December 15, 2014. Lantern Parade. Katatapos lang dumaan ng floats ng Fine Arts sa Palma Hall steps habang inuubos namin nina Josh, Bodj at kapatid niyang si Jopet ang binili naming shawarma. Hindi nakahabol si Lisa dahil may class pa siya nung hapong yun sa UP Manila. Natuwa naman si Jopet dahil ito ang una niyang beses na makapanood ng Lantern Parade. Kamukha niya ang kuya niya, slim din, halos di makita ang mga mata, and with the same facial expressions, ngunit mas bibo siya. Sinabihan siya ni Josh na dapat makapasa siya sa UPCAT para maging neighbors kami sa condo. Tiwala naman daw siyang papasok siya sa UP next year. Kung confidence lang ang pag-uusapan, talagang magkapatid nga sina Bodj at Jopet.
Hinintay naming matapos ang fireworks display bago kami umalis. Sumakay ng Katipunan jeep ang magkapatid na Ong para makarating sa LRT2 habang kami naman ni Josh ay nagtungo sa parking lot sa Chemistry.
"Saan ka pala nung Friday, around lunch time?" tanong ni Josh. "Di ka namin ma-contact ni Bodj. Nagyayaya siyang kumain sa Mashita sa Shopping Center. Bigla siyang nag-crave ng bibimbap. Kami na lang tuloy ang pumunta."
"Last Friday? Saan ba ako nun? Ah! I got stuck sa Palma Hall. Nanood ako ng rally for Freedom of Information plus other stuff."
"May rally ba last Friday? Ba't wala akong narinig-- Wait lang! Nanood ka ng Oblation Run, no?"
"Which this year also happens to advocate for Freedom of Information!"
"Ikaw talaga, taun-taon na lang, di mo pinalalampas. Ano bang nakikita mo riyan-- wait, don't answer that."
"Lahat nakikita maliban sa mukha ng neophytes haha! Hayun, ganun pa rin. Parang tindahan ng saging, may iilang lakatan habang ang karamihan ay señorita! Pero walang Cavendish ngayong taon."
"Cavendish ba ang hanap mo? Sana sinabi mo na lang sa akin." At kinindatan niya ko.
Napailing ako habang hinabol ko siya ng suntok sa braso, ngunit nakaiwas siya at pinagtawanan ako.
"Tapos ka na ba sa grades mo?" tanong niya nang malapit na kami sa sasakyan niya.
"Yung senior professor na ka-partner ko ang magsa-submit. Nailigpit ko na rin ang mga buto sa Anthropology Museum, so by tomorrow ay free na ako this semester. Ikaw?"
"Isang lab section lang ako ngayon, pero di pa ako tapos mag check ng lab reports. Kailan ka uuwi sa San Pedro?"
"Bukas ng umaga."
"Ha? Agad-agad?"
"Di ba sinabi ko last week? Tutulungan ko si Nanay sa pagluto ng handa nila sa Christmas party sa school nila."
Parang nanlumo ang itsura ni Josh. "Wala na akong kasama sa condo. Ibig sabihin niyan ay kailangan ko na munang umuwi sa Green Meadows."
"Aba'y dapat lang! May pamilya ka pa!"
"It's not that. Pag Christmas kasi, that also means relatives. And you can't choose your relatives."
Hindi ko mapigilang maawa sa kanya, kaya inabot ko ang kanyang buhok at sadyang ginulo ito. "Kakayanin mo yan!"
Pasado 8 AM na kinabukasan nang matapos ko ang pag-aayos ng mga damit na iuuwi ko. Tulog pa si Josh noon sa lower bunk bed, naka boxer shorts lang at nakatanday ang isang buong hita sa isang unan. Lumapit ako sa tabi niya at gigisingin ko na sana nang pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Guwapo naman itong kaibigan ko. Sheltered nga lang, pero malambing at maasikaso naman. Di ko lang talaga maintindihan kung bakit di sila magkaigihan ni Lisa. Bagay naman sila sa isa't isa. Pero parang si Josh yata ang ayaw kumapit. Sayang sila. Kung magkakaroon ako ng boyfriend, sana ay yung katulad ni Josh ang makuha ko... Teka, bakit ko naisip yun?
BINABASA MO ANG
Ang Kasarian ng Pag-ibig
RomanceAll Dudoy and Josh ever wanted was to complete their Master's at the University of the Philippines while working as museum researcher and lecturer at the Anthropology Department (Dudoy) and research assistant and lecturer at the Institute of Chemist...