3 - Friuli

216 17 0
                                    

"Ba't di ka nagkukuwento sa akin?" ang di ko natiis na itanong kay Dudoy matapos naming ibaba si Bodj sa may Tayuman. Pabalik na kami noon sa Diliman galing Robinsons Place. Past 10 PM na noon, pero heavy traffic pa rin sa Espana patungong Welcome Rotonda.

"Ang alin?" tanong ni Dudoy mula sa front passenger seat ng aking Innova.

"Na may dine-date ka na uli!"

"It's no big deal naman."

"Anong no big deal? Malaking bagay yun! Kala namin di ka na makaka-get over sa Greek exchange student mo."

"Basti ang pangalan niya."

"Hmp. Ang nang-iwan sa iyo."

"Umalis, hindi nang-iwan. Isang sem lang naman talaga siya rito sa UP."

"So are you still in contact with him?"

"Magde-date ba ako ng iba kung oo?"

Oops, slippery slope. Change topic. "So sino itong bago? At ba't di mo pinakilala sa akin?"

"Sino ka ba? Legal guardian ko? Nagseselos ka na, no?" at siya'y napatawa.

"Usually kasi ay witness ako ng lahat ng major milestones mo. Nakakapanibago lang."

"Milestones talaga?"

"Oo! Like yung first salary mo, na pinang blow out mo sa family mo. Or yung first kiss mo sa babae--"

"And only kiss sa babae! Huwag mo nang ipaalala. Lasing lang kami ni Gina noon. Graduation party."

"At yung first time mong mag Korean oppa hair style, which, by the way, did not suit your kayumanggi complexion."

"Racist ka talaga."

Sa totoo lang ay okay nga ang skin tone niya. Halos di nagbabago ang shade magbilad man siya maghapon sa ilalim ng araw. "Nililihis mo ang topic. Sino ba itong naka-date mo? Masagwa ba ang itsura?"

"Hindi naman. May itsura naman."

"Mas guwapo sa akin?"

Natawa si Budoy. "Mas guwapo ka. Pero di kita type."

"So ba't ayaw mong magkuwento? May pinag-awayan ba kayo?"

Ngunit tikom ang bibig ni Dudoy habang dumungaw na lang siya sa bintana ng kotse. Iniba niya ang topic at nagkuwento tungkol sa skeletal remains na pinag-aaralan niya hanggang sa ibinaba ko siya sa may Krus na Ligas.

Two months passed, around Summer term nung 2014, before I figured out who the guy was. At aksidente ko pang nalaman. Papunta ako noon sa office ni Dudoy sa tabi ng Museum ng Anthropology para sunduin siya. Magdi-dinner kami noon sa Friuli Trattoria sa Maginhawa kung saan naghihintay si Bodj na nauna na at may binili sa katapat na Bookay-Ukay Bookshop. Pagbukas ko ng pinto sa office niya, naabutan kong nakaupo si Dudoy sa likod ng desk niya habang may isang matangkad na lalaki ang nakatayo sa side niya at nakapatong ang isang kamay sa balikat ni Dudoy. For some reason, the guy looked familiar. May sinasabi siya nang natigilan siya sa aking pagdating. I noticed na medyo uneasy si Dudoy.

"Sorry for disturbing. May meeting ba kayo?"

"No, okay lang, paalis na siya," pahayag ni Dudoy na hindi man lang tumitingin sa lalaki.

"Ah, yes, I'm leaving. Hi, ako pala si Larson Chavez." At nakipagkamayan siya sa akin. "Sige, Dex, una na ako."

Larson Chavez. At doon ko na naalala. Siya ang nanalong Vice Chair ng University Student Council and current third year Law student. Namukhaan ko siya dahil nag room-to-room campaign siya sa Chemistry last semester, at nakapaskil din ang mukha niya sa maraming bulletin boards that time. Bigla ko ring naalalang hindi ito yung first time na naabutan ko siya sa office ni Dudoy.

Ang Kasarian ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon