January went by so fast. Ang tanging remarkable na nangyari ay lumipat na rin si Bodj sa condo building namin, kaya madalas na rin kaming magkasabay mag dinner o tumambay either sa unit namin ni Dudoy o sa kanya. Mabuti na rin at tatlo na kaming magkakasama sa building. Kung kami lang kasi ni Dudoy ay hindi ko na alam kung paano pa ako kikilos nang hindi nahahalata. Before I knew it, February na.
"Gusto mong pumunta sa UP Fair?" minsan kong natanong kay Dudoy over breakfast.
"Bakit, gusto mo?"
"Wala lang. Parang ang tagal na nating di nakapunta."
"Freshmen tayo noon. Feb 13, 2010. Pinilit ko kayo nina Lisa at Bodj na manood. Nag-perform sina Gloc-9, 6Cyclemind, Pedicab, at Itchyworms."
"Oo nga, ano? Five years ago na pala yun. Di ba ang saya?"
"Oo naman. Until nadukutan ako ng wallet at ikaw naman ng cellphone."
"Ah, yes. Now I remember why that was the last time we went." Buwiset. Nasira tuloy diskarte kong i-ask siya. Well, not exactly a date, pero it would be nice sana...
"O, parang disappointed ka?"
"Ah, wala. Nakalimutan ko lang yung bad experience natin haha!"
Napakunot ang noo ni Dudoy, pero hinayaan na lang niya ako.
Minsan naman ay nagsu-surf ako sa Facebook sa aking phone habang kumakain kami nina Dudoy at Bodj sa Rodics sa Shopping Center nang makita ko ang line up ng mga banda sa UP Fair. "Uy, tingnan ninyo! Magpe-perform si Gloc-9 sa Feb 14!"
"Valentine's Day?" puna ni Dudoy. "Naku, if ever, makikisabay ka pa sa mga magde-date on that day."
Na-deflate ako. So ayaw niya ng date sa Velentine's Day.
"Ba't di ka maghanap ng date for that concert?" mungkahi ni Bodj.
"Ah, eh saan naman ako hahanap ng ka-date?" sagot ko. Nang tumingin ako kay Dudoy ay nakataas ang isang kilay nito habang nakatitig sa akin.
One time naman ay ginabi si Dudoy sa Anthropology Museum dahil nag-set up sila ng practical exam para sa isang class kinabukasan. I took this opportunity para sumugod sa unit ni Bodj.
"What's with you?" bungad ni Bodj nang buksan niya ang pinto. "Parang ang laki ng problema mo."
"Medyo malaki nga," sabi ko sabay diretso sa kanyang sofa at napaupo. Bigla akong napalingon sa surroundings ko. "Teka, did you just add some more plants in here?"
"Ay, buti napansin mo! Just bought some citronella laban sa lamok and aloe vera for its many medicinal benefits."
Halos ma-distract ako sa isang shelf malapit sa bintana at puno ng cacti of different shapes and sizes. I could have sworn they were not there last month. I had to peel away my gaze from them and took a deep breath. "Bodj, you have to help me. Di ko na ma-contain ang sarili ko."
"Well, then. Maybe the peace lily over the table can help calm your nerves."
Napatingin ako sa halamang tinutukoy niya. "Erm, hindi yata ako tatablan niyan."
"Wait, saglit lang." Nagtungo si Bodj sa ref at naglabas ng isang can ng beer at isang can ng Coke. Kumuha siya ng isang stool at umupo sa harapan ko, then inabot niya sa akin ang beer. "Hayan, para ma-relax ka."
"Ba't ako lang?"
"Ikaw ang may problema, eh."
"Alam mo bang there are more than 37 grams of sugar diyan sa can of Coke mo habang itong beer ko ay halos wala dahil most of the glucose ay nagamit sa alcohol fermentation?"
BINABASA MO ANG
Ang Kasarian ng Pag-ibig
Roman d'amourAll Dudoy and Josh ever wanted was to complete their Master's at the University of the Philippines while working as museum researcher and lecturer at the Anthropology Department (Dudoy) and research assistant and lecturer at the Institute of Chemist...