation mo? Nung Friday yun, a!"

Hindi ako tiningnan ni Josh at patuloy lang siya sa pag Facebook. "Oo, pero pina-postpone ko na."

"Ha? Bakit?" Pero alam ko naman ang sagot.

"Siyempre naman. Alangan namang iwan kitang nakatiwangwang sa PGH and hanging on to dear life."

"Pero kailan na ang presentation mo?"

"Next year na, sa January."

"So mauurong ang schedule mo?"

Ang Kasarian ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon