Napakainit nung hapong iyon. Kalagitnaan na ng May, at last day of classes na for the second semester. Katatapos ko lang magtrabaho sa Anthropology Museum at bumalik na sa aking office para magligpit ng gamit. Magsisimula na ang Hell Week, hindi lang para sa students kundi pati na rin sa aming part-time lecturers. Matatambakan na naman kami ng papers na dapat i-check. Bukod doon, graduate student din ako, kaya may sarili rin akong requirements na kailangang tapusin. So sa kalagitnaan ng papers na dapat kong ma-check ay isisingit ko pa ang pag-submit ng paper sa aking Research Methods in Physical Anthropology.
Nag-text sa akin si Josh kung saan ko raw gustong kumain sa labas. Subukan daw namin sa UP Town Center dahil maraming restaurants ang hindi pa namin napupuntahan. Bigla kong naalalang matagal ko nang gustong subukan ang Casa Verde kasi isa sa mga sikat na kainan ito sa Cebu, ang probinsyang pinangarap kong mapuntahan. Ay, sige na nga! Sa sobrang stress ko, ano ba naman ang isang oras na mag-relax?
Dinaanan ko si Josh sa kanilang lab sa Chemistry. Hindi na ako pumasok at sa halip ay sinilip ko na lang siya sa isang maliit na glass window ng pintuan ng lab. Nabanaag ko siyang naka puting lab gown at nakamewang habang nakatayo sa harapan ng isang malaking equipment. Napakaseryoso ng kanyang mukha habang nakatitig siya sa isang monitor. Nung napansin niya akong nakadungaw, kinawayan at nginitian niya ako. Maya-maya pa ay natapos na rin siya sa kung ano mang pinagkakaabalahan niya at nagtanggal na rin ng lab coat. Matapos maghugas ng kamay ay kinuha na niya ang bag at dagliang lumabas.
"Wow, ngayon lang yata kita nakita in action. Parang ang exciting. Ano bang ginagawa mo? Yan ba yung sinasabi mong pag-analyze ng compounds based on their molecular weight? May nahanap kang alkaloids? May candidate compounds ka na for anti-cancer activity?"
Napalingon si Josh sa pinanggalingang pintuan at napakamot ng ulo. "Ah, yun ba? Actually, hinihintay ko lang mag shut down yung computer. Ang bagal, eh."
"Oh, I see. Para kasing may ginagawa kang importante pag suot mo ang lab coat mo." At natawa si Josh sa sinabi ko.
Dumating kami sa UP Town Center at tatapak na sana sa paakyat na escalator nang may namukhaan si Josh sa pababang escalator. "Naku, Tita ko," ang kanyang bulong sa akin. Ang tinutukoy ni Josh ay isang matangkad na babaeng siguro ay mahigit sixty years old na ngunit matikas pa rin ang tindig at maayos na nakapuson ang ubaning buhok. Nakabuntot sa kanya ang isa pang babaeng nakasuot ng maid's uniform at bitbit ang ilang plastic bags.
"So how's my government employee?" bati ng babae pagsapit niya sa paanan ng escalator.
Tumabi kaming apat sa gilid para di makaabala sa mga gagamit ng escalator habang nagmano naman si Josh. "Hi, Tita Doris!" Tapos hinawakan ni Josh ang braso ko. "Si Dexter po."
"Ah, siya ba ang roommate mo?" sabay tingin ni Tita Doris sa akin. Mabilis lang nangyari, parang split second lang, ngunit naramdaman kong nag-flick ang mga mata niya at ini-scan ako mula ulo hanggang paa.
"Hello po," ang bati ko.
"You must be the anthropologist?"
"Yes po."
Ibinaling ni Tita Doris ang tingin niya kay Josh. "So how's Lisa?"
"Okay naman po. Nasa Med School pa rin po."
"How come I don't see her anymore? Hindi mo na sinasama sa parties sa bahay ninyo."
"Tita naman. Di ba hindi na po kami?"
"Hmp. Sayang. She's good for you." At napansin ko na naman na parang tumingin siya sa akin, kahit saglit lang.
"We're friends naman, Tita."
Umiling si Tita Doris. "Fine. Sige, we'll go ahead. I'll see you soon for your Tita Cynthia's birthday party this Saturday evening." And just like that, umalis na sila. She only made a slight nod to me, and that was it. They were gone as quickly as they came.
BINABASA MO ANG
Ang Kasarian ng Pag-ibig
RomanceAll Dudoy and Josh ever wanted was to complete their Master's at the University of the Philippines while working as museum researcher and lecturer at the Anthropology Department (Dudoy) and research assistant and lecturer at the Institute of Chemist...